Prologue

1.7K 62 0
                                    

SA KALAGITNAAN ng maingay at magulong paligid, natagpuan kita.

     Nang mga sandaling 'yon, pakiramdam ko huminto ang oras nang dumako ang mga mata ko sa iyo. Habang palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko, unti-unting nawawala ang mga tao sa paligid.

     Hanggang sa tayo na lang ang natira.

      Everything went in slow motion—including you. Wala na akong ibang marinig kundi ang pagrigodon ng puso ko.

      Ano'ng nangyayari?
 
     Bakit parang may kung ano'ng nabuo sa pagkatao ko nang ngumiti ka. Damn that smile. Tuluyan nang tumigil sa pag-ikot 'yung mundo.
     ‎
     Nakangiting pinagmasdan kitang makipagusap sa iba. Sino bang mag-aakalang na sa araw na ito kita matatagpuan?

     'Di ko akalain na dito na pala magsisimula ang kwento nating dalawa.

     Ang kuwento nating umabot nang halos isang dekada.

Gravity - Her Side ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon