Kwento nating dalawa

1.2K 61 2
                                    

2005

KATH, bilis!”

      Napalingon ako kay Jodie. Sinong hindi mapapalingon kung halos umalingawngaw na sa buong campus ang matinis nitong boses?

      Sinimangutan ko ang bruha. Napakarami kasing estudyanteng nagkalat sa grounds kaya hirap akong makisiksik. Isa pa, kakakain ko lang, as in mga three minutes ago.
      ‎
      “Teka lang naman, Jodie,” habol ang hininga kong sabi sa kaniya habang sumusunod sa kaniyang likuran. “Palibhasa may lahi kang kabayo kaya ang bilis mong maglakad, e!”

       Humarap siya at pinandilatan ako ng mga mata. Para namang masisindak ako, 'di ba?

      Tumunog ang pager ng school. Tinatawag na lahat ng mga estudyante papunta sa gitna ng grounds. Hinila na ako ni Jodie sa 'king palapulsuhan at dali-daling hinanap ang pila ng section namin. Sabog ang pila ng mga first year students kaya lalo kaming nahirapang dumaan sa grounds.

      “Third year, section Garnet!”

      “Ayun!” sabay naming sigaw ni Jodie nang makita ang sumisigaw naming adviser, si Mrs. Castro. Winawasiwas pa nito ang mga kamay sa ere para mas madali siyang makita ng mga estudyante nito.

     Kapwa kami hingal ni Jodie nang makarating sa pila. Hindi muna ako umupo habang agad na sumalampak naman ang kaibigan ko sa semento.

     Inilibot ko ang tingin ko sa mga estudyanteng nagtutulakan sa grounds at halos hindi magkamayaw sa pag-upo.

     Nilingon ko ang malaking orasan na nakasabit sa gitna ng gate. Limang minuto na lang at magsisimula na ang programa para sa Mr. & Ms. Intramurals

     “Another boring day,” I groaned and stretched my arms in the air.

     Tatalikod na sana ako para humarap sa stage nang parang may kung anong humila sa mga mata ko papunta sa tapat ng baking room.

     And when I did.

     Everything stopped.

     Awtomatikong nag-focus ang mga mata ko sa pinakagwapong lalaking nasilayan ko na ata sa buong buhay ko. Kahit na may kalayuan ang distansiya niya sa akin, kitang-kita ko kung gaano kalamlam ang mga mata niya.

     Para akong hinigop sa isang eksena sa pelikula. Nawala ang mga magugulo kong mga school mate. Hindi ko na rin marinig ang maingay na mga teachers na kanina pa sigaw nang sigaw at halos magkanda-paos na kakasaway sa mga estudyanteng nagtatakbuhan.
     ‎
     Then our eyes met.

     Hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon. Pero kaya siguro wala akong matanaw na bituin sa gabi dahil lahat ng kislap ay natagpuan ko sa kaniyang mga mata. Napakalalim at tila nangungusap.

     Butterflies filled my stomach. Hahakbang na sana ako papalapit sa kaniya nang biglang may humila sa 'kin.

     Para akong bumulusok pababa sa roller coaster. Biglang bumalik ang ingay ng paligid. Naririnig ko na ulit ang mga teachers na walang humpay sa pagsasaway ng mga estudyante. Maski ang hiyawan ng mga schoolmate kong nag-aasaran.

     “Kath! Ano ka ba naman?” untag sa akin ni Jodie. “Naka-drugs ka bang babae ka? Kanina ka pa binubulyawan ni ma'am!” Ang higpit ng kapit sa 'kin ni Jodie.

Gravity - Her Side ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon