“KATH, ANO? Tatayo ka na lang ba riyan?!"
Napalingon ako kay Jodie. As usual, sumisigaw na naman siya. Ewan ba't hanggang ngayon ay hindi pa napipigtal ang litid niya kakasigaw.
I rolled my eyes heavenward. Nakasimangot akong umatungal. “Ano na naman ba? Hindi pa nga ako tapos manuod ng program, eh!”
“Alam mo, gurl, wala kang mapapala sa panunuod ng Mr. & Ms. Intramurals na 'yan. Kaya 'lika na, nagugutom na akez.”
Tatawa-tawang nagpatianod na lang ako sa kaibigan.Napatingin ako sa taas.
Intramurals 2015.
In all fairness sa aming dating school, nagle-level up, ha. Dati tarpaulin lang ngayon de-ilaw na!
Napangiti ako. I guess, old habits die hard. I still visit our old school tuwing intrams.
“Oh, akala ko ba nagugutom ka? E, bakit nandito tayo?" kunot-noo kong tanong kay Jodie nang bigla kaming tumigil sa tapat ng baking room.
Humimas si Jodie sa tiyan. “Ang daming tao sa canteen, friend. Tingnan natin kung may bine-bake ang mga students dito. Makikihingi na lang ako.”
Bumitaw siya sa 'kin at walang sabi-sabing binuksan ang pintuan ng baking room. Gusto ko sana siyang pigilan dahil nakakahiya pero huli na ang lahat.
Umayos ako ng tayo nang dismayado siyang bumalik. “Oh, ano? Nadismaya ka?” tatawa-tawang asar ko sa kaniya. Wala sigurong pagkain. “Tara na lang sa canteen. Libre kita.”
Napatigil ang pagtawa ko nang isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante mula sa baking room. Lahat may kani-kaniyang hawak ng mga oras.
"Huh?" nakatingin lang ako kay Jodie pero nakangiti lang ito.
Kumuno ang noo ko nang ibigay nila sa 'kin ang mga bulaklak. Sinod na iniluwal ng pinto si Ma'am Rose na may bitbit na cake.
Tapos na birthday ko, ah?
Lumingon ako sa paligid, maraming estudyante ang nakapaligid sa akin, may mga estudyanteng naglaglag ng mga rosas mula sa ikalawang palapag.
Ikaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito naNapaigtad ako nang pumainlang ang isang kilalang awitin sa paligid. Biglang nagwala ang puso ko. Parang alam ko na kung ano ang nangyayari.
Kusang pumatak ang mga luha ko.
Ikaw, ikaw ang pag-ibig na binigay
Sa akin ng may kapal biyaya ka sa buhay ko
Ligaya't pag-ibig ko'y ikawMula sa kumpol ng mga estudyante sa aking harapan, lumabas ang lalaking bumuo ng mga pangarap ko.
Nanlabo ang mga mata ko sa dami ng luhang umaagos mula rito. Walang pagsidlan ang sayang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon.
“Masyado nang mahaba ang nasayang natin na panahon,” pagsisimula niya nang tuluyang makalapit sa akin.
Lumapit ang kaibigan naming guro at inabot kay Collins ang nakatakip na cake. Lumapad ang pagkakangiti niya, pati mga mata niya'y namumula na rin, halatang nagpipigil ng luha.
“Alam kong hindi pa tayo umaabot ng isang taon, pero sigurado na ako na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko.”Halos hindi ako huminga habang nagsasalita siya.
“Kath, I would like to take this chance to ask you . . .” he held my hand. Dinala niya ang kamay ko sa cover ng cake at dahan-dahan iyong inangat, “ . . . if you want to spend the rest of your life with me."
Garalgal ang paghingang bumaba ang tingin ko sa nakasulat sa cake gamit ang icing.
“Will you marry me?” mahina kong basa roon.
Ramdam ko ang banayad niyang pagpisil sa kamay ko. “Will you be my wife, Kath?”
Tinawid ko ang distansyang nakapagitan sa aming dalawa, binuhos ko sa yakap at halik ang sampung taong inipon kong pagmamahal sa kaniya.
“Yes!” umiiyak kong sagot.
Humihinto sa bawat oras ng tagpo
Ang pag-ikot ng mundo ngumingiti ng kusa aking puso
Pagka't nasagot na ang tanong nag-aalala
Noon kung may magmamahal sa'kin ng tunayIkaw ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito naAkala ko noon, isang panaginip na lamang ang makasama si Collins. Isang pangarap na napakahirap abutin.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na makalipas ang isang dekada . . .
Nandito kami ngayon.
Sa mismong lugar kung saan una ko siyang nakita.
Muntik ko na ngang isuko ang idea ng pagmamahal, e. Napagod ako at nawalan ng pag-asa.
Pero kahit na ano'ng gawin ko, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa kaniya.
Siguro totoo nga 'yong sinasabi nila, kung kayo talaga ang nakatadhana, kahit pakawalan mo 'yan, babalik at babalik siya sayo kahit ano'ng mangyari.
Iniwasan ko, pero sa dulo, sa isa't-isa rin pala kami babagsak.
Kahit anong tulak mo, kahit gaano kalayo ang takbuhin mo palayo sa kaniya. You will always find your way back to each other.
— Kath & Collins
BINABASA MO ANG
Gravity - Her Side ✓
Short StoryPeople who are meant to be together will always find their way back to each other. They may take detours in life, but they're never lost.