*Hermes/The Bride's POV*
Nang matapos na akong kumain ay napagpasyahan kong maligo. Balak ko kasing umalis sa bahay at maglibot-libot sa paligid gamit ang motor ko.
Astig ko noh? Mas gusto ko pa ang motor kesa sa kotse. Yung motor ko nga pala ay yung pang race. I'm a racer kasi. Pero paminsan-minsan lang ako sumasali sa mga race. Madalas kasi akong tamarin.
A/N : Picture po ni Mr.Conceited ----->
Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nung lumabas ako ay nagbihis na ako. I wore a t-shirt printed with Ben-10 and a short.
Nagtataka ba kayo kung bakit Ben-10 ang t-shirt ko? Well, favorite kasi namin yun ng kapatid ko^_^. Ang astig kaya ng palabas na yun. Lalo na pag nagtatransform si Ben into different aliens.
Bago ako bumaba, I grab my wallet and my motor key.
"Mom can I borrow your map?"
"Map? Why? Aalis ka ba?"
"Yap. Maglilibot-libot lang ako. Hindi ko kasi gaanong kabisado yung lugar na pupuntahan ko kaya kailangan ko ng map. Yung sa may gawi ng simbahan na dapat pagpapa...ahm basta yung sa may gawi ng simbahan."
Shocks. Hindi ko talaga mabanggit yung word na yun. Feeling ko kasi bad word yun eh :/
"Ah sige. Alam ko na yun. Kukuhanin ko lang yung map."
Pagkaabot sakin nung map ay dumiretso na ako sa garahe namin. Sumakay na ako ng motor at pinaandar ito. Sinuot ko na yung helmet ko. Binuklat ko na din yung map.
Medyo malayo pa pala yung pupuntahan ko.
Tanda niyo pa ba yung hidden park na napuntahan ko nung tumakbo ako papalayo sa simbahan?
Doon kasi ako pupunta ngayon.
Malayo na din ang narating ko at medyo malapit na ako sa hidden park. Kaya lang, kung minamalas ka nga naman. Lumipad pa yung map ko. Patawid pa naman ako sa bridge ngayon.
Napahinto ako at inalis ang helmet ko dahil doon. Buti na lang at walang dumadaan ngayon na sasakyan.
Sumabit yung map sa may mga bakal ng bridge. Yung bridge kasi dito ay yung katulad nung sa San Juanico Bridge. Kaya lang masyadong mataas yung pwesto ng map.
Tumalon-talon ako dahil akala ko maaabot ko siya. Pero hindi ko pala siya abot. Huminto muna ako para mag-isip kung ano ang gagawin ko.
'Kapag sinungkit ko yan gamit ang stick, baka liparin siya at dumiretso sa tubig.'
'Kapag nag-antay ako ng darating na sasakyan at magpapatulong, baka naman abutin pa ako ng ilang oras dahil walang dumadaan.'
Then an I idea popped in my mind.
Tutungtong na lang ako sa isa sa mga bakal para maabot ito. Tutal hindi naman siya gaanong mataas.
Tumungtong na ako at pinipilit abutin ang map. Kaya lang hindi ko pa din pala siya abot.
"MISS! Hey! Miss! What are you doing?"
Nakafocus pa rin ako sa pag-abot ng map ko. Kaya lang hindi ko pa din siya abot.
"Miss! Miss! Hey! Don't jump in there!"
Tutungtong na sana ako sa mas mataas na bakal para maabot ko yung map ko nang biglang.....
"MISS!"
Nadulas yung paa ko sa bakal kaya nahulog ako.
Napapikit na nga ako at hinahanda ang sarili ko para sa pagbagsak.
BINABASA MO ANG
The Bride [EDITING]
Teen Fiction"What's the bride doing here?" Nanigas ako sa pwesto ko nang marinig ko ang boses na yun. Ayokong humarap dahil once na makita niya ang mukha ko, I know na pagtatawanan niya ako being the bad boy that he is. Naramdaman kong lumapit pa siya lalo saki...