Kanina pa ako nandito sa kotse ko. Ayoko pang bumaba. Maaga pa naman eh. Saka baka makita ko lang si Allen. Wala pa naman akong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos nung nangyari kahapon. >.<
Maya-maya, nagulat ako ng biglang may kumatok sa car window ko. Binaba ko naman ito.
Si Renz Galvez pala yung kumatok.
"Why?"-ako
"Hindi ka pa ba papasok?"-siya
"Ayoko pa eh. Not in the mood."-ako
"Bumaba ka na. Sayang ang gas."-siya
"Sayang ang gas? Bait mo naman! Mayayaman naman tayo eh, kaya hindi natin kailangan magtipid."-ako
"Alam mo, hindi porket mayayaman tayo, dapat sinasayang na natin ang gas. Yung iba nga walang makain eh."-siya
"Eh? Anong connect ng pagsasayang ng gas sa walang makain?"-ako na naguguluhan.
"Ewan? Basta may connect yun!"-siya
"Sige. Sabi mo eh."-ako
"Kung gusto mo, doon na lang muna tayo sa garden. Wala namang gaanong nagpupunta dun. Tahimik kasi kaya ayaw nila."-siya
"Sige."-ako
Bumaba na nga ako at naglakad na kami papunta sa garden. Napansin kong pinagtitinginan kami.
"Diba si Hermes yun?"-girl 1.
"Nung una, si Andrei ang nilandi niya. Ngayon naman si Renz."-girl 2
"Tsk. Malandi talaga."-girl 3
Lumapit naman sakin si Renz at may binulong.
"Wag mo na lang silang pansinin."-renz
"Minsan, hindi sagot sa problema ang pag-iwas. Kaya haharapin ko na sila."-ako
Pagkasabi ko nun, hinarap ko na yung mga babaeng nagbubulungan. Tsk. Sila din pala yung nagbubulungan nung nakaraan eh. Mga chismosa talaga! -.-
"Hmm....seems like may mga chismosa dito."-ako sabay smirk.
"Sino ang chismosa?"-girl 1
"Tsk. Chismosa talaga. Tinanong pa kung sino ang chismosa. Hindi naman siya ang kausap."- ako sabay roll eyes.
"Kami ba ang pinapatamaan mo?"-girl 2
"Bakit? Tinatamaan ba kayo?"-ako sabay taas ng isang kilay ko.
"Hindi ah! Pero bakit samin ka nakaharap?"-girl 3
"Malamang. Nakaharang kaya kayo sa daan."-ako sabay smirk.
Nagtawanan naman yung mga tao sa paligid including Renz.
Psh. Talaga namang nakaharang sila sa daan. -.-
"Sumosobra ka na ah!"-girl 1
Sasampalin na niya dapat ako pero nahawakan ko yung braso niya at siya naman ang sasampalin ko.
Napapikit na yung babae at halatang natatakot na. Pero hindi ko naman siya sinampal noh!
Huminto ako nung mga 1 inch na lang ang pagitan ng kamay ko at ng mukha niya. Napadilat na ang babae.
"Psh. Hindi kita sasampalin noh! Joke lang yun! Hindi ako katulad ng iniisip niyo."-sabi ko sa babae.
"S-salamat."-girl 1
"Gusto ko lang sabihin sa inyo na sana, wag kayong nanghuhusga agad ng tao. Hindi niyo naman ako kilala eh. Subukan niyo kaya akong kilalanin ng mapatunayan niyo kung totoo yung mga sinasabi niyo. Kung talagang ginagawa ko yun, tatanggapin ko yung mga sinasabi niyo."-sabi ko sa kanila habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
The Bride [EDITING]
أدب المراهقين"What's the bride doing here?" Nanigas ako sa pwesto ko nang marinig ko ang boses na yun. Ayokong humarap dahil once na makita niya ang mukha ko, I know na pagtatawanan niya ako being the bad boy that he is. Naramdaman kong lumapit pa siya lalo saki...