Chapter 1. The Spotlight

3 0 0
                                    

  " The Girl group of the year!"

  Kanya kanyang hiyawan at sigawan ang nga nasa audience. May mga kinakabahan, may nga excited lang at may ibang nakikiusyuso lang sa dami ng nga artista sa larangan ng makabagong musika na dumalo sa Manila Music Award. MMA is one of the most prestigious awarding ceremony. Makabago at engrande ang pagtatanghal na dinagdagan pa ng engrandeng lights and sound.

  "Century!!"

  " Yeh!" Masayang bulalas ng fans  habang dismayado naman ang fans ng ibang nominado.

  "Go. Go Century! Go. Go strawberries." Sabay sabay na chanting ng mga fans nila.

  " Congratiolation Century. May we request your presence here up in the stage to claim your award"

  Walang nagsasalita sa Century members pero parang automatic na isa isa silang tumayo at parang mga anghel na nagsipuntahan sa entablado.

  Si Chaenda ang nagsalita para sa grupo. Nagpasalamat, blah blah blah na hindi makapaniwala sa pagkapanalo nila kahit na kung tutuusin, sila din ang nanalo noong magkasunod na nakaraang taon. Hindi na bago sa kanila ang manalo pero ganyan ang buhay artista. Kailangan nila laging magpasalamat at magbigay pugay sa ibang tao. In short, makipagplastikan kahit na alam nilang nakaismid ang ilan sa mga ito sa tabi tabi. Inggit sa kanilang tagumpay.

  They are Century.

  The group who slay.

  Madami silang fans na pinangungunahan ng mga Strawberries. Yon ang tawag sa official fans club nila.

   Lahat ng myembro ng Century ay may mga angking talino. Magaganda at matatangkad. Si Aya Cassandra, si Chaenda Romero, ang leader, si Sheru Catalino, si Tali Andrea at si Kalee Sintos.

   Singer. Dancer. Composer. Producer

   Lahat kaya nila.

   Hawak sila ng Quality Stamp Management na tumulong sa kanilang promotions para makakuha ng madaming sponsors at makapaglaunch ng album.

   " Boy Group of the year"

   " Brothers"

   " Song of the year"

   "Failure by Century"

    "New artist of the year"

   "______"

   Palakpakan at hiyawan ang mga tao.

   " Gosh, ang saya. Nanalo na naman tayo" sambit ni Tali

  " What do we expect, Thalia, magaling tayo. " nagmamalaking sabi ni Chaenda

  Ngiti - ngiti lang si Aya habang nag - uusap ang grupo. Masaya siya sa napanalunan nila. Masaya magperform. Masaya ang maging parte ng music industry. Madami ka makikilala at makinang ang pamumuhay. Nasa sayo na lang kung ikaw ay papatangay at kung paano.

  Wala sa sariling napasulyap siya sa Brothers. Halos kasabayan nilang sumikat ang grupong ito. Kasabay namayagpag kaya malapit na din ang mga ito sa kanila maliban sa rason na iisa lang company nila.

  Kumaway sa kanya si Rab na kinawayan niya din pabalik. Napalingon din sina Zeb, Ele, Goo at ang lider ng brothers na si Bid. Napansin na din nina Chaenda ang Brothers kaya nakipagkawayan na din ang nga ito.

  Ang saya.

  Pero sa loob loob ni Aya. Nasasaktan pala siya.

Nandito Lang AkoWhere stories live. Discover now