" Bid, sino na namang chicks yon" tanong ni Ele. Kakarating lang ni Bid at yon talaga ang unang tinanong ni Ele." News got wings,yeah" saad na lang ni Bid.
" So, totoo nga?"
"Yeah"
" Details, bro." Makulit na pahayag ni Ele. Nagsilapitan na din ang lahat kasama na din si Aya. She got no choice. Ayaw niyang isipin ng mga kasama na bitter siya." She's a model. Met her months ago. She's my girl since last month" kwento ni Bid.
" Last month?" Eh last 2 weeks muntik ng may mangyari sa kanila sa Bid. Galit na saisip ni Aya.
Ano yon?
Laro - laro na naman.
Akala niya, yon na yon.
Na may something na.
Yon pala, wala na naman. She just likes him too much to risk things out pero in the end, wala lang pala.
" Woah, malihim ka, bro ha" saad ni Goo.
" So what's she's like?" Tanong ni Zeb
" Pretty and fun" sagot ni Bid
" Nag sex na ba kayo?" Biglang tanong ni Rab" Woah, rated SPG na yan ah. May mga bata po dito" apela ni Sheruu sabay turo sa kanilang mga babae.
Nagtawanan na lang ang grupo. Nakisabay na lang si Aya sa tawa ng grupo. Ingat na ingat siya na huwag magtama ang mga mata nila ni Bid. God forbids, masakit pa din pala.
Bumulong siya kay Chaenda na mag Ccr lang muna. Doon sa loob, tinakpan niya ang bibig para hindi siya bumulahaw ng iyak.
Sinigurado niyang hindi siya mukhang umiyak bago lumabas. Pakanta kanta pa siya habang palabas at laking gulat niyang makita si Bid na nag aantay sa kanya.
" Ang tagal mo mag CR" nakangiting sabi nito sabay abot sa kanya ng isang supot.
"Pasalubong ko yan sayo"Napatitig si Aya sa mukha ni Bid na parang wala itong maling nagawa.
"Uhm, thanks ha" sabi na lang ni Aya.
" Syempre, makakalimutan ba naman kita" nakangisi nitong sabi
" Sa birthday mo, labas tayo. Ittreat kita" dagdag pa na saad ni Bid.
Kunot ang noong napatingin si Aya kay Bid. Parang gusto niya isampal sa mukha nito na kakaamin niya lang na may gf siya tapos ngayon ay mag aaya itong lumabas sila? Na nakaraang linggo lang, naghalikan sila at kung walang tumawag sa phone ay baka kung saan pa sila umabot.
She's not cheap to let it be. She just likes him too much. Too much para mawala siya sa sariling pag iisip kapag si Bid na ang napag - uusapan.
Na kapag nag mamake ng move si Bid, ay natatangay na lang siya forgetting na walang kasiguraduhan ang kung anong merong sila.
Bago pa makapagsalita si Aya, ay dumating sina Chaenda at Sheeru. Nagpaalam na siyang babalik sa loob habang nakipagkwentuhan pa si Bid sa dalawang bagong dating.
Mag bbday na pala siya next week. 25th bday niya. Ang bilis ng panahon. Tumatanda na siya. Mabuti na lang at may mga ipon naman siya galing sa pagiging myembro ng Century at nakapagtapos siya ng Architecture bago namayagpag ang Century. Pinagsabay niya dati ang pag aaral at Century. Panahon na iyon hindi pa gaano kasikat ang grupo kaya hindi pa busy ang schedule.
Hindi naman mayaman ang pinanggalingan niyang pamilya. Mga nakapagtapos lang at posisyon sa kani - kanilang trabaho kaya nakapagpundar ng sariling sasakyan, magarang bahay at maliit na construction company. Mayor ang tatay niya at doctor ang nanay niya. Labag sa kanila ang pagsali niya sa Century kaya tinipid siya dati sa allowance noong nagcocollege pa lang siya.
Kung tumigil siya dati at sumuko, hindi niya maaabot ang kung anong meron siya ngayon.
Sinunod niya ang hilig niya sa musika pero hindi din niya binigo ang mga magulang niya dahil nakapagtapos naman siya.
YOU ARE READING
Nandito Lang Ako
RomanceMadaling sabihin ang mahal kita pero mahirap panindigan kung hanggang saan ang mo kaya magmahal.