Zandy's Point of View
At ayun na nga pagkatapos namin kumain, umakyat nako sa aking kwarto para maligo at matulog sana pero hindi naman ako inaantok kaya naisipan kung bumaba muna at namalayan ko nalang na dinadala na pala ako ng aking mga paa sa playground..
Naupo ako sa swing at pinapakiram daman yung simoy ng hangin nakakawala ng pagod.
And seeing myself reminiscing the past..
(FLASHBACKS)
"Alex!! Iha, hali ka,may bisita ka" natigil ako sa paglalaro dahil sa tawag sakin ni sister
"Po? Sino po ba sister?"
Nagtatakang sagot ko,kasi unang beses yun simula nung napadpad ako dito na may bibisita sakin.
(sino kaya? May aampon naba sa akin??) isip isip ko sa sarili.."Alam kong matutuwa ka, halika na" nakangiting sabi ni sister Anna
Sumama ako kay sister na nagtataka parin kung sino yung taong bumisita sa akin at sabi ni Sister matutuwa daw ako.
"Alex!!"
Nabigla ako sa babaeng biglang yumakap sa akin."Ang Laki laki muna"
Bakas ang tuwa sa mga mata ng. babaeng nakaharap sa akin."Sino ho kayo?" tanong ko.
"Ako ang Tita Faye muh, Kaibigan ako nang Mama mo,nung nabubuhay pa siya"
"Bakit kayo nandito?"
"Nandito kami para sunduin kana"
"Kami??" takang tanong ko, naguguluhan pa kasi ako at siya lang naman mag isa bakit kami? Edi may kasama pa sya
Natigil ako sa aking pag iisip nang biglang may lumapit na isang bata, kasing edad lang kami,kaso ang putla nya at ang pinagtakahan ko nang husto ay yung MAGKAMUKHA KAMI??
"Alex, now meet your twin sister Amanda"
"Kapatid ko sya?"
Hindi ako makapaniwala na may kapatid ako, kase nung nabubuhay pa si Mommy hindi nya naman iyon nabanggit.."Yes!Alex she's your sister hindi lang basta kapatid, Kambal mo sya"
"Bakit hindi ko sya nakikita noon?"
"Kase nasa amin siya, kaya Alex makinig ka sakin ha?"
Tumango na lamang ako bilang sagot kaya nag umpisa na siyang magsalita"Ganito kasi yon, Ako at ang Mama mo, mag Best friend simula nung highschool pa kami then ang naging promise namin sa isat isa na pag nagka anak kami magiging ninang kami sa kanya kanyang anak, pero sa kasawiang palad.. Yung Mama mo lang yung binigyan nang dalawang Anghel."
Tumigil muna siya sandali at tiningnan ako at tyaka yung kambal ko daw at nag umpisa ulit.
"Pero nung ipinanganak kayo nagkaroon nang komplikado may sakit daw sa puso yung isang kambal kaya nag offer kami nang tulong na kami ang magpapagamot dahil nang mga panahon na yun pabagsak na ang kompanya nyu kaya hindi kayang ipagamot nang mga magulang mo, hindi man nila gusto na ipamigay yung anak nila.pero para rin yun sa ikabubuti nang kambal mo at iyon ay si Amanda."

YOU ARE READING
Her Vs. Him
Fiksi RemajaThis is work of fiction.Names,Characters,places and happenings are based on the author's imagination only.Any resemblance to the actual events,places or person,living or dead are purely coincidentally only. PLAGIARISM IS A CRIME No part...