Chapter One
Asan na ba kasi si Armand? Naiinis na simpleng pinasadahan ni Amanda Vergara ang kabuuan ng function room ng restaurant kung saan ginaganap ang engagement party nila. Pagmamay-ari ito ng pamilya ng taong hinahanap niya
Nginitian niya ang isa sa mga pinsan ng ina nito na nakikipagkuwentuhan sa kanya at magalamang siyang nagpaalam dito. Mabibilis ang mga hakbang na tinungo niya ang daan patungo sa opisina nito, napatigil siya sa paghakbang nang marinig niya ang paglagpak ng babasaging bagay sa sahig. Nanggaling iyon sa nakasarang pinto ng silid na pakay niya.
Hindi na siya nagtaka dahil kapag stressed, may pagkamainitin ang ulo ng lalaki. Isang beses na niya itong nakita na ibinato ang unang gamit na nahagip ng mata nito. Malamang ay nagkaproblema na naman sa shipment ng isa sa mga ingredients galing China. Mahina siyang kumatok bago niya binuksan ang pinto.
Nanigas siya sa kintatayuan nang makita ang itinuturing niyang protégé na nakapulupot ang mga binti sa baywang ng kanyang magaling na fiancé habang ang mga kamay nito ay abala sa pagbababa ng zipper ng lalaki.
Parang walamang pakialam ang mga ito sa ilamang piraso ng bubog na nagkalat sa sahig sa pagmamadaling ilabas ang init ng mga walamanghiya.
"Mukhang may sarili kayong party, ah?" Naniningkit ang mga matang sabi niya sa mababang tinig.
Agad na naghiwalay ang dalawa at ibinutones agad ng beinte uno años na assistant niya ang blusa nito bago tumayo sa pagkaka-upo nito sa mesa.
"Magre-resign na 'ko." Taas pa ang noong sabi nito nang madaanan siya habang papalabas ito ng pinto. Hindi na nga humingi ng paumanhin, ni wala pang bahid ng pagkapahiya o pagkakunsensya ang mukha nito dahil sa pang-aahas sa mapapangasawa niya.
Halos mapanganga siya sa kapal ng mukha nito.
"I can explain." Ani Armand habang maingat na lumalapit sa kanya.
"At ano naman ang paliwanag mo? Nawawala ang butones ng blouse niya at baka tumalsik papasok sa zipper ng pantalon mo kaya hinahanap niya nang dumating ako?" Maanghang na pambabara niya dito. Purong galit pa lamang ang nararamdaman niya noong mga sandaling iyon at habang lumiliit ang distansiya nila ng lalaki lalong sumisidhi ang nararamdaman niya.
"We're over." Tinalikuran na niya ito, wala nang saysay ang pagbubunganga at pagsasalita pa ng kung ano-ano dito at lalong hindi siya maghihintay ng pagkakataon na subukan pa nitong bilugin ang ulo niya. Dahil kapag lalo pa siyang ginawang tanga nito ay baka ipukpok na niya sa ulo nito ang natitira pang water globe na siya mismo ang nag-uwi dito mula sa mga bansang pinuntahan niya.
"Come on, Amanda. Don't make a big deal out of this. Nothing happened." Habol nito habang hawak ang itaas na bahagi ng braso niya. Tiningnan niya ng masama ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.
"It's appalling that you think what I saw falls under the category of nothing happened."
Ipinaibabaw niya ang braso sa braso nito. Wala pang isang segundo ay hawak na niya ang kamay nito at idinidiin na niya ang siko sa ibabang bahagi ng braso nito. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat.
"If you're smart, ititikom mo na lamang 'yang bibig mo. Dahil kung hindi, sisiguruhin ko na i-ca-cast 'yang braso mo." Nanginginig sa galit na asik niya.
**********
Nasa SLEX na siya bago niya pinakawalan ang masaganang luha. Mag-isa na siyang didirecho papunta sa wedding rehearsal nina Glenn at Lara sa halip na kasama ang taksil niyang mapapangasawa.
BINABASA MO ANG
The Wedding Souvenir(To Be Published In Print By Bookware)
Romance(Preview only) "I like you Dex, so much, that it scares me." "Amanda, if what you're trying to do is make things easy for me while you're basically telling me to go take a hike, you're failing." Nagkakilala si Amanda at Dexter sa isang kasal. Amina...