Bahagyang nangiti si Amanda sa kinatatayuan niya, dama ng kanyang mga paa ang pinong buhangin na animo ay seda na humahaplos sa balat niya. Ang langit ay parang ipininta gamit ang iba't-ibang kulay ng lila, rosas kahel at dilaw. Lumigid pang muli ang kanyang paningin, malamlam ang ilaw na nanggagaling sa mga munting lampara sa magkabila ng aisle na linakaran nila kanina.
Ang aisle ay nagmistulang extension ng dagat dahil sa mga naglipanang talulot ng kulay asul na mil flores. Sa pagitan ng mga lampara ay may arrangement ng iba't ibang mga bulaklak na sumasalamin sa kulay ng langit at dagat.
She would have loved a wedding just like this one. Nagtagumpay man siya kanina na pansamantalang kalimutan ang pagtataksil sa kanya ni Armand, muling nanumbalik ang sakit at galit niya nang maalalang hindi na importante kung ano mang klase ng kasal ang naisin niya dahil wala na siyang groom. Sinaway niya ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. Huminga siya ng malalim at ikinundisyon ang sarili na magalit sa halip na maawa sa sarili. Hindi siya makapag-intay na matapos na ang rehearsal na iyon. She almost groaned out loud nang ma-realize niya na may dinner pa pagkatapos ng ceremony. Ipinagpapasalamat na lang niya na sa Linggo pa makararating ang mga magulang niya dahil may sariling lakad ang mga ito. Kanina, pagtawag niya para sabihing ayos lang siya at ligtas na nakarating sa Batangas, gusto pa sana ng mga itong kanselahin ang lakad para lang siguruhing hindi siya depressed.
May iba pa pala siyang dapat ipag-alala, wala sa plano niya ang mailagay sa spotlight ng mga kamag-anak nila ni Glenn. Araw ng mga ikakasal ito at kung siya ang masusunod, mas gugustuhin na lang niyang magkulong sa silid niya, silid nila dapat ng hinayupak. Maganda ang view mula sa silid doon. Tanaw ang dagat at ang infinity pool. Itong long weekend na ito hahayaan niya ang sariling inumin ang alcoholic beverage na kumbinyenteng nakalagay sa mini fridge ng bawat silid, pahihintulutan niya ang sariling magpakalango at umiyak.
Pagkatapos niyang ilabas ang sama ng loob sa alak, gigising siya ng maaga at magjo-jogging ng isang oras sa beach, magsi-swimming at kapag mahina na siya saka niya ikukundisyon ang sarili na mas ikinasama ng loob niya ang ideya na hindi siya maikakasal at makapag-susuot ng gown na gusto niya kaysa sa pagtatapos ng relasyon nila ni Armand. Ibabaon niya sa isip na masyado niyang ikinulong ang sarili sa konsepto ng kasal, hindi niya pinagtuunan ng pansin ang magiging buhay niya kapag nagsasama na sila ng ex. Ipagpapasalamat niya na lang na umeksena ang tadhana at ito na ang gumawa ng paraan para hindi na niya kailangan pang maranasan ang tiyak na miserableng buhay kasama ang babaerong iyon.
Iyon ang pangarap niyang gawin, kung palarin siya na makatakas sa kasiyahan sa paligid niya.
**********
"Amanda, right?" Sinulyapan ng dalaga ang pinagmulan ng mababang tinig. Unti-unti siyang tumingala dahil leeg ang unang tinamaan ng kanyang paningin. Nagsalubong ang kilay niya sa kalituhan nang sa wakas ay rumehistro sa kanya ang isang mukhang hindi pa niya nakikita. Sigurado siya, dahil ang tipo ng binata ay iyong hindi makalilimutan ng isang babae kahit pa magka-amnesia ito. Sino kaya ito at alam ang pangalan niya?
"Hi, I'm Dexter." Nanatili siyang nakatingin sa mukha nito. "Pinsan ni Lara." Dahan-dahan siyang tumango, saka niya naisipang ilahad ang kamay na agad nitong kinuha. Ibig sabihin lang niyon ay inintay lang nito na siya ang mag-offer ng kamay.
It pleased her that he had manners, it wasn't bad at all that he had a handsome face to go along with it.
Dahil isa siyang makeup artist natural na lang sa kanya na pag-aralan at isa-isahin ang features ng mukha ng kaharap. Aaminin niya na gusto niya ang lahat ng nakikita niya.
He had a broad forehead which according to most people, signified intelligence. The deep-set eyes, observing her and looking straight into hers made her feel like he could see through her. His straight nose made him look as though he was someone who had a lot of discipline. Though beauty experts would say that his top lip is not symmetrical, they would have to agree with her that in combination with his oh-so-full lower lip he had a mouth any woman would want to nibble. Did I just think of nibbling this stranger's mouth?!! And that cleft on his chin, was that an afterthought to establish masculinity to counteract the effect of his luscious lips?
![](https://img.wattpad.com/cover/118390313-288-k801171.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wedding Souvenir(To Be Published In Print By Bookware)
Romance(Preview only) "I like you Dex, so much, that it scares me." "Amanda, if what you're trying to do is make things easy for me while you're basically telling me to go take a hike, you're failing." Nagkakilala si Amanda at Dexter sa isang kasal. Amina...