Hello readers :') Alam niyo ba yung feeling na kinikilig? Malamang ~.~ hahaha. Yung tipong kinikilig ka kapag naririnig mo yung boses niya kahit random yung mga sinasabi ng crush mo? Yung dadaan lang siya sa harap/gilid mo hindi ka na makahinga? Yung makita mo lang yung pangalan niya kahit saan (kahit kapangalan niya lang) manlalaki na yung mata mo tapos ngingiti ka na ng bongga? Yung tipong maririnig mo yung pangalan niya kahit hindi siya yung tinatawag kikiligin ka na naman ng bongga? Yung pag-uusapan niyo lang na magtro-tropa yung crush niyo sa chat or comment or tweet or wherever mapapangiti ka ng bongga? Yung makikita mo lang yung picture ng crush mo sa cellphone mo kapag mag-i-scroll ka ng news feed sa facebook, tapos yayakapin at hahalik mo na yung picture? Hahahaha. Naranasan niyo na yan? Alam kong karamihan satin naranasan na yan :') kaya nandito kami ng bestfriend ko para mag-share ng kilig moments namin :') hihi <3 kaya po suportahan niyo tong story namin kapag gusto niyong maka-super relate :') haha
--
PS: May ilang parts ng story namin ang hindi talaga nangyare aa totoong buhay namin :) hehe