CHAPTER 8

56 2 2
                                    

CHAPTER 8

Louise

Buti naman at maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Sana pala matagal na akong uminom ng gamot para matagal na akong gumaling

Naayos na din namin ni Liam yung problema. At ako handa na rin akong harapin ang consequences. Naisip ko may mali naman talaga ako eh.

“Louise, maligo ka na para makaalis na tayo”

Hay paano ba yan? Bbye Tagaytay na. uuwi na kami huhu.. sabi kasi ni mommy kailangan na namin umuwi. Nung sinabi saakin ni  Liam kung kelan kami aalis nalungkot ako bigla tapos tinawagan pa ako ni mommy, hay namimiss ko na din sila.

“wait lang.”

“oh bakit ganyan ang mukha mo mukha kang pinag sukluban ng langit at lupa.”

Sinamaan ko ng ng tingin ang sama nito

“nalulungkot lang ako iiwan na natin ang Tagaytay. Di ko pa naeenjoy.”

“pff ang arte mo di pa naman end of the world ah”

“kahit na!”

“maligo ka na dun at kanina pa tayo hinihintay”

“matuto sila mag antay”

Tapos nun nag punta na ako sa banyo. Hay. Dinadamdam ko talaga to.

Saan naman kaya ang next destination namin?

--

Matapos ang ilang minuto ay natapos na din ako  maligo.simpleng hanging shirt syempre may sando yun sa loob and short lang ang suot ko and top sider na Sperry. Feel ko lumandi eh bakit ba. Malay niyo may makita pa akong gwapong boylet hehe magustuhan pa ako.

“Louise matag----“

SPELL NGANGA… L-I-A-M...

Lumapit ako sakanya dahan dahan at nag snap.

“laway mo po tumutulo. Hihi. Ganda ko no?” at nag wink ako hahaha! Seductress lang ang peg ko?

“asa!”

“asa ka dyan nga nga ka nga sa kagandahan at hotness ko eh.”

“pshhh”

Tapos nun ay nag lotion muna ako at kung ano ano pang ka ek ekan. Syempre make up is not allowed saakin. I’m pretty in my own ways. Haha chos! Hindi ko kailangan yon maganda na ako. Hooo! lakas ng hangin. Haha!

“tagal ka pa?”

Naiinip na to hahaha! Pwes mag hintay ka

“di mo ba nakikita nag aayos pa ako?”

“kanina ka pa eh ang tagal mo”

“yeah right. Hihi”

Sige sige! Ako na ang sutil.

De joke mabait ako kaya binilisan ko na.

Blinow dry ko lang ang buhok ko dahil wala lang trip ko lang.

Tapos nun ay kinuha na niya yung mga gamit ko at ako naman kinuha ko na yung bag ko at yung dslr. Naawa naman ko sa gwapo kong kasama. Ginawa kong taga bitbit

Ohhhhh… did I just say… GWAPO? Okay okay ! Sige gwapo naman siya eh nakakainis lang talaga miinsan.

“wala ka ng naiwan?”

Love Centrism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon