Brother: Ten

2.7K 74 0
                                    

Atasha Gabriel

Ewan ko ba! Simula nung sinabi ni kuya yun, para akong timang dito. Hindi ko kasi maiwasang hindi mapangiti, pero ang hindi ko lang talaga maintindihan ay yung kakaibang pakiramdam na nararamdaman ko.

I feel like there's a butterflies around my stomach.

"Nandito na tayo." Saad niya saakin. Nauna siyang bumaba mula sa kabayo at inalalayan niya ako pababa. Tinali niya yung kabayo malapit sa ilog, para siguro pag nauhaw ito makakainom agad ito mula sa ilog.

Naglakad kami ng kaunti at may nasipat kaming magandang pwesto at dun namin nilagay ang mga gamit namin. May kinuha ako sa bag ko at nilapag yun sa damuhan. Isang picnic blanket yun. Umupo ako dun. Siya naman sa tabi ko.

"Hindi ka ba maliligo?" Tanong niya saakin.

"Mamaya na lang siguro. Magpapahinga muna ako." Saad ko sakaniya. Tumayo siya at hinubad nuya yung pangitaas niya. And for the second time, nakita ko ulit ang katawan niya.

"Asha? Oyy!" Natulala pala ako, kaya napatingin ako sakaniya.

"B-bakit?" Nauutal ko saad sakaniya. Napailing siya saakin.

"Wala ka na naman sa wisyo. Sabi ko mauuna na muna ako ha? Naiinitan na ako eh." Saad niya saakin, kaya tumango lang ako sakaniya. Agad siyang tumalon sa ilog at ako naman ay pinanuod ko siya. Hindi rin nagtagal, nainitan na ako. Hinubad ko na yung mga damit ko, since I'm already wearing my bikini inside those shirts.

Agad akong tumalon sa ilog at lumangoy palapit sakaniya. Umahon ako sa harap niya at agad na yumakap sa batok niya. Ngumiti pa ako nang pagahon ko, nung luminaw ang paningin dahil nawala ang tubig, ngayon ko lang natitigan ng ganito ang mukha ni kuya.

He has a fair eyelashes, at makakapal yun na akala mo fake eyelashes lang yun. His nose, it's pointed. Agad kong piningot yung ilong niya.

"Aww! Hey Asha! Stop it! Masakit!" Tawa ako nang tawa nang bitawan ko yung ilong niya. Nagulat ako nang naningkit ang mga mata niya. Patay! Gagamti nga ito!

"It's tickle time!" Agad akong lumangoy palayo sakaniya, dahil sa sobrang sporty nang halimaw na ito mukhang maabutan pa ata ako. Nang tuluyan na akong makaahon agad akong tumakbo, mabilisan ang galaw ko.

"Run for your life Asha!" Sigaw niya. Halos hindi ako magkamayaw sa pagtakbo dahil sa paghabol niya saakin.

"Kuya! Please gumanti ka na sa kung anong paraan, basta wag lang sa pangingiliti! Please!!" Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapagod ako at huminto ako. Nakita kong palapit na siya.

"Waaahhh! Kuya! Ayaw ko na!" Sigaw ko nang nasa harapan ko na siya. Nakaharang pa yung mga kamay ko sa harapan ko.

"Oo na sige na. Pasalamat ka mahal kita eh." Saad niya at agad na umakbay saakin at ginulo pa ang buhok ko.

"Kain na tayo. Ano bang pinaluto mong ulam kamy manang?" Tanong niya saakin ng makabalik kami. Agad kaming umupo sa picnic blanket. Nilabas ko yung mga tupperwares na nasa loob ng bag. Bale tatlo yun at may dalawang bottled water. Yung dalawang tupprrwares may laman na kanin at yung isa naman ay ulam namin na adobong manok.

Agad ko namang binuksan yung ulam pati na yung kanin. May plato pala dito sa loob ng bag kaya nilabas ko yun at sinalin yung kanin. Kumuha ako ng kapirasong manok at nilagay sa plato ko, pero kinuha yun ni kuya.

"Ako na maghihimay nito." Saad niya saakin at nginitian ako. Tumango lang ako sakaniya. Akala ko kaya niya kinuha kaso gusto niya yun, yun pala hihinayin niya para saakin. Ang sweet ni kuya eh!

"Oo nga pala Asha, bukas na yung fashion show sa La Cora Dena, tama ba?" Saad niya habang naghihimay. Sinimulan niya nang ilagay sa plato ko yung mga nahimay niya, at sumubo na ako.

"Oo nga pala bukas na yun. Hindi ko nga alam kung anong oras yun eh. I'm going to call Cristina later." Saad ko sakaniya at kumain na kami.

------

Hindi rin nagtagal pagkatapos namin kumain, nagpahinga lang kami nang kaunti. Naisipan na naming umuwi, baka nandun na din sina grammy at grappy. Malapit na kami sa hacienda at pinagbuksan na kami ng gate nung mga bantay na tao nina grammy sa gate. Tinulungan akong bumaba na kuya.

"Diretso ka na sa loob. Ako ng bahala dito sa kabayo." Tumango ako sakaniya at umakyat na. Pagdating ko sa salas, bumungad saakin sin grammy at grappy, may mga kausap ito na kasing edaran din nila.

"Oh! Apo, halika ka dito. Ipapakilala kita sa mga kumare at kumadre namin." Agad akong lumapit kina grappy at grammy.

"Ito nga pala si Atasha, yung babae kong apo. Napakaganda, hindi ba?" Saad ni grammy sakanila.

"Oo nga mare! Ang ganda ng apo mo. Bagau na bagay sa apo ko na si Blake." Blake? Edi ibig sabihin sila yung lola at lolo ni Blake.

"Ganun po ba? Salamat po." Saad ko sakanila. Humaba pa ang usapan nila at nagpaalam na muna ako na papanik ako sa taas. Pagdating ko sa kwarto, agad kong binuksan ang phone ko. At isang message ang narecieve ko from unknown number.

From: Unregistered Number

Hello Atasha! It's ms Cristina. Hope to see you tomorrow night at La Cora Dena. It's 9pm to 11pm. Hope to see you tomorrow sweetie. Lavyah

—————————————————

Thanks for reading🌼

~shemustbeeninlove

Falling Inlove With My Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon