Brother: Thirty Seven

1.7K 44 1
                                    

Atasha Gabriel

The bright of the sun passes through the windows and it's the reason why I woke up. Agad akong bumangon at tinali ang buhok ko into messy bun. Tumingin ako sa orasan and it's 5 am in the morning, kaya agad akong bumaba para lutuan si kuya ng breakfast niya. Pagdating ko sa kusina agad akong kumuha ng itlog at niluto yun into omelet with tomato and onions. Nagsangag din ako ng kanin at nilagay yun sa isang mangkoj na malalim at pinatong ang omelet na niluto ko. Nagtimpla din ako ng black coffee at nilagay yun sa isang tray.

Agad naman akong umakyat at pumasok sa kwarto niya. Nakadapa siya at nakatalukbong ng kumot ang kalahati niyang katawan. Pinatong ko ang tray sa may side table at agad akong umakyat sa kama niya. Sumampa ako sa likod niya at kinagat ang balikat niya.

"Wake up! May pasok ka pa!" Saad ko sakaniya habang kinakagat ang tenga niya. Narinig ko ang mahina niyang ungol kaya alam kong nagising na ang diwa. Kaya dinikit ko ang labi ko sa may braso niya at inihipan yun, dahilan para makagawa ako ng tunog na parang utot.

"Arghh! Stop it Asha!" Tumawa ako at humiga sa kama. Binaling niya ang ulo niya sa pwesto ko habang nakadapa pa din siya. Ngumiti ako sakaniya at kinagat ang ilong niya, hindi naman madiin.

"You like biting me huh? Do you want to eat me?" Medyo nahumaling ako sa husky niyang boses. Lumapit siya saakin dahilan para matitigan ko ang mukha niya. Napakaamo at sobrang sarap titigan nang mukha niya, mula sa kilay niyang makakapal sa pilimata niya na sobrang itim na akala mo naka-false eyelashes siya.

Hinawakan ko ang mukha niya. Ngumiti ako sakaniya at hinalikan siya sa noo, pababa sa ilong at pababa sa kaniyang mga labi. Kailanman, hindi ko masasabing magsasawa ako sa mga halik niya dahil, ito ang naging rason ko para maipahayag ko sakaniya ang tunay na pagmamahal.

"Hindi na kita papakawalan pa. Kung ang paglaban ang magiging dahilan para manatili ka sa tabi ko, gagawin ko. Gayan kita kamahal Atasha Gabriel." Saad niya saakin. Ngumiti ako dahil sa sinabi niya.

"And I'm willing to fight also. Kaya ang mas mabuti pa, tumayo ka na diyan at may gagawin ka pang report diba? Tapos may meeting ka pa mamaya, baka malate ka pa." Natawa naman siya at agad na umupo. Kinuha ko na ang tray at nilagay sa harap niya.

"Ubusin mo yan, dahil kailangan mo nang lakas para sa buong maghapon mo. At ihahatid pala kita ngayon, tapos susunduin na din kita mamaya. Deal?" Narinig ako ang pagtawa niya.

"Oh please Asha! Wag ganyan, ako dapat ang gagawa nan sa'yo. Remember? I'm your boyfriend and you are my responsibility." Saad niya at piningot ko ang ilong niya.

"Yes, I'm your responsibility but, let me do this just for now, dahil alam kong mapapagod ka mamaya dahil sa marami kang gagawin kaya ako na ang susundo sa'yo mamaya. Okay?" Tumango na lang siya dahil doon. Tumayo ako sa kama at pumunta sa walk-in closet niya at naghanap ng magandang suit na susuotin niya.

May kinuha akong isang suit at sinampay yun sa knob ng cabinet niya. Kinalkal ko din ang lagayan niya ng necktie at humanap ng magandang kapares para sa suit at may nakita naman akong maroon colored na necktie at yun ang nilagay ko sa tabi ng cabinet niya. Nagulat ako ng may naramdaman akong kamay sa beywang ko. Kahit bagong gising siya, sobrang bango niya pa din at napakasarap niyang yakapin.

"Napakaganda mong tignan sa ginagawa mo. Napakaswerte ko dahil ikaw ang babaeng minahal ko. Sobrang maasikaso mo." Diniin niya ang ulo niya sa leeg ko dahilan para makiliti ako sa hininga niya.

"Stop it!" Dahil naramdaman ko ang maliliit na halik niya sa leeg ko. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan na inalis yun. Pagharap ko sakaniya ang ngiti niya agad ang bumungad saakin. Inayos niya ang nalaglag kong buhok ay inipit yun sa likod ng tenga ko.

"Sapat na ang ikaw, para mabuhay sa mundong ibabaw." Saad niya saakin at medyo natawa ako dahil doon.

"Wala nang ibang pipiliin kundi ikaw lang, dahil nasaiyo na ang lahat para mabuhay." Mas lalo akong natawa dahil doon. Corny man kung pakikinggan pero nakakakilig pa din siya.

"Corny man ako Asha, pero yan lang ang salitang gusto kong sabihin, dahil sapat ka na para mabuhay ako. Mawala na saakin ang lahat wag lang ikaw." Agad akong napayakap sakaniya.

At ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya at nananatiling lumaban.

Thank you

Falling Inlove With My Brother(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon