**Third Chapter**

7 4 0
                                    

Paalis kami ngayon ni Mama mag gagala gala kami. Pero syempre mag dadala kami ng sasakyan. Kumbaga Magandang View ang darayuhin namin.

Nakita ko si mama na sumakay na sa sasakyan. Alam niyo ba yung sasakyan na pedeng ma-ibaba yung kanyang taas. Ay mali. Yung bubong pala. Yon ang dala namin at sasakyan namin. Sinabi ko kasi kay mama na yun yung dalhin para salubong na salubong ko ang hangin.

Sumakay na ako sa sasakyan namin. Binuhay ni mama yung engine para umandar pero ayaw. Di ko nalang iniintindi at nag basa nalang ako ng Wattpad. As always😉.
Naramdaman kong kinulbit ako ni mama.

"Bakit ma?" Tanong ko. Di pa pala kami nakaka-alis  di parin siguro mabuhay yung sasakyan.

"Baba" sabi ni mama. Teka! Bat naman ako bababa? Di na ba kami aalis? Nako po naman! Kung kelan excited na ako saka pa naman di natuloy.

"Huh? Ba--" Muling tanong ko. Di ko kasi magets si mudra. Tsk. Siya nalang kaya bumaba?

"Ba, Be, bi, bo,bu. Bababa ka ba?. Oo. Bobo ka ba?. Oo." Hindi ako boboo! At talagang nag alphabet pa si mudra! Taraaay! -_-

"E bakit kasi ako bababa? Di na ba tayo tuloy sa pupuntahan natin?" Naguguluhan kong tanong.

"Basta bumaba ka. Kung nababa ka edi nalaman mo, ng naintindihan mo. Baba na dalii!!" Mataray na saad ni mama. Aba? Tarayan daw ba ako. Wala naman akong nagawa at bumaba nga ako sa hindi ko malamang dahilan.
Tiningnan ko naman si mudra na nakatingin sakin. Pinakita ko sa kaniya na naguguluhan ako at hindi ko alam ang gagawin ko.

"Tulak mo Sasakyan natin" simpleng sabi ni mama. Ah yun lang naman pala.
Tutulak ko na sana ang sasakyan para umandar ng biglang pumuro-seso sa utak ko kung ano ang sinabi ng magaling kong ina.

"WHAAAT??! YOU GOTTA' BE KIDDING ME! NO WAY IN HELL!" sigaw ko kay mama. Aba! Sa Dyosa kong ito? Taga tulak lang pala ako ng sasakyan? Wag nalang.

"Tutulak mo o ikaw ang i-tutulak ko dito sa putikan at ingu-ngud-ngod ko ang o so called 'Dyosa Face' mo. Hmp. " waaah! Yoko nga! Ano ba naman yan! Gawin daw ba akong julalay ni mameng? May pa hmp-hmp. Pa siyang nalalaman. Siya kaya ingudngod ko sa putikan yung o so called 'mangkukulam Face' niya?

Dahil wala akong nagawa, itinulak ko nalang sa abot ng akin makakaya. Nasiyahan ako ng mabilis ko itong na itulak kaya itinulak ko pa.

"Umayos ka maria ha? Ang sabi ko itulak mo ang kotse at ng makaalis na ito sa pwesto. Tingnan mo ikaw! Nasisiyahan ka na agad? Akala mo naandar na ang kotse, yang paa mo naman yung naandar patulak sa likod." -mudra

Tingnan ko naman ang kotse. At tama nga si mudra. Di pa naalis sa pwesto kanina. Itina try kong  Itinulak pero sa halip na yung kotse ang umurong ako pala naurong. Ansaya naman. Pawisan na ako e.

****

"Whoo!!" Sigaw ko. Nga pala eto kami nasa sasakyan. Si mudra nag da-drive. Tumayo ako upang masalubong ng katawan ko ang hangin.

Kung tatanungin niyo ako kung ano nangyari sa pag tutulak ko ng kotse. Ang nangyari lang naman, wala pa lang gas yung sasakyan? Sa yaman namin ito walang gas ang sasakyan? Aba ayos.

Edi ayon nga Mahigit isang oras at kalahati na akong nag tutulak. Saka lang namin nalaman na wala palang gas yung sasakyan nung may lumapit saamin na isang trabahador. Ansabi wala daw gas yung sasakyan. Ginamit daw kasi ni kuya Lexus yung sasakyan. Chang gala! Muntik ko ng masabunutan si mudra! Papatayin yata ako e. Kung hindi pa Siguro naka rating samin iyong taong iyon baka hanggang ngayon nag tutulak pa rin ako ng sasakyan.

Habang nag da-drive si mama binuhay ko naman yung audio sa aming sasakyan at saka nag patugtog na babagay habang nasa biyahe kami.

May nadaanan kaming Isang Stall. May nag bebenta ng milk shake. Hindi naman ako maarte sa pag kain. Kahit sobra kaming yaman kumakain naman ako ng mga pag kaing mahirap. Ayoko kasi na ginagamit yung pagiging mayaman sa ibang tao tas ipag mamalaki. Hindi naman ako ganun.
So ayun nga sinabi ko kay mama na itabi yung sasakyan at bibili ako ng milk shake. Itinabi naman ni mama yung sasakyan.
Bumaba ako at saka bumili.

"Ate pabili nga po ng Isang milk shake" sabi ko sa tindera.

Maya maya iniabot narin sakin ng tindera yung binibili kong milk shake. Bini-lender pa kasi. Diba ganun naman sadya pag shake? Ibi-blender yung yelo tas gatas at kung ano pang sangkap.

"Ate eto po bayad" ini abot ko naman sa kaniya ang isang libo. Medyo Nabigla siya sa laki ng perang iniabot ko sa kaniya.

"Wala po ba kayong barya jan? Wala po kasi akong maisusukli. Babago palang po akong nag titinda." Sabi ni ateng tindera

"Naku wala po ate e. Keep the change na lang po." Sabi ko at ngumiti.

"Naku! Maraming maraming salamat po. Kailangan ko din po kasi ng pera. Yung kapatid ko po kasi nasa ospital. Maraming salamat po ulit" medyo naawa naman ako sakanya kasi nangangailangan pala siya ng pera. Dumukot ako sa pouch ko ng limang libo at iniabot kay ate.

"Ipambili mo ng pagkain at gamot ng kapatid mo. Isipin mo nalang na Advance Christmas gift yan" sabi ko. Bago sumakay ng sasakyan na kailang pasalamat pa siya.

Papunta kami ng Baguio at kung saan saan pa na may magagandang view.

Pinipicturan ko yung makita kong magandang view. Pang post narin sa insta. Hahaha.

Uminom muna ako ng milk shake. Naramdaman kong binilisan ni mama yung pag da drive. Kaya nakatuon lang ang atensyon ko sa pag inom ko ng milk shake. Pero dahil nga open itong sasakyan at sumasalubong sa kin ang hangin sa kamalas malasan nga naman. Natapon bigla sa mukha ko lahat nung milk shake! At saka nilipad yung lalagyan patalikod. Watdapak?

Napatingin sakin si mama ng ilang beses tapos sa pangalawang beses siyang tumingin sakin bigla namang napa preno si mama. Muntik na akong tumalsik buti naka seat belt ako kanina pa.

"SHIITT! Anak anong ginawa mo sa mukha mo! Ang milk shake iniinom sa bibig hindi iniinom sa mukha! Anak naman! Hindi ba kita naturuan na bibig ang pinang iinom? Nag Mukha ka Tuloy dugyot sa itsura mo. Mahirap ka na ba anak at nag kaganyan ka?" Mangiyak ngiyak na sabi ni mudra eto na naman po childish act. Tsk. Di naman ako tanga e para itapon sa aking mukha yung milk shake. Nasabihan pang dugyot. -_-

"Ikaw kasi may kasalanan! Ambilis mo kasi mag patakbo parang naman may humahabol satin" naka pokerface kong sabi.

"E kasi Nak. Nakita ko si... Si... John Lloyd. Hihi. Ampogi pogi niya talaga. Kaya idol na idol ko siya e" tsk. Kaya naman pala.

"Kiri mo mudra. Tara uwi na tayo. Dinu-dugyot mo ko e." Sabi ko. Nag U-turn naman kami at saka umandar ang aming sasakyan pauwi.

Haaay. Dalawang beses na akong minalas. Next time hindi na ako sasama kay mudra. Baka pag tulakin lang na naman ako ng sasakyan at matapunan pa ulit ng milk shake. Masabihan na naman akong dugyot. -_-

End. Third Chapter .

Stand By You❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon