Prologue:
""What the mind forgets, the heart remembers." Totoo nga ba yun? Di naman ako naniniwala diyan eh. Maniniwala lang siguro ako kapag na experience ko na yan. Promises? Naku! Yan ang hinding-hindi ko pinaniniwalaan. alam naman nating lahat na promises are meant to be broken diba? mga walang kwentang pangako na obvious naman na di mafufulfill. Tsk! Nakaka walang gana. " -Kate
Minsan may mga tao talagang kapag sinaktan mo o nasaktan na eh hindi na muling maniniwala na para bang sinasabi nila sa sarili nila na natuto na sila, tama na, hindi worth it na masaktan ulit. At dahil dyan sa mga salitang yan hindi na sila ulit naniniwala sa taong nagpasakit o nanakit sa kanila. Madalas bitter sila kung tawagin, eh bakit ba? di naman nila kasalanan na ganun yung feeling nila eh. Sa kabila nito, may mga tao rin namang handang magpaka-tanga para lang sa taong mahal nila. Handa nilang gawin ang lahat para lang dito. Ito ay yung mga taong sobra kung magmahal, head over heels kumbaga pero hindi naman sa masamang paraan. Sa storyang ito, alin kaya ang mas mamamayagpag? Love or Bitterness? Alin kaya ang mas matimbang? ang pagmamahal o ang puot? kung kayo ang tatanungin, LOVE OR BITTERNESS?
BINABASA MO ANG
Love or Bitterness?
Teen FictionThis story is about a girl who is confused of what she is feeling when the guy whom she loved left her without a justified reason and now came back to her life when she has already found another guy who could make her fall one more time.