[Jerish POV]
“Wala ba kayong balak gumalaw galaw?Mamaya maging estatwa kayo dyan!"sigaw ko sa kanila.Paano ba naman,kanina pa sila nakangisi sakin at di man lang ako tulungan maglagay ng mga gamit nila.Actually,isang maletang maliit lang ang dala ko.Sila ang may super laking mga bags.Akala mo magbabakasyon sila.Diba nasabi ko na sa probinsya kami pupunta,hindi magbabakasyon?!
Buti naman tinulungan na nila ako.Aba sila ang may dala ng mga yan.
Nang matapos na nila ang pagpapasok ng mga naglalakihang maleta nila sa van.Pumasok na rin kami.Sa pinakadulo ako at si Zero,sila Rex at Kaizer naman sa pangalawa,sa unahan naman sila Storm at Calyx.
Lahat sila ay nandito sa backseat.Napansin kong walang nasa driver seat.
“Sinong magda-drive?"tanong ko.Sabay sabay silang tumingin sakin.
“Oo nga,sinong magda-drive?Ikaw na Calyx,mag-drive."tanong ni Rex.
“Anong ako?Hindi ba ikaw,Storm?"sabi naman ni Calyx.
“Oh?Anong ako?Aba umayos kayo ah!!Tatanggalan ko kayo ng ngala-ngala.Kayo mag-drive dyan."angal ni Storm.
“Tigilan nyo ako!"sabay na sabi ni Zero at Kaizer.Dine-defend na nila ang sarili nila.
“Ako nalang mag-da drive."napatingin sila sakin.Nagtuturuan pa eh!
“Ideal man ko pa naman ang mga nagda-drive ng mga kotse.Ang hot pa naman ng mga nagda-drive."bulong ko bago ko binuksan ang pinto pero agad nila akong hinatak papasok at sila ang lumabas.
Actually,di naman ako marunong mag-drive.Talagang kailangan ko lang talaga gumamit ng ganung words para may magkusa.
“Ako na ang magda-drive."nagtulakan pa sila papasok sa driver seat pero si Kaizer ang nakalusot kaya sya ang nagda-drive.
Hahahaha!Mga uto-uto!!!
Nagsimula ng gumalaw ang kotse at nag-ingay na ang mga isip-bata.Psh!May nabago ba?
“Kelan pa naging driver ang ideal man mo?"napatingin ako sa nagsalita.
“Paki mo ba?"sagot ko dito kay Zero.Ngumiti lang sya at nag-earphones.Weirdo talaga!
Mga isang oras ang lumipas ng biglang nag-angalan ang mga asungot.
“Oh?Anong kinapuputok ng butsi nyo?"tanong ko sa kanila.
“Gutom na kami!!"sabay sabay nilang sabi.Napahawak ako sa noo.Jusko!Kailan ba hindi nagutom ang mga asungot na to?
“Kaizer.Ihinto mo nga muna sa pinakamalapit na mall."sabi ko kay Kaizer.Nakahanap rin si Kaizer ng mall kaya bumaba na kami.
“Kaizer,Calyx,and Rex,sa fast food chain kayo.Bumili kayo ng pagkain natin.Kami naman ni Storm at ni Zero,sa supermarket tayo.Bibili ng snacks at mga tsitsirya.Calyx,hintayin nyo na lang kami sa fast food chain."utos ko at naghiwalay hiwalay na kami.
Pagpasok pa lang namin sa supermarket.Agaw-pansin na kami.Paano ba naman,may dalawang poging nilalang ang kasama ko.Nagmumukha akong katulong.Psh!
“Shete!Ang gwapo nila!!"
“Besh,naiihi ako sa kilig!!"
“Pa-picture tayo bes.Bilis!!"Ganito talaga kapag may kasama kang mga mukhang artista,nagmumukha kang katulong.Psh!
Sila ang may tulak tulak nung cart at ako naman ang tiga-kuha ng mga chips.Pero sa lagay namin ngayon,mas nagmumukha akong yaya.
Di ko na lang pinansin sila Zero na may mga nakapalibot na mga babae.Mukhang mga nagpapa-picture.Kahit saan talaga,maraming fans ang mga Smith.
“Psh!"ako na ang nagtulak sa cart.Na-stuck na yung mga asungot eh.
Dumiretso ako sa mga chocolates.Kyaah!Choco-choco-chocolate~
Yum!Yum!Yum!
Agad akong kumuha ng mga chocolates.Iba't ibang klase pa!!Pera naman ng mga Smith ang gagamitin dito eh.Hahahaha!
“Di ka naman nagsabing aalis ka.Puro chocolates pa inuna"nagulat ako doon sa biglang nagsalita.
“Hehehe!Nasaan si Storm?"pag-iiba ko ng topic.Halata bang guilty ako eh?Hahaha!
“Ayun iniwan ko dun sa mga babae."nginuso nya ang way kung nasaan kami kanina.
Kumpulan ng mga babae ang nakita ko.Jusko!May mga lola ring nakikigulo kasama ang mga kabataan.Paniguradong kawawa si Storm mamaya.Hahaha!
“Paano ka nakatakas sa mga yun?"curious kong tanong.Nakaka-curious talagang naka-alis sya sa mga haliparot na mga yun.Buti nga nakaalis sya eh.Thank God!
Actually,naiinis nga rin ako.Mukhang mga high school pa lang yung mga babae pero mukhang ang lalantod na.Sorry for the word pero right term naman yun.Paano ba naman kasi puro make up ang mukha.Mukha namang basahan.Psh!
P.S:Di ako nagseselos,kung yun ang iniisip nyo.
“I just said na may libreng halik kay Storm."bigla akong napatawa ng malakas.Kamusta kaya ang mukha ni Storm mamaya?!HAHAHA!
Napatingin ako sa gawi ni Storm at pilit nyang nilalayo ang mukha nya sa isang matandang babae na gustong humalik sa kanya.
“HAHAHAHAHA!"
BINABASA MO ANG
Living with these Five Hot Jerks [Book 1]
Teen Fiction[Book 1 of Living Trilogy] Living with them is like living in hell.Hell with a fvcking hot jerks. ~~~~~~~ Started:May 14, 2017 Ended:December 07, 2017