-------------
Gabrielle POV
Nakahanap na nga kami ng pwedeng pag-parkan ng kotse ni lizzy.
kaya heto kami papunta na sa meeting place namin sa Pancake House dito kami lagi nagkikita-kitang mag-kakaibigan pag nagkayayaan na mag-Girlfriend Bonding day kami.
Nakita ko na ang mga girls naka-upo sila sa favorite spot namin pag andito.
"lizzy, ayon sila oh' tara" sabi ko sa kanya
Napatingin naman ang mga girls sa gawi namin at kumaway kaya kumaway din kami sa kanila.
Namiss ko talaga sila. Naging busy rin kasi ang bawat isa sa'min. Bakasyon kasi namin ngayon at ilang weeks na lang ay College na kami.
"Hello Girlfriends" sabay naming sabi ni lizzy at beso isa-isa sa kanila. Nakasanayan nanamin itong Gesture magkakaibigan pag nagkikita.
Umupo na kami sa seat talaga namin pag andito.
"Bat antagal niyo?" sabi ni Dawn
Nagkatinginan lang kami ni lizzy. Alam kong di pa siya maka-get over sa nangyari kanina doon sa parking lot. kaya ako na lang ang sasagot
"Nagkaroon kasi ng Medyo di pagkakaintindihan sa parking lot kaya natagalan kami" sabi ko sa kanila
"ano naman yon? care to share gabby" sabi ni vianne
Kwinento ko sa kanila ang nangyare sa parking lot. Tawa naman sila ng tawa dahil sa narinig.
"HAHAHAHA"
"hindi nga girl? kaya pala medyo Gloomy ka nung dumating dahil pala dun Hahaha" sabi ni tiffany
"Haha, oo nga girl. First time Hahaha" sabi naman ni Hayley
Pinagkaisahan na nila si Lizzy. Haha ganyan kasi kaming magkakaibigan Asaran dito, Asaran dun, Asaran Everywhere. Hahaha :') Ito ang namiss ko pagkatapos namin grumaduate ng highschool eh.
Naging busy kasi kami sa kanya-kanyang company namin itini-train na rin kasi sila para may konting alam na sila about business. Minsan naman out of town yung iba kasama ang family nila.
"Kaasar naman kayo eh :3" sabi ni lizzy
"kaibigan ko ba talaga kayo? huhu *pahid ng imaginary luha* nakaka-hurt kayo you know" dagdag pa niya.
"Ay, Nag-drama ang loka. Hahaha" sabi naman ni Dawn
"Hahahaha" tawanan lang kami ng tawa napipikon na kasi si lizzy. Haha
Napansin ko lang na kanina pa pala kami tinitignan ng mga customer dito.
Ganito talaga kami pag magkasama-sama, hindi naman napapansin yung mga tao sa paligid namin. lalo na kung nag-aasaran kaming anim.
Kanina pa ko kwento ng kwento tungkol sa mga nangyayari samin pero di ko pa pala sila na-iintroduce ng maayos sa inyo.
well Meet My Girlfriends :')
si Dawniella Lian Sandoval - Ang pinakamatanda sa aming magkakaibigan. Maganda, Matangkad, Mayaman, Matalino, Talented. Sa ngayon meron na siyang company na more on manunulat na kagaya niya.
Gusto niya kasing maging kilalang writer kaya kukunin niya sa college journalism.
Siya rin ang kilalang Demon Angel. hindi siya isang gangster o kasali sa mga frat or sorority. kilala siya bilang D.A kasi lagi siyang may nakaka-away o napapaiyak mapababae man o lalaki. May pagka-bitch siya pero mabait siya.
gulo noh?
kasi ganito yon pag may nakita siyang inaagrabyado o pinapahirapan siya ang umaaway sa taong nang-aalipusta.
Avi Tiffany La vera - Isa siyang sikat na Model. Maganda, Mabait, Matangkad, medyo may pagka- slowpoke. Pero wag ka Napaka-bait niyan at mapagbigay.
Minsang kumain kami sa may jollibee at siya ang naka-tokang umorder ng pagkain namin pagdating niya sa table namin kasaman ang dalawang waiter na maraming dalang pagkaen. Nagulat pa kami kasi bat andami niyang binili, ang sinagot ba naman "okay lang, Mayaman ako eh" oh' diba di rin siya mayabang.
(A/N: parehas lang naman kayo eh)
sabi ko nga miss author. Mana-mana lang. haha
habang nakain kami nagulat kami ng biglang may kumatok sa salamin ng kainan, nakaupo kasi kami malapit sa may salamin na kita ang labas. may isang babae na puno ng grasa ang katawan at gulo-gulo ang buhok mapagkakamalan mong baliw dahil sa itsura niya.
Nagulat na lang kami ng biglang umalis si tiffany at pumunta ulit sa pila, bumili pala ulit siya at lumabas ng jollibee at binigay dun sa babae. Ngumiti ang babae kaya nakita ang may itim-itim na ngipin at niyakap si tiffany kaya napangiti kami.
Maraming time na nakikita na lang namin si tiffany na nagbibigay lang ng pagkaen sa mga bata sa kalsada. kaya hanga kami sa kanya dahil kahit sabihin mong anak mayaman siya hindi niya pa rin nakakalimutang magbigay sa kapwa lalo na pag nangangailangan.
Vianne Chloe Rivera - Ang may pagka-boyish saming magkakaibigan. Nagsusuot lagi ng Malaking t-shirt na damit para tuloy siyang hiphop dahil dito at papartneran niya ng kupas na jeans at rubber shoes. oh' diba.
Sexy ang kaibigan namin na yan, Maganda, Matalino, Mayaman, Talented. San ka pa diba? Andami ring nanliligaw diyan noon.
Dati hindi naman siya ganyan manamit, actually siya ang mahilig mag-shopping saming magkakaibigan Best Buddy niya si tiffany pagdating sa fashion.
Hahatakin na lang kami bigla niyan pag may nakita siyang Bagong uso na mga damit, bags, sapatos o iba pa sa internet.
Tinanung naman siya one time, ang sinagot lang samin "Wala lang, May maiba lang" Hindi kami naniwala ng mga girls sa reason niya alam namin may iba pang dahilan, pero hindi na lang namin inusisa kasi alam naman namin pag handa na siyang sabihin samin sasabihin niya. Andito lang naman kami pa lagi para sa kanya, kahit anong mangyari.
Hayley Lawrence - Ang may pagka-childish naming kaibigan. Maganda, Matangkad, Mayaman, Matalino.
Siya ang pinanlalaban ng aming former school sa iba't ibang academic contest. Hindi naman siya nabibigo dahil lagi siyang may naiuuwing Medalya o di kaya'y Trophy sa aming school. Hanga nga kaming magkakaibigan sa kanya.
Pero dahil sa pagiging matalino niya, hindi maiiwasang maraming mainggit sa kanya. at maraming nang-aaway sa kanya na hindi naman namin pinapayagan. kami ang laging nagtatanggol sa kanya, lalo na si Dawn ayaw na ayaw pa naman nun na may naaagrabyado sa aming magkakaibigan.
Ganyan namin kamahal ang isa't isa. :'')
at last but not the list kung naaalala niyo siya sa previous chapter.
Si Lizzy Anne Castro - ang kilalang "Playgirl chick" sa grupo. Maganda, Matangkad, Madiskarte, Mayaman, Kasali sa drama club kaya madali lang sa kanya ang umacting.
Hobby niya rin ang Photography. Minsan kami ang ginagawa niyang model pag trip niyang magpaka photographer. Minsan nga kinalikot naman ang pinakamamahal niyang DSLR puro stolen shots namin ang nandun , mapa-tulog man, o kumakain kung ano-ano pa. =_____=
Alam namin na magiging successful na photographer si Lizzy. Susuportahan namin siya sa pangarap niya. Sa pangarap ng bawat isa. :')
Ayan na-meet niyo na ang mga girlfriends ko. ^_^
"haha, tama na nga yan girls. Tigilan niyo na si lizzy. Napipikon na eh. hahah :)" sabi ko sa kanila. Simangot na simangot na kasi ang itsura ni lizzy haha ang cute ^-^
hindi pa rin kasi nagpapa-awat ang mga girls sa pang-aasar kay lizzy.
"haha, oo nga tama na yan. Tara girls, Shopping na tayo pati mag pa-spa na rin tayo. Relaxing Day natin ngayon" Masiglang sabi ni hayley na sinang-ayunan kagad namin. ^_^
----------
Yehey! Na-meet niyo na ang girlfriends :)
Sorry po kung Lame ^-^
Hope you like it :')
Please Vote, Like and Share :')))
Thank you! Kamsahabnida ^O^
~Ms.Rabbit
ESTÁS LEYENDO
When Man Hater meets her Match
Novela JuvenilPaano kung ang kilalang Man Hater na si Gabrielle Lane Villaroel ay makatagpo ng kapareha niya ng pananaw sa buhay? May Mabubuo bang pagmamahalan sa kanila? Mabibigyan ba nila ng panahon ang isa't isa na mabago ang sari-sarili nilang pananaw? Paano...