entry #09

431 16 1
                                    

Bumuntong hininga ako, magisa ako dito sa library at honestly, natatakot ako. Duh, sino ba namang hindi matatakot e iniwan ako ng librarian dito. Nababalita pa mandin na may namatay daw dito. Jusq.

Pero dahil bukas na ang pasahan nito, hindi dapat ako magpapadaig sa takot ko.

Nagpatuloy ako sa paggawa ng project ko at may nakita akong papel at sobre sa bag ko. Huhulugan ko nga pala ng sulat mamaya si J sa locker nya.

hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang pangalan nya.

Napakamisteryoso nya-- at lalo akong nahuhulog sa kanya.

hulog na hulog na.

Ilang minuto na ang nakakalipas at hindi pa din bumabalik yung librarian. Nagsisimula na tuloy akong kabahan. Lumakad ako papuntang pinto para naman icheck ang hallway ngunit nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng library. Jusq, aatakihin ata ako!

Pero muntik ng lumuwa ang mata ko dahil sa gulat ng malaman ko kung sino ang pumasok- si J!

name // seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon