a total shit.
Yan ang nasa isip ko ngayon habang nasa harap ko si J, at yung Soojung? Basta, yung nabangga ko.
Masama ang tingin sa akin ni Soojung habang si J naman ay nasa tabi nya.
aish, ang taray naman ng Soojung na to!
Napahiya tuloy ako sa harap ni J, dahil sinigaw-sigawan nya ako.
"Nyare ba?"
tanong ni J at tinignan muna ako bago tumingin kay Soojung. Napalunok naman ako."Yan kase! Tatanga-tanga, hindi kasi tumitingin sa dinadaanan!"
masungit na sabi ni Soojung.Nanatili lang akong tahimik, ayokong mas lumala lang. Napayuko nalang ako at hindi ko maiwasang nalungkot. ganun ba talaga ako katanga?
Pati kasi sarili kong pamilya, pinagduduldulan sa akin ang salitang tanga.
Akala nila, hindi nila ako nasasaktan.
Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mga mata ko na agad ko din namang pinunasan. ayokong makita nilang nasasaktan ako.
Akala ko, papagalitan ako ni J, ngunit nagulat ako sa sinabi nya.
"So, if that's the case, bakit hindi ikaw ang umiwas?"
malamig na naman ang boses ni J, mukhang nagalit ata sya...ngunit hindi sa akin. Kundi kay Soojung."Isa pa, wala kang karapatang sabihan si Seulgi ng tanga."
nagulat ako dahil alam pala ni J ang pangalan ko.Napanganga si Soojung sa gulat, "mas kinakampihan mo pa to? How come?"
Seryoso lang ang mukha ni J,
"Dahil mas tama sya, right? Hindi porket nabangga ka nya, may karapatan ka ng sabihan sya ng tanga.
Where infact, pwede namang ikaw na ang umiwas. Pwera nalang kung hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?""Aish! Ako ang kaibigan mo! Ewan ko sayo!" mukhang napikon si Soojung at umalis na. Wala namang pakeelam si J base sa facial expression nya.
Aalis na sana ako ng magsalita sya,
"Where do you think you're going?"
malamig na tanong nya kaya napalunok ako at tumingin sa kanya. Naiiyak pa din talaga ako sa nangyari kanina, napahiya ako at naaalala ko sila Ate, Mama at Papa na sinasabihan din ako ng masasakit na salita.kaya gustong gusto ko ng umalis, para makaiyak na.
"Come with me,"
mahinang sabi nya at hinatak ako.
BINABASA MO ANG
name // seulrene
Short StoryI didn't know her name yet I still love her. thank you @DizasterX for the wonderful cover.