THE 5

259 8 0
                                    

"Bunutan na ngayon!" sigaw ni Jadie sa classroom. Bakla ba talaga to? Naguguluhan talaga ako. Una, gwapo siya. Pangalawa, bakit excited siyang bumunot? Ang sabi kasi ni Ma'am kahapon, mga boys lang daw ang bubunot ng magiging partner nila, kaming girls ~ goodluck na lang daw kung sino makabunot samin. So, excited siya sa girl? di ba?



Right after recess, yes, meaning, 2 subject pa lang ang nangyayari ngayong umaga, pinatawag kaming mga 4th year na pumunta sa Conference Hall para nga dito sa - "BUNOT MO, PARTNER MO - Aangal pa ba?" Ganda ng title ko no? Kasi ganyan talaga mangyayari. Whether you like or not, partner mo makakabunot sayo. Good thing kung pwede na, at AANGAL ka pa ba kung ayaw mo siya? You know, paano kung wala naman magyaya sayo, atleast may partner ka na di ba. hehe. Talino ko po talaga, Thank you Lord!




Bago nagbunutan, pinakita na samin yung steps and routines ng sasayawin sa prom via projector. Para raw wala na ring ilangan na maganap kapag nagpa-practice na, mejo matagal din ang sayaw. Sulit kumbaga, madali lang din ang mga routines, kayang-kaya! Section 1B nga pala kami kaya pangalawang bumunot ang boys namin. Sabay-sabay daw bubuksan, pasuspense! Nakakaexcite!!! Nakakakaba rin, gwapo kaya nakabunot sakin? Kilala ko kaya? Sino kaya yung nabunot ni Christian? ...ako kaya?




"Attention everyone! You may now have your early long lunch and let's call it a free day para makapagpakilala kayo sa mga partner niyo but please by 3pm assemble at covered court let's begin our first practice. Okay? IS THAT OKAY?"




"YES. MS.PRINCIPAL!"




"Okay. Girls, good luck. And Boys, be good. Have a great lunch mga anak. 3pm ha."




Yung iba, binuksan na yung paper. Kung ano-ano comment nila nung nakita nila kung sino ang nabunot nila. Nakakatawa lang yung mga reaction ng iba, yung iba nakakapagtaka lang kasi hindi nila talaga kilala kung sino yung nabunot nila.




"Waaah! Brad! Si ano yung akin!"


"Tsong! Ayos to."


"Answered prayer tol!"


"Luh! Sino to?"


"Sino kaya tong napaka-swertereng babae na to?"




Yung iba, pinuntahan na nila yung magiging partner nila. Ba't sakin wala pa? Sino kaya nakabunot sakin? Kailan niya balak i-inform na ako ang nabunot niya? Kilala ba niya ko? Baka naman bakla nakabunot sakin? Haaayyyyy. Lord, sino po ba siya? Asan na siya?



"Huyyyy, hinihintay yung nakabunot sa kanya." Pang-aasar pa nitong Christian na to. Pero hindi ko napigilang ngumiti rin sa kanya.



"Eh, kasi parang ako na lang yata hindi nakakakilala sa nakabunot sakin."




"Ako."




"IKAW???" Susubo ko na sana tong kinakain ko, nagulat ako sa sinabi niya. Hindi nga kaya...siya?




"Ako - Hindi ako yung nakabunot sayo."




"AWW. Akala ko ikaw! Wala na." sa totoo lang nalungkot ako. Sana ako na lang. Sana ako na lang talaga yung nabunot niya Lord!




"Paasa ba? I'm sorry."




"Hindi okay lang. Sino ba nabunot mo?"





Hindi na niya ako nasagot dahil may umepal samin. And yes, ayan na ang nakabunot sakin. Naki-upo siya sa table namin. Kanina natutuwa na naeexcite pa akong makilala kung sino nakabunot sakin, pero nung nasure kong hindi talaga si Christian, parang ayoko ng mag prom. Hindi lang lungkot ang nararamdaman ko, pati selos. Oo, hindi man niya na banggit kung sino ang partner niya dahil sa epal na to - nagseselos nako.

SPIRITUALLY INLOVE (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon