TOXIC WORKMATES

19 0 0
                                    


As promised, eto na ang MGA TOXIC WORKMATES na maeencounter mo sa buhay.

*Based on my experience to ah. Madadagdagan pa to.*

*Medyo may words dito na hindi maganda so pagpasensyahan nyo na ako. Realtalk to eh.*

1.Mahadera

Yan yung makikipagclose sayo dahil bago ka tapos ikukwento niya ang buong buhay niya sayo. Like, oras ng trabaho kinukwento niya yung lovelife niya (pang sampung beses na niyang naikukwento sayo).

How to deal: Barahin mo ng konti, tiklop yan. Pero asahan mo nang magagalit siya sayo, butthurt yung ganyan eh.


2. Utanger

Ayan, yan yung tipong umiikot ang buong pagkatao para lang makahanap ng mauutangan. Lahat ng pagpapaawa ipapakita niya sayo. Well, okay lang naman mangutang eh... PERO YUNG IPANGLULUHO LANG? NAMPOCHA. KAPIKON! Tapos ikaw pa ang mahihiyang maningil dahil mukha nga siyang kawawa, ikaw pa ang masama. Pag nagbayad siya galit pa!
May gumawa niyan sa akin dati. Tinandaan ko talaga. Bigayan ng 13th month yon eh. Mayaman ang lahat ng tao.

Non verbatim

Me: *tahimik na gumagawa ng paperworks. PINAALALA ko sa kanya yung utang 2 days before*
Siya: oh, Anna eto na yung utang ko sayo. Para namang di ako magbabayad. Hayaan mo di na mauulit. *padabog niyang nilagay yung pera sa lamesa*
Me: *kibit balikat at nagpatuloy na sa paggawa. syempre kinuha ko yung pera*

Galing no? Haha. After a month lumapit nanaman siya sa akin at nagtatanong kung may extra ako. Sabi ko budgeted ang pera ko. Hindi na siya umulit. Haha

How to deal: Sabihin mo nakabudget ka. O kaya naman nasa mga magulang mo yung pera mo.

3. Negosyante

Kung may utangers, may negosyante. Di naman to masyadong toxic. Depende pa rin sa sitwasyon. So ayan. Eto yung malala na.

Siya yung tipong bawat katrabaho na makita niya aalukin niya. Hanggang sa mabaon na sa utang yung inaalok niya. Ang hirap din huminde kasi mas superior sayo. Haha. Ang oras ng trabaho niya ay kadalasang nauubos sa paniningil.

Sinubukan kong maging negosyante habang nagtatrabaho pero di kinaya ng pwersa ko. Umayaw ako. Nakakainis eh! Di ko kayang makipagclose sa isang tao para lang bilhin niya ang paninda ko, tapos pag di siya bibili ay *seen* na lang. Haha nyemas. Wag ganun!

Meron din naman na hindi mo mamamalayan na nagbebenta pala, mas maganda yung ganun. Haha sabi ko nga, depende sa pangangailangan.

Sabi ko sa negosyante nung nagalok siya sa akin ng paninda: "Marami kaming ganyan. Hindi na nagagamit. Benta mo rin?"

Ayon, tinantanan niya ako. (For a while)

How to deal: Magbenta ka rin. WAHAHA

4. Oldie

Siya yung inuugat na sa isang kompanya. Alam na niya ang buong history noon at yung mga taong umalis at dumating. Kadalasan sa mga oldie ay matataas ang tingin nila sa sarili nila. Intimidating ganun. Konting mali mo lang malaki na kasalanan mo. Yung ganun. Hindi na nakikinig sa suggestion ang oldie. Sarili lang nila ang papakinggan nila. Toxic no? Parang mararamdaman mo na lang bigla na wala kang kwentang katrabaho. Kasi hindi mo kayang gawin ang mga kaya niya.

How to deal: Umm... Tanong ka muna bago ka gumawa. Ituturo nila. Hayaan mo silang manghusga. Hahaha

5. Poncio Pilato

Peculiar RandomnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon