I

7 0 0
                                    

Black Lady POV

BLACK LADY POV

"H'wag po maawa po kayo sa'kin!" dinig ko ang pagmamakaawa ng isang babae ngunit hindi ko mawari kung saan ito nanggagaling. Naglalakad ako malapit sa isang eskinitang madilim. Tila doon nagmumula ang boses na naririnig ko. Hindi na bago sa'kin ang mga ganoong eksena sapagkat talamak na ang karumal-dumal na krimen dito sa siyudad. Nakakatakot ang mamuhay rito. Palaging may nagbabantang panganib sa buhay mo.

Binilisan ko ang paglakad ngunit tila may pumipigil sa aking mga paa.

"Aaaahhh! Tulungan ninyo ako!" nakakabinging sigaw ng babae at kasabay niyon ay ang katahimikan. Mas lalo akong kinilabutan.

"Patay na kaya ang babae?" naitanong ko sa aking isip. Ipinagwalang-bahala ko na lang ang mga narinig ko at nagpatuloy sa paglakad nang biglang may isang lalaking tumambad sa aking harapan na siyang ikinagulat ko. Nakangisi ang lalaki habang ang kanyang mata'y pulang-pula. Matalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa tindi ng takot ko. Bumilang ako ng tatlo saka kumaripas ng takbo ngunit may isa pang tao ang nakaabang sa likod ko kaya napatigil ako. Nanginginig ang aking mga tuhod habang nag-uunahang dumaloy ang malamig na pawis sa aking mukha.

"Katapusan ko na rin ba?" bulong ko sa sarili.

Papalapit na sila sa aking kinaroroonan. Nag-iisip naman ako ng paraan kung paano ako makakalusot sa sitwasyong kinakaharap ko ngayon. Mas gugustuhin ko pang magpakamatay kaysa babuyin ng dalawang hayop na ito ang aking kaluluwa.

Isa lang ang maaari kong lusutan. Walang iba kundi ang madilim na eskinita. Paano kung may hangganan ang eskinitang iyon? Bahala na!

Binilisan ko ang pagtakbo papasok sa madilim na eskinita habang hinahabol ako ng dalawang lalaking halang ang kaluluwa. Halos kapusin ako ng hininga. Nagulat na lang ako nang matapilok ako dahil sa isang bagay na napatid ng aking paa. Nadapa ako at bumagsak ang mukha ko sa semento. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na pangyayari dahil nawalan ako ng malay sa aking pagkakadapa.

Nagising ako dahil sa patay-sinding ilaw na tumatama sa aking mukha. Pinilit kong bumangon ngunit napagtanto kong nakagapos pala ang aking mga kamay at paa. Hindi rin ako makasigaw dahil sa packing tape na nakatakip sa aking bibig. Nararamdaman ko rin ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat na tinamo ng aking mukha. Napakahapdi!

Maya't maya'y may narinig akong papalapit na yabag patungo sa aking kinaroroonan. Napalingon ako sa pinanggagalingan ng mga yabag. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng taong papalapit sa akin. Ang tanging nakikita ko lang ay ang malademonyong ngiti nito. Bumilis ang kabog ng aking dibdib nang makita ko ang hawak niyang patalim. Napausal ako ng dalangin. Tila ito na ang huling sandali ng aking hininga. Aangkinin na ni kamatayan ang aking kaluluwa. Napalunok ako sa sobrang takot. Hindi ko na napigilan pa ang luha kong kanina pa nagpupumiglas sa pagdaloy.

Nang makarating siya sa kinaroroonan ko'y tumambad sa'kin ang isang lalaking maitim. Medyo kulot ang kanyang buhok at makapal ang kanyang labi. May ekis na peklat sa bandang kaliwa ng kanyang pisngi. Mapula ang kanyang mga mata, marahil ay gumamit ito ng droga.

Pinagmasdan ko nang mabuti ang kanyang mukha. Parang pamilyar siya sa akin ngunit hindi ko matandaan kung saan ko siya na nakita. Malakas ang loob ko na nagkatagpo na kami ng lalaking ito.

Idinampi niya ang patalim mula sa'king pisngi ngunit hindi masyadong mariin. Pinagapang niya ito pababa sa aking leeg hanggang humantong sa aking dibdib. Nanginginig naman ang buo kong katawan habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Nakangisi ito sa kanyang ginagawa. Nakipagtitigan ako sa kanya at tila nakikiusap ang aking mga mata na sana'y maawa siya sa'kin, ngunit wala akong nababasang ekspresyon sa kanyang mga mata.

Nagulat na lang ako nang medyo idiniin niya pababa ang patalim na siyang dahilan ng pagkapunit ng aking damit. Para siyang asong ulol nang tumambad sa kanya ang aking katawan. Tanging ang bra ko na lamang ang natitirang saplot sa itaas na bahagi ng katawan ko.

Isinunod niya ang suot kong pantalon hanggang ang maseselang bahagi na lamang ng aking katawan ang may saplot. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko. Hinihiling ko na sana'y patayin na lang niya ako kaysa babuyin ang aking pagkatao ngunit bigo ako.

Wala akong magawa kundi ipaubaya ang buo kong kaluluwa. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata habang patuloy ang pag-agos ng masaganang luha.

"Hayop ka!" tanging isinisigaw ng aking utak, habang ang aking dibdib ay nagpupuyos sa galit.

Nanghihina na ako habang walang humpay ang hayop na lalaking ito sa paglapastangan sa aking katawan. Wala akong ibang tinatawag ng mga sandaling iyon kundi si kamatayan.

Nang magsawa siya'y kinuha niya ulit ang patalim. Hinawakan niya ang aking pisngi saka tinanggal ang packing tape sa aking bibig.

"Hayop kang demonyo ka!" sigaw ko habang humahagulhol. Ramdam ko pa rin ang panghihina. Humalakhak lang siya na parang diablo.

"Patayin mo na ako!" pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi pa rin siya tumitigil sa paghalakhak.

Pinagmasdan kong maigi ang kanyang mukha. Nagulat na lamang ako nang biglang nag-iba ito ng anyo! Paanong? Hindi maaari! Namamalikmata lamang ba ako? Bakit mukha ng aking ina ang nakikita ko?

Ang halakhak nito'y napalitan ng galit. Parang naglalagablab na apoy ang kanyang nga mata.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ko!" sumbat niya sa akin.

"Ngayon pagbabayaran mo ang lahat ng paghihirap na tiniis ko!" sigaw niya saka iginuhit ang ekis sa kaliwang pisngi ko.

"Aaaaaaahhh!!!" pumalahaw ang sigaw ko sa buong kwarto na ikinagulat ni Mama. Naramdaman ko na lang ang malakas na sampal na dumantay sa aking pisngi na siyang ikinagising ko.

"Yan! Dahil siguro sa pagpupuyat mo kaya ka na binabangungot. Sana natuluyan ka nalang para mabawasan pa ako ng palamunin sa bahay!" galit na wika ng mama ko saka padabog na umalis.

Kinapa ko ang aking pisngi, wala naman akong naramdamang sugat kundi hapdi lamang dahil sa lakas ng sampal ni mama sa'kin. Akala ko katapusan ko na. Thanks God at bangungot lamang 'yon. Pero bakit napakaweird naman ng panaginip na 'yon?

Napaisip ako bigla. Sino kaya ang lalaking 'yon? Bakit parang pamilyar siya sa akin? Bakit nagbago ang anyo nito at naging si Mama? Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko? Naging palaisipan ang panaginip kong iyon. Parang may nagtutulak sa'kin na tuklasin ang misteryosong bumabalot sa aking pagkatao.

BLACK WEDDING GOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon