II

1 0 0
                                    

Nigga POV

Isang malaking katanungan pa rin sa akin yung bangungot na 'yon? Sino kaya yung taong maitim at bakit napalitan ito ng mukha ni mama? Napakaweird naman!

"Kuya para ho!" saad ko sa traysikel drayber at iniabot sa kanya ang pamasahe ko.

"Ano ba naman yang barya mo, parang nahawaan na sa kulay mo ah?" pang-iinsulto sa'kin ng drayber.

"Ikaw nang maputi kuya! 'Pag ako pumuti, who you ka sa'kin!" sigaw ko sa kanya saka patakbong pumasok sa gate ng school namin.

"Guys may napansin ba kayong naglalakad na uling?" pang-aasar ng mga lalaking nakatambay sa may corridor. Kung hindi ako nagkakamali, sila ang mga IGOP boys sa school.

"Pare hindi uling yung napansin ko kundi sunog na kanin! Bwahahaha!" sabad naman ng isang payat nilang kasama pero may itsura. Siya si Mar. Isa sa mga heartthrob sa university. Yung isang lalaki naman na tumawag sa'kin ng uling ay si Dell, ang campus crush.

"Guys umang-umaga nambubully na naman kayo. Kawawa naman si Ms. Africa!" nang-aasar na saad naman ng tropa nilang si Just. Siya ang Albert Einstein ng school. Bukod sa matalino, hindi rin magpapahuli ang kanyang kagwapohan.

Sabay-sabay silang nagtawanan. Habang ako ay nakayuko lang saka diretso sa paglakad. Ipinahiya na naman ako ng mga IGOP boys! Pero ok lang, sanay na naman ako. Maraming naiingit kapag binubully ako ng tatlo lalo na ang mga PABEBE girls. Hindi kasi sila pinapansin ng mga IGOP boys kahit todo sila sa pagpapapansin sa kanila. Hi hi hi hi. 😁

Nagtungo ako sa library dahil mamayang 9am pa ang 1st subject ko. Education ang pinili kong kurso dahil passion ko talaga ang pagtuturo. Noong bata kasi ako, lagi kong ginagaya ang mga teacher namin. Umaasta rin akong little teacher sa mga classmate ko ng elementary.

Libre ang tuition ko sa Sta. Almonica University dahil isa ako sa mga dean's list at naglilikod bilang student aid sa library. Mabuti na lang at nagpokus ako sa pag-aaral noong hayskul at nagtapos na may honor. Wala naman kasing balak si Mama na pag-aralin ako. Hindi nga siya umattend noong graduation ko. Pero tanggap ko na 'yon. Simula pa pagkabata ay kinamumuhian na ako ni Mama. Kahit gano'n ang trato niya sa'kin, mahal ko pa rin siya.

"Hi Nigga!" masayang bati sa'kin ng bestfriend kong si Teph. Pano'ng hindi kami magkakasundo e isa ring baliw 'to. Binansagan siyang "Betty Lafea" dahil sa makapal nitong salamin. May mga moles din siya sa magkabilang pisngi. Hindi lang 'yon, nakabrace din si ate! Ha ha ha! 😂

"Helo bebe! Oh ano kumusta ka?" bati ko sa kanya?

"Brokenhearted kay crushie bebe!" sagot niya sabay pouty lips.

"Ai wow! Crush pa lang brokenhearted ka na? Ha ha! Masyado ka kasing maganda para sa kanya bebe!" pang-aasar ko sa kanya.

"Korek bebe!" sagot niya saka nakipag-appear. Sakto namang dumating si Kat.

"Hoy! Napakadaya ninyo. Isali naman ninyo ako sa usapan ninyo uyy!" kunwaring pagtatampo niya saka siya lumapit sa'min. Si Kat naman ay medyo may pagkamasculine ang galaw. Kung sasali lang siya sa That's My Tomboy, i'm sure makukuha siya sa semifinals. Take note, semifinals lang ha ha ha! Pero maganda siya, 'yon nga lang, parang babae naman ata ang type ni kuya ah este ate pala.

"Huli kana sa balita!" wika ni Teph sabay kibit-balikat.

"Suntukin kita riyan e." sagot naman ni Kat saka inambahan ng suntok si Teph. Nagtago naman sa likod ko si Teph.

"Hayan na naman kayo e para kayong mga aso't pusa. Oh siya, magduduty na ako, kitakits mamaya sa canteen." paalam ko sa kanilang dalawa.

"Bye Nigga!" sabay naman nilang wika saka nagwave. Humakbang naman na ako papasok sa library.

Parehong mayaman ang pamilya nila Teph at Kat. Pero parang kulang sila ng pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang mga magulang. Imagine that, ang mga bestfriend ko ay childish? But anyway, mababait naman sila. Hindi sila tulad ng iba na namimili ng kaibigan. Kahit prone kami sa bullying, hindi rin naman kami papatalo pagdating sa brain at talent wala nga lang beauty! Sucklaugh! 😂

Hindi kami magkakaklase. Si Teph ay HRM at may talento ito sa pagluluto. Lagi siyang nagcha-champion pagdating sa cookfest. Inirerepresenta niya rin ang university sa tuwing may mga skills olympics.

Si Kat naman ay Criminology. Halata naman sa kanyang galaw. Magaling siya sa karate at ilang beses na ring nanalo tuwing intrams at univerity meet.

Ako naman, mahilig ako sa pagsusulat. Editor in Chief ako ng schoolpaper namin. Sa pagsusulat ako nag-e-excel dahil 'yon talaga ang hilig ko. Mas gusto kong mapag-isa habang nagsusulat ng kung ano-anong mga article. Introvert kumbaga.

"Good morning Ma'am!" bati ko kay Mrs. Chin nang papasok na ako sa library. Siya ang aming librarian.

"Good morning! Paki-assist nga 'yong nga student do'n na maghanap ng libro Ally." utos sa'kin ni Mrs. Chin. Agad naman akong tumalima. Actually Ally talaga ang totoo kong pangalan pero Nigga ang bansag sa'kin dahil sa kulay ko.

Nagtungo ako sa mga student na tinutukoy ni Mrs. Chin. Nagulat na lang ako nang tumambad sa'kin ang mga PABEBE girls.

"Relax Ally!" sigaw ng utak ko. Kung sinuswerte nga naman oo. Talagang ayaw akong tantanan ng pambubully. Tsk. Tsk.

"Look who's here!" maarteng wika ni Nica, ang Campus Queen.

"OMG! Soooo kadiriiii! Germs are not allowed here right?" pabebe namang wika ni Wincy, ang Pop Princess ng school.

"Excuse me, may i correct you, she's not a germs. Actually she's a monster! A black monsters to be specific!" sarkastikong saad naman ni Britney, ang Dancing Queen ng campus. Sabay-sabay silang nagtawanan habang ako'y nakayuko at nag-iinit ang dalawa kong tainga sa kahihiyan.

"Tara na girls! Masisira lang ang araw natin sa Black Lady Monster na ito! Baka mahawaan pa tayo. YaykzZ!" nandidiring sigaw ni Nica saka naglakad patungo sa kinatatayuan ako. Binangga niya ako kaya napaupo ako sa sahig.

Dumaan naman si Wincy saka pasadyang inapakan ang aking paa.

"Oooops! Nakatapak ako ng germs. Bibili na lang ako ng bagong shoes baka mahawaan pa ako. Iww!" pang-iinsulto nitong wika saka ibinato sa mukha ko ang sapatos niya.

"You love reading right? Oh heto para sa'yo!" wika naman ni Britney saka ipinukpok sa ulo ko ang makapal na libro. Tumawa pa sila nang nakaiinsulto saka tuluyang umalis.

Walang akong magawa kundi umiyak na lang. Napakasakit ng ginawa nilang pambubully sa'kin. Napakuyom ang aking kamao. Hindi iisa ang araw. Magsisisi rin sila sa mga ginagawa nilang pambubully sa'kin. Humanda sila!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLACK WEDDING GOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon