(RINA'S POV)
“No matter how hard I try, I always forget to forget you” -Rina
*- - - - - - - - - - - - - - - *
Pagpapanggap. Isang malaking PAGPAPANGGAP lang ang meron samin ni Jacob. Nung nasa reunion kami ng school namin? Puro pagpapanggap lang lahat yun. Ang totoo niyan si Violet parin talaga ang mahal niya.
Pero, paano nga ba nagsimula ang isang malaking pagpapanggap na to? Isang pagpapanggap na ginusto ko kahit alam kong masasaktan ako ng todo? Kasi hindi lang pagpapanggap ang gusto ko. Gusto kong maging totoo ang lahat.
Nagsimula to ng pagkatapos ng highschool pareho kami ng pinasukang university, at kung mamalasin ako, accounting student din siya, so it means na marami kaming subjects na magkasama palagi.
Mabait si Jacob. Kaya nga hindi ko namalayan bigla nalang nahulog ang puso ko sa kanya.
I really thought na nakalimutan na niya si Violet, but I was actually wrong I time I caught him looking at Violet's picture in his cellphone.And to make it more heartbreaking nangyari yun nung time na I was about to tell him how I felt.
-FLASHBACK-
Magkatabi pala kami ngayon ni Jacob sa subject na to! Yieeee! Hahahaha! Kaya favorite ko tong subject na to eh!
“Hi Rina!” Nakangiting bati niya sakin pagkaupo niya sa upuan niya.
“Hello din! How was your weekend?” Tanong ko sakanya.
“Ok lang naman, nakapagpahinga rin kahit kaunti” Sagot niya habang nakangiti.
(^////////////////^) Grabe kinikilig ako! Makita ko lang ang mga ngiting yan, buo na ang araw ko!
“Ahhh, buti naman.” Sabi ko.
“Eh ikaw musta weekend mo?” Tanong naman niya.
“Okay lang din hehe.” Buong weekend kita na-miss.
“Ahh, hehe.” Sabi niya.
Ang cute talaga ni Jacob, mabait pa! Kaya hindi ko naiwasang mahulog ang loob ko sa kanya eh. Pero dapat kong sabihin na may nararamdaman ako sa kanya.
“Uhhmm Jacob..” Tawag ko sakanya.
“Ano yun?” Sabi niya habang may kinakalikot sa cellphone niya.
“Kasi.. may sasabihin ako sayo...”
“Sige, sabihin mo lang” Sabi naman niya na hanggang ngayon ay nakatingin parin sa cellphone niya.
=__________________= Ano bang meron dun sa cellphone niya? Yung cellphone niya ba ang kausap niya at yung ang tinititigan niya?
“Kasi ano ahhmmm...” Shemay lang. Hindi ko masabi! -_-
“Ano yun?”
“Teka nga lang ako muna tignan mo.” Sabi ko tapos kinuha ko yung cellphone niya.
O_________O
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Wait si Violet tong nasa picture ah? Ouch naman.
“Si V-violet?” Tanong ko, si Jacob naman napabuntong-hininga na lang at kinuha ulit yung cellphone na nasa kamay ko.
BINABASA MO ANG
My Heart Stealer (One-Shot Story)
RomanceMahirap magmahal ng taong may mahal na iba, Oo madaling iwasan siya pero yung nararamdaman mo maiiwasan mo ba? He is my heart stealer. Read! :))))) One shot story lang siya. :))