[a/n: WARNING: Madrama ko ngayon. -____- As in! Ewan ko ba! Feel ko magdrama eh!!! Waaaah! Ano bang gagawin ko?! XD Hindi ko alam kung anong naramdaman ko eh! Kaya may next part pa to xD Heavy Drama to mga dudes! ]
(NORMAL POV)
Nakahiga lang si Rina sa kanyang kama, habang nakikinig ng mga nakakaemo na mga kanta.
Hindi niya namalayan na mayroon ng mga luha na tumutulo sa kanyang mga pisngi.
“Ano ka ba Rina! Wag kang umiyak!!” Nasabi niya sa sarili niya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.
Hindi niya malaman kung bakit umiiyak siya, dahil ba kay Jacob? Si Jacob na hindi siya kayang mahalin?
Kung siya ang tatanungin gustong-gusto na niyang kalimutan lahat ng nararamdaman niya para kay Jacob, sumasang-ayon na rin ang utak niya sa kanya.
Pero ano bang magagawa ng utak at sarili niya kung ang puso naman niya ay sumasalungat?
Mahal niya si Jacob.
Yun ang alam niya. At hindi niya alam kung makakalimutan pa ba niya ito.
“Rina, anak? May bisita ka sa labas.” Katok ng kanyang nanay sa pinto ng kwarto niya.
Bisita? Sino naman kaya yung bisitang yun?
Nakakainis lang sinira yung pag-sesenti mode niya sa kwarto niya. Natawa na lang siya ng mapait.
“Opo, paki sabi nalang po saglit.” Sabi niya sa kanyang nanay.
Nag-ayos muna siya ng sarili bago bumaba, tumingin siya sa salamin.
Maganda naman siya, matalino, mabait, pero bakit hindi ba siya kayang mahalin ni Jacob?
Ano pa bang kulang sa kanya? Napabuntong hininga nalang siya sa mga pinagiisip niya.
“Oh Rina andyan ka napala.”
O________O
Nagulat si Rina sa lalaking naka-upo sa sofa nila.
Si Jacob?
Si Jacob yung bisita niya?
Bakit naman siya bibisitahin ni Jacob?!
“Bakit ka nandito?” Malamig na tanong niya kay Jacob.
“Oh? Maghahanda muna ko ng meryenda niyo.” Sabi ng nanay niya at pumunta na ng kusina para maghanda.
“Oh? Bakit ka nandito?” Tanong ulit ni Rina kay Jacob.
Hindi umimik si Jacob at tinignan lang siya ni Jacob na tila pa miss na miss siya nito.
“Rina, I love you.”
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa mga narinig niya.
Mahal siya nito?
Siya? Si Jacob mahal siya?!
Pinagloloko ba siya nito?
“Ako ba pinagloloko mo Jacob?!” Galit na tanong niya dito, napatayo na siya sa upuan niya.
“Mahal kita Rina! Maniwala ka!” Sabi ni Jacob na tumayo na rin at hinawakan siya sa mga kamay niya.
Para siyang nakuryente sa mga hawak ni Jacob.
Tila hinahabol ng mga kabayo ang kanyang puso sa sobrang bilis naman ng tibok.
-SLAAAAAAPP!-
Isang malutong na sampal ang nakuha ni Jacob kay Rina na umiiyak na.
“Mahal mo ko Jacob? Ako ba niloloko mo? Paano mo nasabing mahal mo ko? Ilang beses mo nang pinadama sakin na hindi eh! So now, you want me to believe those lies?! Come on! Hindi mo naman kailangang sabihin yan eh!!” Tuloy-tuloy na sabi ni Rina kahit patuloy na bumabagsak ang mga luha niya.
“Sorry Rina, sorry.” Yan lang ang nasabi ni Jacob.
“Fuck you Jacob! Umalis ka na!!!” Sabi naman ni Rina.
“Pero Rina, believe it or not I do love you.” Yun ang huling sinabi ni Jacob bago ito umalis.
(RINA'S POV)
Mahal niya ko?!
Ha-Ha-Ha-Ha
Nakakatawa eh!!!
Paano niya nasasabing mahal niya ko?!
Eh tuwing magkikita kami pinaparamdam niya sakin na hindi!!!
“Rina? Anong nangyari sayo?” Tanong sakin ni Mama.
Hindi na ko nakasagot at hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na ko sa harap ni Mama.
“Mama, mahal ko siya! Mahal na mahal! At ang sakit-sakit na!!” Sabi ko habang patuloy parin na umiiyak.
Niyakap lang ako ni Mama at hinagod yung likod ko.
Ang sakit. Sobrang sakit na.
Pwede bang maging manhid na lang ako?
Para naman kahit sobrang sakit na,
Wala akong mararamdaman.
BINABASA MO ANG
My Heart Stealer (One-Shot Story)
Lãng mạnMahirap magmahal ng taong may mahal na iba, Oo madaling iwasan siya pero yung nararamdaman mo maiiwasan mo ba? He is my heart stealer. Read! :))))) One shot story lang siya. :))