Chapter 2 The break up

32 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa starbucks at hinihintay ko ang aking boyfriend.

tinawagan ko kasi siya at sabi ko magkita kami at may sassbihin ako sa kanya at um oo naman siya.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit gusto ko na syang i break. Kung titingnan naman mabait naman syang bf kahit ilang beses ko na siyang pinapahiya at pinahihirapan. He is handsome naman at mayaman din.

Isa lang ang ibig sabihin niyan na CASANOVA talaga ako! dahil hindi ako makuntento sa kanya gusto ko kasi iba iba bawat month. XD

"Hi babe! Ang lalim yata ng iniisip mo ?" andyan na pala si Kent. Kiniss niya ako sa cheeks at umupo na siya sabay nag order na rin.

Parang ang saya saya yata ng aura niya. Baka akala niya date ito. Asa naman siya!!

seryoso akong nagsalita at hindi na nagpa ligoy ligoy. I go straight to the point na

"Kent, let's end this. Ayoko ng makipaglaro sayo."

Halata naman na nagulat siya kasi napahinto siya sa pag sip ng drinks niya.

He's staring at me for about 1 minute... then nagsalita siya.

"Babe, youre joking right ?"

" Mukha ba akong nag jo joke? And stop calling me babe. Hindi mo ba napapansin na ikaw lang ang nag seseryoso sa ating Relationship?"

Ganito talaga ako. Prangka.

I saw tears in his face. Pero hindi ako nakakaramdam ng awa. Hindi yan uso sa akin

"Carlotte why !? lahat naman ginawa ko para sa relationship natin. Nagmumukha akong tanga minsan pero kinakaya ko because I love you so much Carlotte! ngayon tumingin ka sa mata ko at sabihin mong hindi mo na appreciate ang lahat ng ginawa ko sayo for almost 1 month"

yes. siya na ang pinakamatagal kong naging boyfriend so far. Imagine nakatagal kami ng 1 month and 10 days. Pero naramdaman ko kasi na hindi ko na siya mahal.

ginawa ko ang sinabi niya. Tumingin ako diretsyo sa mata niya at sinabing

" I didn't appreciate all the things that you've done to me"

Natulala siya sa sinabi ko at tumingin ulit siya sa akin at parang nag tatanong na 'bakit?'

"Again,, Kent brake na tayo!"

pagkasabi ko nun diretsyo alis na ako at iniwan ko na siya.Dire diretsyo akong naglakad palayo sa kanya at hindi ko manlang siya nilingon.

"Problem solved." sabi ko kay Ciara. Nandito kasi kami ngayon sa school garden at kumakain. Break time kasi namin

"Kawawa naman si Kent. Mabait pa naman yun. Gwapo at mayaman pa. Good catch na kaya yun! "

" edi sayo na!"

Aminado naman ako sa sarili ko na sadyang Maldita ako.. Kaya hindi ko na a appreciate yung mga ginagawa ni Kent sa akin. Lahat naman kasi ng naging karelasyon ko ay hindi ko naman sineryoso. Except kay-- Ayoko na ngang pagusapan. :/

Patuloy lang yung pag kwe kwentuhan namin ni Ciara habang naglalakad. Akmang iinom na ako ng shake ko kaya lang may isang lalakeng tumatakbo at hindi nakatingin sa dinadaanan niya

Napapikit na lang ako at napasigaw dahil alm ko na ang susunod na mangyayari...

*booooogshh*

At yun na nga, naramdaman ko ang pagbangga niya sa akin...

dahan dahan kong inimulat ang aking mata. At nagulat ako sa posisyon namin..

Ang lapit ng mukha niya sa akin. Halos maramdaman ko na ang hininga nya. Hindi agad ako nakatayo kasi na shock talaga ako.

Maya maya naririnig ko na ang usapan at bulong bulungan ng mga tsismosang schoolmate ko. Hindi ko naman maiwasan yun kasi popular ako dito sa school bilang isang Casanova. Marinig lang nila ang pangalang Carlotte Min Villas ay Casanova agad ang naiisip nila.

at ayun na nga tumayo na siya at tumayo din ako pero ang sakit ng likod ko sh*t !

at lalo akong nabadtrip ng makita kong naligo na ako sa shake na chocolate pa naman ! Grrr..

"Sorry Miss" sabi nung lalake

"Ma aalis ba ng sorry mo yung sakit ng likod ko at itong stain sa uniform ko ?" sarcastic kong sabi sa kanya. Mukhang napapahiya na yata siya. Aba dapat lang!

"Sorry talaga" sabi niya habang pinupunasan yung uniform ko

"masakit pa ba yung likod mo Miss?" dagdag pa niya

" Ano sa tingin mo? BINANGGA MO KAYA AKO TAPOS HUMAMPAS YUNG LIKOD KO DIYAN SA SEMENTO! AT HINDI LANG YUN DINAGANAN MO PA AKO !!" this guy is getting on my Nerves !!

"Sorry talaga miss."

halos lahat na ng student dito sa Asian Academy ay nakatingin na. Kaya niyaya na ako ni Ciara na umalis. Pumunta kami sa gym ng school namin at umupo.

"Grabe. Ciara sino ba yung lalakeng yun? parang ngayun ko lang nakita. Nakaka badvibes"

" kalma na Carlotte, kukunin ko muna yung extra uniform mo dun sa locker. Akin na yung susi"

Binigay ko naman yung susi ng Locker ko. Buti nalang palagi akong may extra na uniform dun. Kung hindi uuwi akong mukhang nilublub sa putik !

Nagpalit na ako ng unifotm ko at guess what? nag cutting kami ni Ciara. Haha nawala ako sa mood eh ! By the way 16 years old na ako at nasa 3rd year highschool na ako... Ilang buwan nalang at mag po- fourth year na ako.

Ok.. Proceed to Chapter 3

Comment.Vote.Be a fan

pasensya na po kung may wrong grammar hihi ^_^

♥prettygirlinblack♥

The Casanova PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon