Chapter 4 Destiny !?

18 1 0
                                    

Carlotte's POV

10 am na ako nagising. Tatayo sana ako pero biglang sumakit ung kanang paa ko. Sinubukan kong mag lakad pero ang hirap kasi ang sakit talaga.

*knock knock*

May kumakatok sa kwarto ko.

"Pasok." sabi ko

"oh carlotte! anong nangyari sa paa mo? Bakit namamaga" tanong ni Ate Liah. 3 kasi kaming magkakapatid. "

Ang eldest sa amin ay si Kuya Marco model rin siya dun sa pinag momodelan ko. Pangalawa naman ay si Ate Liah college na siya. At ako naman ang bunso. Lahat naman sila alam ang pagiging casanova ko. Kahit nga sila mom and dad eh.

Tiningnan ko ang paa ko at namamaga nga. :(

"Sino gumawa nyan Carlotte!?! " ganyan talaga si ate maalaga siya. Sa aming magkakapatid nga she's the best kami naman ni kuya parang ewan lang.

"Hayaan mo na ate. Ok naman na ako"

"Sigurado ka ha? Bumaba ka nalang kung nagugutom ka na:)"

Maya maya lumabas na rin siya ng kwarto.

12 mga pala ang pasok ko ngayon. Nag prepare na agad ako para hindi ako malate. Kahit naman ganito ako masipag naman akong pumasok no ! Hahaha.

Pagkatapos kong mag prepare bumaba na ako para kumain. Pag katapos ko naman kumain nag pahatid na ako sa driver namin.

Habang nasa loob ako ng car naisip ko yung lalake kahapon. si Prince

Feeling ko siya ang 'knight in shining armor' ko.

Ano sinabi ko ba talaga yun.. Yuckkkk nagiging baduy na ako :/

Ano ba Carlotte casanova ka !! Ano b--

"Maam andito na po tayo." sabi ng driver Bigla akong natauhan. Nababaliw na yata ako kinakausap ko sarili ko tsk..

sumilip ako sa bintana at natanaw ko na nga ang Asian Academy.

Pag kababa ko palang naramdaman ko na naman yung sakit ng paa ko.

Paika ika akong nag lakad hanggang sa may gate namin. Yung ibang Stupidyante naman dito sa school ay nakatingin lang. Ganyan yang mga yan eh. Kapag sikat sa school may pakialam sila pero pag ordinary student lang, wala silang pakialamanan kahit mag bugbugan pa sa harap nila hindi sila mag aaksayang panuorin yun.

Nasabi ko na ba sa inyo na ang Asian Academy ay isa sa mga school kung saan maraming bullies,war freaks, mean girls, at kung anu anu pa.

Maya maya may tumulong sa akin na lalaki...

"Miss tulungan na kita."

"Hindi na kailangan kaya ko ang sarili ko!" mataray kong sabi habang nakatalikod pa rin sa kanya

Hindi na siya nag salita at ako naman nag patuloy lang sa pag lalakad ng paika ika.. tss.. kainis

Pero habang papalayo ako ay nararamdaman kong lalong sumasakit ang kanang paa ko.

"Sh*t"

"Sabi ko kasi sayo tulungan na kita."

Lumingon ako para makita ko kung ano ang itsura niya...

"IKAW!???!" halos masamid ako sa nakita ko

"Oo ako nga *smirk*"

"Pag minamalas ka talaga!! "

Hindi ako pwedeng mag kamali siya yung lalaking nag ligtas sa akin kahapon. Siya si Prince !

"Bakit ka andito ? anong ginagawa mo dito?"

"Dito ako nag aaral."

Wtf !! Dito pala siya nag aaral. Bakit parang ngayon ko lang siya nakita ?

Bago pa ako mag tanong nag salita na agad siya

"Nag tataka ka siguro kung bakit ngayon mo lang ako nakita. Minsan lang kasi ako pumasok! Ako nga rin nagulat ng nakita kita na dito rin nag aaral. Hindi kaya destiny tayo?"

"Destiny mo mukha mo !!" sabay irap at talikod sa kanya.

"Wait. May utang ka pa sa akin."

Mukhang alam ko na ito ah

"ano!?"

"Yung ginawa ko sayong pag ligtas kahapon ay may kapalit. Mamaya ko sayo sasabihin"

"tsss..."

----------------------

A/N:

Hello guys !! Sorry ngaun lang ulit ng UD

:)) Kasi po yung una kong ginawa na chapter 4 and 5 ay nabura :( kaya ayun nag panibago na naman ako.. Pero yung chapter 5 po ngayon ko na rin i pa published

Anyway sana po suportahan niyo parin itong story ko *muuuuaaaahh*

Lav u all guys :***

-prettygirlinblack

The Casanova PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon