Wrong Chat 2

776 10 0
                                    

That Day...

Papasok nako sa trabaho nang biglang may magsalita sa gilid. 'Hui!' nakangiti sya, pero ano ito? 'k-kmusta kna?' sabi ko, Im trembling ? tama ba itong nararamdaman ko? oh imagination ko lang? Ang gwapo nya ngayon ah, mas tumangkad, nagkalaman ng konti, payatot kasi to dati eh. Habang nag uusap kame, ayan nanginginig ako, sa hindi ko malamng dahilan. Yung tibok ng puso ko, ang bilis, Gosh? kinakabahan bako? bakit ako ganito? Hindi ko yata to gusto ah, kasi alam ko parang ako naman yung talo eh. Ayoko talaga, alam ko, ramdam ko, Meron pa dito oh (turo sa heart ko), akala ko wala na, akala ko nabura na ni Miggy yun dati, pero bakit meron pa? Na repressed lang ba to ha? Cheating heart, maski ba ako nilokoko ng puso ko?

Kinuwento ko lahat lahat kay Maricar, kasi sa mga ganitong bagay kame ang nagkakaintindihan, ka chat ko sya ngaun eh.

Bhez, kalimutan mo na lang kaya sya? - Maricar

Ewan bhez, bakit kasi may ganito pa, akala ko wala na. - Ako

Hindi ako makatulog ng ilang araw eh, lage ko sya naiisip, kung sabihin ko kaya sa kanya? panget naman, babae ako eh, alam ko na, manghihingi na lang ako ng sign kay God, hiniling ko na magpapahaging ako ng kaunti sa kanya sa Fb, minessage ko sya ang sabi ko.

Ee-Jay may sasabihin ako sayo, pero prang nag aalangan ako eh, baka kasi iba maging interpretasyon mo eh. Baka kasi kapag sinabi ko to, maging mababa tingin mo saken.

Yan msg ko sakanya. Ang sign kay Lord na hiningi ko? kapag naging interested sya dun sa sinabi ko at nag reply sya, ibig sabihin may chance ako. Na kahit papano, kuha ko parin ang pansin nya.

Chinat ko si Maricar, naexcite ako eh, ano kaya magiging reply ni Ee-Jay?

Goodluck bhez! gogogogo! - Maricar

Naeexcite ako bhez, kung ignore yan ni Ee-Jay, ay! wasak na naman ang puso. Sana yung sign na yun kay God, maging okay. -Ako.

Send... may icha chat pa ako kay Maricar nang mapansin kong... teka?

HALAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!

wrong chat ako, yung msg na yun dapat kay Bhez! Sh*t kay Ee-Jay ko na send!

Ang bobo ko!!!! Ang bobo koooooo!!!!

Wrong Chat ???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon