Chapter 1:Our first Disaster

4 1 0
                                    

Sophia's Pov

"Kyaaah!bitawan niyo ako!ayaw ko sabing mag shopping eh!bitawan niyo ako!"reklamo ni Lee.Pilit niyang pumiglas sa pagkahawak namin sa kanya ni Bianca pero di niya magawa.Ang tigas kase ng ulo eh,parang magsha-shopping lang!

"Ano ba Lee!kailangan natin magshopping para sa gagamitin natin sa pasukan.And since mag tra-transfer tayo sa Heaven University kailangan pa natin bumili ng uniform!"sigaw ko sa kanya.Napasimangot nalang ito
at pareho kami sinamaan ng tingin ni Bianca.

"Wag ka ng magalit Lee kakain naman tayo ng ice cream!di ba Rin!?"tila nagningning ang mga mata ni Bianca.

"A-aah oo"

"Tsss....nakakainis kayo!"

Hindi ko na pinansin sila Lee at Bianca.Binitawan na rin kase namin si Lee at ayun nakasimangot.Nag-aabang kami ngayon ng taxi,may mga sarili naman kaming kotse kaso tinatamad kaming mag-drive-__-

Galing kami sa isang napaka gulong school na puno ng mga bully kaya naman kaming magkakaibigan ang taga-pagtanggol ng mga binubully.Kaso tri-nansfer kami ng aming mga magulang sa Heaven University dahil daw marami na kaming nasangkot na gulo.Halos maiyak nga ako ng iwan namin ang iba pa naming mga kaibigan,ano naman magagawa namin?.

"Taxi!Taxi!Rin nandito na ang taxi ano pa tinutunganga mo diyan!"nabalik lang ako sa wisyo ng tawagin ako ng ni Bianca.Kanina pa ba ako nakatulala.Tsss....bahala na nga.Humabol ako kayla Bianca at Lee na pasakay na ng taxi.At ng nakaupo na kaming tatlo sa passenger seat,we are ready to go!.

dMALL♡b

"Bilhin niyo na ang dapat niyong bilhin.Pupunta lang ako sa National Book Store bibili ng mga libro"pagpapaalam ko sa kanilang dalawa.Hindi pa ako nakakalayo ng marining ko ang pagrereklamo ni Lee.

"Sabing ayaw ko ngang sumama sa iyo Bianca!pumunta ka nalang dun mag isa mo!"-Lee

"Sige na please!ililibre naman kita eh"-Bianca

"Bahala ka diyan!"

Napailing iling nalang ako.Tuluyan na akong naglakad papunta sa National Book Store sa second floor,at siyempre nag-esculator ako,alangan namang lumipad ako papunta sa second floor.

"Welcome to National Book Store Ma'am!"nakangiting bati ng guard sa akin.Ngumiti lang ako sa kanya at pumasok na sa loob.

Kaunti lang ang mga namimili,kasama na run ang mga teenagers katulad ko na mahilig sa mga libro.Nag-libot libot muna ako at isa isang pinagmamasdan ang mga libro sa bawat bookshelf na aking dinadaanan.Most of them are love stories dahil nga mahilig ako sa mga love stories yun ang una kong hahanapin.Habang naglalakad at pinagmamasdan ko ang mga libro nahagip ng mga mata ko ang wattpad story na "The Four Bad Boys And Me".
Kukunin ko na sana ito ng may kamay na biglang humablot dito.Napakunot naman ang noo ko!binaling ko ang tingin ko sa kung sino ang humablot dun sa libro.Sinamaan ko siya ng tingin kung sino man siya.

"Masama ang biglaang hablutin ang isang bagay kung may dapat kukuha na nito"sabi ko sa lalaking nakakunot ang noong nakatingin sa akin na nagtataka.Tinaasan ko siya ng kilay.


"Ako ba ang kinakausap mo?"turo pa niya sa sarili niya.

"Hindi,yung libro ang kinakausap ko malay ko bang baka magsalita yan"pamimilosopo ko.

"Sorry miss pero ako ang nauna dito sa libro,wala ka ng magagawa"nakangising sabi niya.

Bwisit naman oh!ako ang nauna sa libro kinuha niya lang!(>o<)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Destined Lovers:The Bullies and The HeroesWhere stories live. Discover now