Chapter 16
The Confession
∞
Akala ko sa pelikula lang mayroong kaibigan na grabe lung magpaka-bayani, pero akala ko lang pala iyon. Lahat nalang akala ko sa pelikula lang mayroon. Akala ko sa pelikula lang yung nga gangster, akala ko sa pelikula lang yung Hunger Games, akala ko sa pelikula lang madrama at maaksyong buhay... pero saan pa nga ba naka-base ang mga pelikula kung hindi sa totoong buhay.
Nakakapanghina ang mga nalaman ko tungkol kay Summer at Spring. Nagsisisi ako doon sa mga panahong binalewala at nasaktan ko si Amasonang Baliw. Tagos sa puso ko yung mga paghihirap niya e. Wala na nga siyang magulang tapos ipinahamak pa siya ng sarili niyang kaibigan. Paano siya noong mga panahong nasasaktan siya? Sino ang nag-alaga sa kanya? Sino ang nagsasabi sa kanya na magiging okay din ang lahat?
At si Summer... paano niya nagawa iyon?
Muli akong napa-tingin kay Summer. Simula kahapon pag-alis namin sa ospital ay hindi pa rin siya nagsasalita. Pagbaba niya ng motor ko ay dumiretso lang siya ng uwi sa bahay nila. Hindi man lang siya nagpasalamat sa pag-hatid ko sa kanya. Hanggang kanina na pagpasok ng eskwelahan ay hindi pa rin niya ako kinikibo. Para lang siyang normal na Summer na tumatawa kay Jackilyn at sumasagot sa klase. Parang walang nangyari kahapon. At mas lalong sumasama ang loob ko dahil doon.
Hinihintay ko nga siyang magpaliwanag, hinihintay kong sabihin niya sa akin ang totoo pero wala.
Ang sakit pa rin ng puso ko. Pati nga iyong ulo ko ay ang sakit na dahil sa kaiisip. Hindi ko alam kung tama itong nararamdaman ko pero nagagalit ako kay Summer. Galit ako sa ginawa niya kay Amasonang Baliw. Hindi ko lubusang maisip kung bakit niya nagawa iyon. Sa apat na taon kasi na naging kaklase ko siya ay hindi siya kailanman umasal ng masama sa kapwa niya. Palabas lang ba lahat ng iyon?
Bahagya akong nagulat nang biglang mag-bell. Nagsimula nang mag-ayos ng mga gamit iyong mga kaklase ko para umuwi, nag-ayos na rin ako dahil pupunta pa ako sa ospital. Paalis na ako ng harangin ako ni Summer.
"Kazuo, pwede ba kitang makausap?" tahimik niyang tanong.
Hindi ako sumagot. Gusto ko ba siyang kausapin?
"Please?"
Tumango nalang ako at sinenyasan ko siya na mauna siyang maglakad. Doon siya sa rooftop nagpunta.
Naupo siya doon sa bangko na upuan namin nila Kokoy kapag tumatambay kami doon. Hindi niya ako tinitingnan, nananatili siyang nakatingin sa malayo.
"Ayos ka lang?" tanong ni Summer.
Gusto ko siyang tawanan. Anong sagot ang gusto niyang marinig? Na ayos lang ako? P*t*ng*n*! Hindi ako okay. Paano akong magiging okay kung palaging ang sakit na pinag-daanan ni Amasonang Baliw ang pumapasok sa isip ko? Paano ako magiging okay sa kabila ng lahat ng nalaman ko kanina? Hindi nalang ako sumagot. Ayokong mag-simula kami sa kasinungalingan. Gusto kong marinig at makita ang totoong Summer.
"Kaibigan namin ni Spring si Red noong mga bata pa kami, siya yung kuya namin sa playground" tahimik na sabi ni Summer. "At totoo ang lahat ng sinabi niya doon sa ospital."
Paano niya nagagawang kasuwal na sabihin ang pangalan ni Spring? Muling bumalik iyong mga naramdaman ko noong naririnig kong ipinaaalala ni Red kay Summer iyong mga ginawa niya kay Amasonang Baliw.
Narinig kong tumawa si Summer. "Huwag kang mag-alala, hindi ko sinasabi sa'yo to para bigyan mo ako ng simpatya. Konti siguro. Pero gusto kong sabihin sa'yo to kasi ang bigat sa kalooban."
"Gusto mong tulungan kitang mag-dala niyan?" tanong ko. Hindi sinasadyang naging pilosopo ang labas nang tanong ko pero gusto ko rin namang malaman iyong rason niya.
BINABASA MO ANG
That Gangster Girl is a Devil
Teen FictionBilang miyembro ng gang na Andromeda, isang bata si Kazuo Enriquez na ang alam ay away-kanto. Pero nang makilala niya si Spring Villanca ay nabago bigla ang buhay niya. Ang away-kanto niyang libangan ay nauwi sa pagkaka-sangkot sa isang malaking gan...