Alaala By Angela Gloria

43 1 0
                                    




           

Lahat ng tao may kwentong hindi nila kayang sabihin.
Lahat ng tao may kwentong gusto na nilang kalimutan.
Lahat ng tao may kwentong gugustuhin nilang basahin ng paulit ulit twing gabi dahil umaasa pa rin silang pwede nilang ibahin yung ending..

Ano nga bang magandang simula  ng isang kwento?

Yung tipong magkakabanggaan ba yung dalawang tao tapos maiisip nila na baka siya na? Yung may dadating na bagong transferee tapos parang magsslow motion yung paligid tapos maririnig mo kung gaano kabilis yung tibok ng puso mo?

O baka naman.. Yung ipinakilala siya nung kaibigan mo or nagkita kayo sa Jollibee o mcdo at naging close kayo at nagkatuluyan.

Ano nga ba talaga ang magandang simula ng isang kwento?

Ang hirap sagutin noh?

Kasi halos lahat yata ng tanong sa buhay natin ang hirap hirap sagutin. Pero eto tayo, hindi napapagod magtanong pero wala rin namang sumasagot.

Ako nga pala si Laurice 3rd year college. 18 years old. Writer ako sa school newspaper namin. To be exact? Sa story column ako. Ako lang naman yung nagsusulat ng mga love story na hanggang sa imagination ko lang naman tapos shineshare ko sa iba para kiligin din sila. Yeap, that's me.

Iniisip niyo siguro may boyfriend ako tapos kakabreak lang naming tapos yun yung ikekwento ko? Hindi noh!

Mahilig lang ako magobserve.

Yung mga tao na nakakasalubong ko sa daan. Yung mga nakikita ko sa jeep, sa bus, sa lrt. Pakiramdam ko kasi pag may nakikita akong nakasimangot, nakangiti o mukhang stressed? May mga kwento sa likod nun. Alam mo yun? Bawat tao may kanya kanyang kwento.

Isang maulan na gabi ngayon. Sa gantong panahon masarap uminom ng kape. Kaya naisipan ko na pumunta sa pinakamalapit na coffee shop. Mas masaya magsulat ng storya dito. Konti na lang matatapos ko na tong bagong storya ko na ipapublish sa next school paper namin. Narinig ko ng yung tawag ng barista para sa inorder ko at agad akong naglakad papunta sa counter ng biglang...


BOOM!

Sumabog lang naman sa katawan ko yung coffee na inorder ko agad agad dahil sa lalaki na to na bigla bigla na lang susulpot sa likuran ko. Syempre tinignan ko agad ng masama. Nakakasira ng mood eh. Nawalan tuloy ako ng gana ituloy yung story ko ngayon. Bukas pa naman yung deadline nun!

"Ano ba kuya? Bakit bigla bigla ka sumusulpot? Tignan mo nangyari sa damit ko"

Sabay irap ko sakanya.

Makauwi na nga lang nakakainis talaga. Pero bago pa ako makalakad bigla niyang hinila ang braso ko.

"You look familiar."
Oo familiar ako! Ako lang naman yung tinapunan mo ng mainit na kape. Kainis to hindi man lang magsorry. Pero oo infairness ang gwapo. Lalaking lalaki. Walang manners nga lang.

Hindi na lang ako nagsalita at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko sabay labas ng coffee shop.

Habang naglalakad biglang pumasok sa isip ko yung lalaking yun. Ewan ko ba bakit eh. Bakit parang magkakilala na nga kami? Hay bahala na nga kailangan ko muna tapusin to. Nasa kwarto na ako at nagpalit agad ng damit. Habang nagtatype sa laptop ko biglang bumukas yung pintuan.

"Nak? Labas ka muna dyan may bisita tayo." Bisita? Gabi na ah?

Hindi na ako nagabalang magayos pa at bumaba na agad ako dahil kahit naman anong gawin ko mukha na talaga akong stress palagi. Habang pababa ng hagdan naaaninag ko na ang tatlong tao na nakaupo sa sofa namin. Teka... YUN YUNG LALAKI KANINA HA!!! ANONG GINAGAWA NYAN DITO SA BAHAY NAMIN! KASAMA PA SILA TITA AT TITO?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alaala (One Shot Story)Where stories live. Discover now