JAINIE'S POV
Pasimple lang akong pumunta sa katapat nung stall na pinagpipilian niya. Kunyare di ko siya napansin. Pasulyap sulyap lang ako. Infairness, gwumapo siya at ang macho niya pa rin.*Ehem*
Pagtingin ko sa kanya nang tuluyan ay nakatingin siya sakin!!! Kinikilig ako sa utak ko pero nagkunwari akong gulat. Yung laglag panga at mala kwagong mata sa sobrang laki, ganern. After a few seconds, siguro mga 30, nginitian ko ang gulat na siya.
"Hi Liam! It's been a while," nakangiti kong saad at tinignan ko ang sapatos na hawak ko. Hmmm... Pwede na siguro to. Antagal naman ni Liam magsalita. Aissshhh.Napatingin ulit ako nung mag eherm siya.
"*Eherm* Yeah. Been a while. Kumu---" napatigil siya pagsasalita nung may sumulpot na babaeng buntis. Maganda siya at medyo mababa sakin."Nandito ka lang pala Honey. Tapos ka na?" Nakangiting tanong nung babae kay Liam. Na sa tingin ko ay ASAWA niya. Honey daw eh. Gusto kong maiyak. Pagkatapos ay tumingin sakin ang ASAWA niya at nginitian ako, ganun rin ako sa kanya.
"Hi there! I'm Gillian, Gia for short. How about you? Kaano-ano ka ni Honey?" Nakipagbeso siya sakin. Wow. Magkapangalan pa sila. Meant to be?"Ahhmmm. I'm Jainie, Jai for short. Nice to meet you too Gia," polite kong sabi na nakangiti opkors. Out of no where ay sumulpot si Jecho.
"Nie (Ni). Nandito ka lang pala. Kala ko kung asan ka na. Wag ka nang lalayo pa ah?" Hala siya! Ba't dala niya si Baby Jill? Sabi ko sa bahay lang. Pano yan napunta dito? Mukhang kagagaling lang sa pag-iyak.
"Moma," giit nung bata at gustong lumapit sakin. Ibinigay naman ni Jecho si Baby Jill sakin at kinarga ko.
"Ayyy. Gia, Liam, nga pala si Jecho, at ito naman si Baby Jill. Echo, si Gia at Liam nga pala," pagpapakilala ko.
"Anak mo?" tanong ni Gia.
Gilliam's POV
Eh di siya na ang naka move on. Siya naman yung nang-iwan eh. Psh. Mas gwapo naman nga ako dun sa aso niya.Biglang umatungal ng iyak ang anak niya.
"Moma, I want tchu eatt," sabi pa ng anak niya.
"Okay baby. We are going to pay these shoes okay? Then we will eat," sabi nung Aso sa bata. Si Jai naman ay tumingin samin na parang humihingi ng paumanhin.
"Ahhmmm. Mauna na kami sa inyo. Gutom na kasi si Jill eh. Next time na lang ulit?" alangan niyang paalam. Ganyan ka naman dati eh. Psh.
"Oo nga eh. Sige. Kami rin. See yah!" nakangiting sabi ni 'Ney kay Jai. Tumingin naman sakin si Jai, tinanguan ko lang siya. At sabay silang umalis nang Aso niya.
"Halika na?" aya ko kay 'Ney.
"Sige," masayang tugon ni ate. Kung alam mo lang ate. Eh hindi mo alam. Dumiretso kami sa isang fast food. Matapos mag order ay nag-kwentuhan kami hanggang sa mapunta ang topic namin sa nangyari kanina.
"Ang ganda nung Jainie, yung kanina," sabi niya na ikinasamid ko. Fvck.
"Crush mo yun 'no? Imamatch-make ko sana kayo kaso taken na pala. Infairnes rin at ang sexy niya kahit may anak na siya. Goals. Sana ako rin," sabi ni Buntis. Ex ko siya 'Ney! EX!
"Hindi ah. At saka maganda ka sa paningin ko kahit na anong hitsura mo pa ang taglay mo," banat ko sabay kurot sa pisngi niya. Yun kasi ang favorite niya. Natawa naman siya at mahina akong hinampas sa braso.
"Banat mo bulok," natatawa niyang sabi. Ngumiti lang ako.
YOU ARE READING
Cursed Bracelet
Short StoryWhat if you lose someone because you made a permanent decision for a temporary emotion?