You're Back (His POV)

7 0 0
                                    

》Harris Samaniego's Point Of View《

"Harris, hindi ako dito magdi-dinner mamaya kaya mauna ka nang kumain," wika ni Kuya Henry habang inaayos ang laylayan ng long sleeves. Nandito kami sa harap ng hapag at papasok na siya sa ospital na pagmamay-ari namin samantalang ako ay pinag-iisipan pa kung papasok.

"May date ka? Bago yan ah. Nakahome base ka na?" tumatawa kong tanong sa kanya na ikinangiwi ng labi niya.

"Hindi mo magugustuhan 'pag nakahome base ako sa date ko ngayon." Kumunot ang noo ko na ikinatawa niya naman.

"Biro lang, bro. I'm a gentleman so I won't do that on our first date, maybe on second." Tumatawa pa ding wika niya habang tinapik-tapik ang balikat ko at tumayo na para makaalis.

Nang matapos kong inumin ang kape ko ay nagpasya akong papasok na lang tutal wala din naman akong gagawin dito sa bahay. Mag-iisang taon na din simula nang ipatayo ang photo studio na ako mismo ang may-ari. Taking pictures is her favorite hobby since I saw her and I learn to love it. I learn to love everything she wants. I love her and I will love everything about her.

It's been two years since she left just the day after our graduation. Hindi niya nagawang magpaalam sa akin, she didn't even try to communicate with me until now. Hanggang ngayon naghihintay pa din akong gumawa man lang siya ng paraan para makausap ako, para makita man lang ako. Ginawa ko na lahat ng paraan para mahanap lang siya pero malupit talaga ang pagkakataon dahil hindi niya pinapayagang makita ko siya. Gusto nang sumuko ng utak ko pero lumalaban pa din ang puso ko kaya nagpapakatatag ako para hindi mawalan ng pag-asa.

"Sir, dinner. Birthday ni Mona libre niya," anyaya ni Peter, isa sa mga photographer.

I glance at my Lacoste wrist watch which was her birthday gift three years ago. The day has ended, I didn't even notice. I make myself busy taking and editing pictures.

"Sure, wala din naman akong kasama mag-dinner," I answered after shutting down the computer. "Saan ba tayo? Sa kotse ko na sumakay ang iba."

"Nagpareserve na ako sa isang restaurant sa Greenbelt. Sa'yo na ko sasabay," sagot ni Mona na kumapit pa sa braso ko habang palabas na kami ng building. Matagal ko nang alam na may gusto siya sa akin pero binabalewala ko lang dahil aminin ko man o hindi, hindi pa din ako nakakalaya sa dati kong pag-ibig.

Umiling lang ako at pinatunog na ang kotse para makapasok na. Dumiretso na ako sa driver's seat, papaandarin ko na sana ang makina nang magsalita si Mona na nasa gilid ko. At kami lang dalawa.

"Do you know the word gentleman?" tanong niya.

Tinawanan ko lang siya at pinaandar ang kotse. Hindi ko na lang papansinin ang pagtatampo niya dahil ayokong sirain ang birthday niya.

Nang makarating kami sa restaurant na puro seafoods ang ino-offer ay hinatid na kami ng waiter sa mesang pinareserve ni Mona. Favorite ko ang seafoods... namin. Halos lahat na lang ng gawin ko siya ang naaalala ko. Walang duda na sa loob ng halos dalawang taon hindi ko pa din siya magawang kalimutan dahil kahit saan ako magpunta, kahit ano ang gawin ko at kahit kanino ako tumingin; siya at siya pa din ang naaalala ko.

Madaming putahe ang nakahain at nagsimula na kaming kumain. Mamaya ay may kaunting inuman din. Gusto ko sanang tumanggi pero hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na nila ako.

"Harris baby, don't you ever say bad words!" Itinaas pa ni Mona ang kanyang hintuturo at inilapat sa aking ilong. "You might regret it." At isinubo ang hipon.

"Sir naman, minsan lang. Pagbigyan mo na," wika pa ng isa naming kasama.

"Okay okay, since Sunday naman bukas," I announced and they all cheered, Mona even hugged me. Sa tagal na kasi naming magkakasama, ngayon lang nila ako makakasama ng matagal.

You're BackWhere stories live. Discover now