Part I

3 0 0
                                    

PART ONE

"Wala pa si Joshua baka maya maya pa ang dating nya, itetext nalang kita mamaya pag dumating na sya para maayos na yung laptop mo okay?."

"Sige Elise salamat."

"O ayan na pala si Joshua, Joshua may magpapagawa ng laptop sayo." bungad sakin ni Elise habang papalapit ako ng gate ng tinitirhan namin.

"Ah osige, ano ba sira nito?" sabi ko habang sinusubukan kong ion ang laptop ngunit ayaw nitong magon kahit isang ilaw man lang ay wala kaya alam ko na ang sira nito. "Sige, ako na bahala dito, balikan mo nalang bukas ng umaga sure tapos na din ito."

"Sige po, salamat po alis napo ako." paalam ng may ari ng laptop.

"Parang kaaga mo yata umuwi ngayon?" tanong sakin ni Elise habang nagpapalit ako ng uniform ko sa Coffee Shop.

"E wala naman nang masyadong gagawin kaya naisipan ko nalang na umuwi para maaga na din makapasok sa Moipang ilang beses na din ako nawawarningan dun dahil palagi akong late." sabi ko at tinabihan ako ni Elise.

Si Elise ang kasama kong nangungupahan dito sa bahay, Tita nya ang may ari nito kaya medyo mababa lang ang binabayaran namin, school mate ko si Elise at kumukuha ito ng nursing na kurso, matagal ko nang kaibigan si Elise simula pa ata nung mga  1st year college kami ay sya na ang lagi kong nakakasama. Nagkakilala lang kami sa loob ng university kung saan noon ako ay papasok sa di ko naman alam na kuta daw pala ng mga mayayabang na grupo doon sa school namin kaya kung di nya raw ako napigilan ay baka magkulay pasa nalang daw ako paglabas ko doon. Kaya yun ang palagi nyang pinapaalala sa akin kahit hanggang ngayon  nakakatuwa nga e sobra nyang daldal pero ako ay sobra namang tahimik noon pero ngayon nagbago nakp marunong nako makitungo sa iba dahil natutunan ko iyon kay Elise. Pero meron akong isang sikreto na ayaw kong malaman ni Elise yun ay ang pagiging bisexual ko. Alam ko naman na mahirap umamin lalo na at kung alam mong baka magbago ang tingin niya sayo na ayaw na ayaw kong mangyare.

"Lis aalis nako, iwan ko na sayo tong laptop. Baka malate pako e." aligaga kong paalam sa kanya sabay sukbit ng bag ko palabas ng gate.

"Hoy teka, tapos na ba ito? Baka naman di mo to ginawa ha?" pahabol niya kaya napahinto ako panandalian sa labas ng gate.

"Oo, tapos na yan. Basta itabi mo. Sige paalam alis nako." paalam ko at pumara nako ng taxi.

"Jusko, ichacharge lang pala tong laptop nato ayos na, sana ako nalang gumawa ng may pera sana ako!" si Elise.

--

Pagkarating ko palang sa coffee shop ay medyo wala pang gaanong customer kaya mabilis akong nakapasok dahil may 10 mins pakong time para mag ayos pa ng sarili. Pumasok ako sa locker room at naglagay ng konting pabango, konting wax sa buhok para dagdag appeal. Nang matapos ako sa pag aayos ay nilagay ko na ang mga gamit ko sa locker ko at sinimulan ko na ang trabaho ko, isang taga serve ng mga order ng customers.

"Maaga ka ata Josh? Anong nakain mo at maaga kang pumasok?" bungad sakin ni Third habang pinupunasan ko ang mga fork and spoon na gagamitin sa pagseserve.

"Maaga kasi nagpauwi prof namin tsaka takot na din ako mawarningan ni boss, alam mo naman halos malagot ang lalamunan nun kung manermon." sabi ko kaya natawa ito. "Sabagay tama ka don, nga pala nabalitaan mo naba na aalis na si Boss dito sa katapusan nitong buwan." biglang salita ni Third dahilan para mapatingin ako sa kanya pati narin ang ibang mga crew kaya nagsilapitan na kami sa kanya na tila ba may inaabangan sa kanyang mga sasabihin bagamat alam kong halos tumalon na sa tuwa ang mga puso nitong mga katrabaho ko.

"Oo, teka wag kayong maingay baka marinig ako takpan niyo ko dali...." utos ni Third na sya namang ginawa namin upang di sya marinig.

"Totoo yun na aalis na si Boss pero may papalit sa kanya, yung nag iisa nyang anak na si Arm kaya uuwi dito yung anak nya upang sya ang papalit sa Mama niya." bulong saming lahat ni Third kaya ako naman ay medyo nakahinga ng maluwag, okay na yum basta wag lang ang bruhang boss namin. Kitang kita ko sa mukha ng iba na may natuwa, medyo natuwa syempre isa ako don, tuwang tuwa, at parang kinikilig. "Hoy, Magda anong itsura yan? Kinikilig? Para kang kinakiliti dyan!" pang inis ni Third kay Magda na syang cashier namin dito.

Forever Yours (2017) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon