Skylar's POV
*airplane bell*
Nagising ako sa announcement ng piloto na naglanding na kami sa destinasyon ko, tinitignan tignan ko ang paligid at tama ako, nasa airport na kami ng Bangkok.
Naglalakad ako sa lobby ng airport daladala ang maleta ko, susuduin ako ng pinagbilinan ng daddy ko na naninirahan sa Bangkok.
Skylar Timothy Escolar
May nakita akong signage na may nakalagay na pangalan ko, hawak hawak to ng isang medyo matandang lalaki, nasa 40's na siguro.
Lumapit ako sa kanya at ngumiti
" Sawad-----sawadee krap?" sabi ko, di pa kasi ako bihasa sa main greetings sa Thai language.
"Hello hello, are you Skylar Timothy?" tanong niya
"Yes yes, I am Skylar"
Nilabas ko ang ID ko at pinakita sa kanya
Sinenyasan niya akong sumama at hinila niya ang isa kong maleta na hawak hawak ko.
"So why did you pick Thailand to study?" tanong niya habang nagdridrive siya
Nasa van ako ngayon at papunta sa titirhan kong apartment. Sa totoo lang ay afford naman ng parents ko na bumili ng isang bahay sa isang subdibisyon or sa isang condo dito sa Bangkok pero pinili ko na tumira sa isang apartment na malapit sa school na papasukin ko
"I always wanted to come here P, I am a fan of thai actors and the shows and series that I am watching"
A/N: P/Phee = isang panggalang sa nakakatanda sayo.
Totoo naman, addict na addict ako sa panonood ng thai shows especially yung mga boys love or yaoi na tinatawag nila sa Japanese.
Ngumiti at tumango lang si kuya na nagdridrive.
Mga ilang minuto ng pagtitingin mga buildings sa window ng van, nagpark kami sa harap ng isang apartment. Makikita mo na marangya ang design ng building, sa pintuan, mga bintana at kurtina.
Si daddy talaga, iniispoiled ako, kahit anong pilit ko na sa isang simpleng apartment na lang ako maninirahan, pinili niya parin ang marangyang apartment
Bumaba si kuya driver at pumunta sa likod ng van upang ibaba ang mga maleta ko.
Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng sasakyan at bumaba na din.
Nag inhale ako ng malalim sabay buga.
Di ako makapaniwala na andito nako sa Thailand, parang kelan lang nung iniimagine kong makakapunta ako dito."You can go buy some food at the 7eleven there" sabi ni kuya driver sabay turo niya sa 7eleven sa gilid ng apartment
In fairness kay kuya, alam niya mag English.
"Okay P" tapos nag wai ako sa kanya
A/N: Wai = yung parang magprapray ka, na idikit mo yung dalawang palad mo tapos yuyuko ka sa mga nakakatanda sayo.
Pumasok ako sa 7eleven, may mga taong kumakain sa mga benches ng store at may mga envelopes sa mga mesa nila, sa tingin ko mageenroll din sila sa university na papasukan ko.
"Uhmmm do you sell simcard?" tanong ko sabay ko nilagay yung mga pagkain sa counter.
"No english no english". Umiling yung cashier na babae
"Shit, pano ba to? Hmmm" Bulong ko
Hinugis ko yung kamay ko ng maliit na rectangle para magets niya.
Nagtanong siya in thai
Shet mapapasubo ako dito, sumilip ako sa labas.
Sumilip ko sa labas pero wala si manong driver baka di pa siya tapos ilipat mga gamit ko.
Kinamot ko ulo ko, balak ko sana tanggaling ang likod ng cellphone ko nang....
T*"Gusto niya bumili ng simcard"
May nagsalita sa likod ko.Tinignan ko kung sino.
Isang lalaking matangkad ang pumunta sa tabi ko.
T*"Simcard ang gusto niyang bilhin"
sabi niya.Di ko alam kung tama yung sinabi niya kasi nagsalita siya in thai.
"Chai" sabi ng cashier
A/N: Chai = yes in Thai
Nagpunch siya ng isang simcard kasama ng mga bilihin ko. Buti nalang may tumulong saken.
"Thank you" sabi ko sa kanya
Tumango lang siya na parang nairita. Nakita ko yung adams apple niya na napakatulis. Shet, ang gwapo niya!!!!!
Kinuha ko na yung mga binili ko pero tinignan ko siya sa likuran ko nung palabas ako.
Di na siya tumingin saken.
Pero alam ko di ko makakalimutan ang mukhang yun.
-------------------
Napahiga nalang ako sa higaan ko kasi napagod ako pagkatapos ko ayusin yung
mga damit ko sa cabinet ko.Umalis narin si kuya driver, na ang pangalan pala ay Thinipoom. Ang komplikado talaga ng thai names. Binigay niya ang phone number niya saken incase kung may kakailanganin ako.
Shet, di parin ako makapaniwalang andito nako sa Bangkok Thailand. Di ata ako makakatulog nito.
Tinignan ko ang orasan, 8pm na.
Kailangan ko ng matulog kasi mageenroll pa ako bukas.
At sana, makita ko ulit si kuyang pogi :)
-------------------
A/N: So okay lang ba lahat guys? Hahahaha sorry kung medyo di maganda story kasi first story ko palang hahaha. Please comment and vote para mamotivate akong ipagpatuloy tong story ko :)
BINABASA MO ANG
Love Without Tragedy
Roman d'amourSkylar, a Filipino guy yaoi lover, migrated to Thailand to study and to fulfill his dreams. Everything was right until he found out that there are consequences on that decision he made, and it will change his life forever