Sinabihan ng mga katagang "di ka kawalan"
Pero bakit tila takot na ika'y lumisan?Paulit-ulit na sinabihan ng "di ka kawalan" ngunit sa pag tagal ng panahon ito'y naging kabaliktaran
Sinabihan narin ng " di kita iiwan" dahil ayaw kita saktan.
Ayaw din kitang iwan dahil takot akong ika'y maglaho saking tabi.Bakit ba ganito nalang kalaki ang epekto mo sakin?
Ganoon ka na ba talaga ka-importante sa buhay ko?Dapat ko na atang pigilan aking nararamdaman...
Dahil ito'y umabot na sa puntong di na kita kayang bitiwan.Alam ko sa sarili ko na lahat ay nagbabago pero umaasa ako na ika'y hindi magbabago at maglalaho
Patuloy akong umaasa at nakikiusap na tayo'y manatili sa ganto.
Hanggang asa nalang ba? O talagang may pag-asa pa?
Di ko alam! Mundo'y tila gumuho ng isipin na ika'y magbabago at mawawala ang TAYO
Tuluyan na nga bang maglalaho ang lahat ng merong TAYO?
Alam mo bang dahil sayo nagbago ako? At sa tingin ko, ako'y magbabagong muli pero sa negatibong paraan
Bumabalik ang madilim na karanasan, tila gustong gumuhit gamit ang kutsilyo, hindi sa papel, sa pader, o sa bato, bagkus sa aking pulso.
Gustong mag pinta gamit ang mga tumutulong dugo mula saking pulso, kasabay ng pag-agos ng luha ko, kasabay din ng pag pikit ng aking mga mata at ng aking pag pa-pahinga..
__
Vote
BINABASA MO ANG
Spoken From The Heart
PoetryMga salitang naglalarawan saking tunay na nararamdaman... Mga salitang kay tagal na itinago Dahil di alam kung paano Mga salitang gustong sabihin ngunit di mailabas.. FOR ANYONE...