Aklat ng ikaw at ako, mali, T A Y O

10 0 0
                                    

Hindi pa tapos ang ating kuwento
Ilang taon na natin itong binubuo
Wala naman akong balak na huminto
Natutuwa lang ako na nakaabot dito

Ilan na ba ang mga yugto,
Ilan na ang mga eksana at tagpo
Sa bawat oras minuto at segundo
Na meron ang isang araw natin dito sa mundo

Sa bawat segundo
Maraming nabuo at maari pang mabuo
Sa bawat minuto
Sinasalaysay ang kuwento ng ikaw at ako

Sa isang oras
Ilang pahina ba ang nasusulatan
Sa bawat araw na tinuturing na hiyas
Pahaba ng pahaba ating salaysayan

Nakatutuwang isipin na
Patuloy sa pagtakbo ang mga memorya at eksena
Paulit ulit na tayong dalawa ang ibinibida
Paulit ulit pero tayo mismo ay hindi nagsasawa

Masyado na atang makapal ating libro
Hatiin natin ito
Parte parte para kahit hiwa-hiwalay na libro
nasa iisa padin tayong kuwento

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Spoken From The HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon