Mag-iisang Buwan ko nang tinititigan si kuya Generic
AYY MALI.
Mahigit isang Buwan ko na palang sinisilip si kuya Generic
habang tumatagal. NAIINLOVE NA ATA AKO.
Ugh. Ewan ko ba pero everytime i see him parang nagdu-dub dub yung dibdib ko
Actually kabisado ko na ang schedule nya
Monday
Wednesday
Friday
Saturday
Minsan nakikipagpalit sya ng schedule at ewan ko ba kung bakit xD
"hoy bilisan mo dyan mag-ayos at magi-start na ang graduation ni kiya vanne mo" Tapik sakin ni mama
* * * * *
"parang maaga pa naman ehh" Pagrereklamo ko mama kasi may nakikita pa akong studyante na gagraduate din and nagaayos pa sila
"para may pwesto tayo" Sagot naman sakin ni mama
Napahinto ako ng bigla kong makita si kuya generic
Naka-tokong lang sya and white shirt. Pero ang astig nya tingnan sa damit na yun kaya lalong nakaka-Inlove ugh.
"mama si kuya generic ohh" Sabi ko kay mama sabay nguso sa direksyon ni kuya generic
oo. kilala ni mama si kuya generic kasi lagi ko sa kanya tong kinukwento and everytime na bibili si mama ng ulam sinasama nya ako para daw masulyapan ko si kuya generic
"Picturan natin" Sabi ni mama at hinihigit sa akin ang Camera na hawak ko
kinabahan naman ako agad kaya agad kong tinago sa likod ko ang camera
"Mama wag ~!! May flash ang camera ko ~!! and baka mahuli nya pa tayo. kaya tara na" Sabi ko sabay hila kay mama
paglingon ko. nakasakay na si kuya generic sa motor nya at saka ito nagmaneho palabas ng school
Actually yung motor nya din ang palatandaan ko kung nandun ba sya sa pharmacy o wala. kapag kasi nandun ang motor nyang blue ibig sabihin nandun din sya xD
* * * * *
ugh ang dami nilang gagraduate kaya naman gagabihin kami ng uwi. nandito kasi kami para suportahan ang gwapo kong pinsan xD
"bibili lang ako ng makakain. dyan kalang baka kapag sumama ka ehh mawalan tayo ng pwesto" Sabi ni mama sakin at saka ako iniwan magisa dito T______T
Habang nanunuod sa ceremony ng graduation nila
Biglang dumaan si kuya generic sa harap ko and may mga kasama syang lalaki na hindi naman ganun kagwapuhan. mga may dating lang
"kuya generic" nakatingin kong sabi sa kanya pero mahina lang and im sure hindi nya yun narinig tsk
"Bro. Tawag ka. Hahahahahahaahaha. Kuya generic daw" sabi ng isang lalaking kasama nya
PAK. Bakit narinig nila yun ?! ehh mahina lang naman ang pagkakasabi ko >_<
"g*g* manahimik ka" Rinig kong sabi ni kuya generic sa lalaking nakarinig ng sinabi ko
UGH. NAKAKAHIYA TALAGAAA BADTRIP.