Simula

17 1 0
                                        



"Mom, please don't do this". Pagmamakaawa ko kay Mommy dahil baka mag bago pa ang isip nya na ipakasal ako.

"Victoria, my decision is final at isa pa ano pa bang problema? I know that you and him are both in love with each other". Aniya na ikinapanglumo ko. Hindi na talaga magbabago pa ang desisyon nya.

"Mom please I'm still not ready for getting married at this age."

Alam kong laki sa layaw ako pero hindi ako papayag na iba ang mag didisisyon sa buhay ko.

"Victoria, please stop insisting me to change my decision everything is already set on plan at hinding-hindi na tayo puwedeng umatras pa".

Inaamin kong mahal na mahal ko ang lalaking gustong ipakasal sa akin ni Mommy at alam kong mahal nya rin ko.

3 months ago he proposed to me but I declined his offer at alam ko na hindi nya yun inaasahan kaya medyo nagtampo sya sa akin.

Tama lang ang ginawa ko. Hindi kailangan mag madali dahil kung kami talaga ang para sa isa't-isa tadhana na ang gagawa ng paraan.

Bukas uuwi na kami sa Pilipinas at pagkatapos ng dalawang araw ay magpapakasal na ako sa kanya.

"Mom, I hate you for insisting me to marry that man!"

Ayaw kong magpakasal kaya kung walang pipigil ako ang pipigil sa mismong kasal ko.

Isang sampal ang isinagot sa akin ni Mommy dahil sa pagsigaw ko sa kanya.

"Victoria, ibinigay ko sayo ang lahat-lahat ng gusto mo kaya please kahit ito lang mapagbigyan mo. I'm doing this for your own sake."

Lumaki ako na walang ama kaya lahat-lahat ng gusto ko ibinibigay sa akin ni Mommy pero nang nag grade six na ako medyo napapabayaan nya na ako dahil naging busy sya kompanya buti nalang nandyan si tita para gabayan ako pero hindi naging sapat yun dahil mas gusto ko pa rin ang kalinga ni Mommy kaso imbis na yun ang ibigay nya mga material na bagay ang ibinigay nya sa akin.

Gusto kong magalit kay Mommy pero lagi naman siyang wala noon kaya hindi ko rin maibubunton ang galit ko kaya nakisabay nalang rin sa ako sa kanya. Humingi ako ng kahit ano. Bili doon bili dito pero hindi ko aakalain na sisingilin nya pala ako.

"You're doing this for my own sake or your doing this for your company?" I asked with sarcasm own my tone.

"I'm doing this fot the both of us." Sagot niya.

Simula ng lumago ang kompanya lagi nya nalang dito itinutuon ang lahat ng atensyon nya.

"Ginagawa mo ito para sa kompanya mo at hindi para sa akin at para mas lalo pa itong lumago ako ang ipagpapalit mo para mas lalong mapagtibay ang partnership ng kompanya mo sa Hechanova enterprises".

"Kung yan talaga ang iniisip mo hahayaan kita pero ginagawa ko ito para mabigyan ka ng magandang buhay."

Masasabi kong nagmana talaga ako sa mommy ko dahil parehas kaming nagmamatigas. Kapag gusto nakukuha ko pero kapag si Mommy ang kalaban ko mahihirapan ako dahil pareho kaming hindi magpapatalo.

"Magandang buhay? Kaya kong bigyan ng magandang buhay ang sarili ko kapag nakapag-tapos na ako sa pag-aaral, Mommy. Kung yan lang ipinag-aalala mo hindi mo na ako kailangang ipakasal pa".

I'm Victoria Marie Galvino and I will do everything just to have a good life and I don't need anyone's help.

"Walang papatungahan ang usapang ito, Victoria. Mas mabuti pang magpahinga ka nalang." Aniya bago sya pumunta sa kwarto nya.

Mommy I'm sorry dahil kagaya mo gagawin ko ang lahat masunod lang ang gusto ko.

Pumunta ako sa kwarto ko at nag impake ng iilang damit para sa pagtakas ko. Mas mahihirapan si Mommy na hanapin ako dito sa America kaysa sa Pilipinas.

Pagkatapos kong mag impake tiningnan ko muna kung may iilang bantay pa sa pabas. I'm sure nandyan lang sila sa tabi-tabi.




Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Hersheane. Ang nag iisa kong kaibigan na sumunod pa dito sa akin sa America and after staying her at three months walang pang alam si Mommy na nandito rin sya.

Tatatawagan ko na sana sya ng biglang tumawag si Edsel. Nag aalala ako kung sasagutin ko ba o hindi but at the end sinagot ko pa rin ang tawag nya.

"Hello?" Hindi kaagad sya sumagot ng magsalita ako.

"Edsel, I'm sorry kung nagagawa ko ito sayo. Sadyang hindi pa talaga ako handa na magpakasal. I'm just sixteen."

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Alam kong medyo nasasaktan pa sya sa lahat ng mga ginawa ko at bukod pa doon may masasakit din na salita akong nasabi.

"It's okay. Kung ayaw mo talagang magpakasal pa sa akin ayos lang." Aniya sa kabilang linya. Mahihimigan sa boses nya ang kalungkutan.

"Edsel, alam kong tayo ang para sa isa't-isa pero hindi pa ito ang tamang oras."

"I know. Whatever your decision, I will accept it. Maghihintay ako sayo at pangako gagawin ko ang lahat huwag lang matuloy ang kasal na ito."

His 24, eight years ang tanda niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit siya na inlove sa isang immature na tulad ko, well sabi nga nila love has no limits.

"Edsel, wala na tayong magagawa para pigilan ang kasal dahil nakapag desisyon na sila."

Ang tanging makakapigil lang sa kasal ay ang pagtakas ko.

"I'm sorry kung nahihirapan ka ng ganito."

"I'm sorry din Edsel pero sana makapaghintay ka." I said before saying my last goodbye.


Pagkatapos ng pag uusap namin agad kong tinawagan si Hersheane.

"Nasaan ka na?"

"Nandito na ako sa cafe. Pumunta ka na dito." Aniya sa kabilang linya.

Nang binaba ko na ang tawagan namin dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Siguro naman wala ng nagbabantay.


I'm sorry Mommy for making this but I know this is for the best.

Bago ako makalabas hindi ko inaasahan na makikita ako ni Mommy.

"Victoria! Where are you going?" Gulat na gulat siya ng makita ako.

Agad akong tumakbo palabas ng unit. Alam kong ipapahabol nya ako sa mga bantay niya.


"Victoria, bumalik ka dito!" Si Mommy na sumunod rin sa paghahabol sa akin.

Nang makalabas na ako sa condominium agad ko naman nakita ang kotse ni Hersheane na nakaparada sa harap ng cafe kaya agad-agad akong tumawid.

"Victoria, come back here!" Sigaw ni Mommy and that last word I heard before everything's getting blurred. A car hits me.


"Oh my god. Victoria, Oh no... I'm sorry... I'm sorry..."

Everything is really going blurred. A black Toyota hits me and it caused a very big impact to me.

I can't move. Namamanhid ang buong katawan ko.

"Vi-Victoria don't close your eyes huh... Paparating na ang ambulansiya.."

"M-mommy I'm sorry".

"Victoria, I'm sorry."

"E-Edsel..." Gusto kong makita si Edsel.

"Anak please huwag kang pumikit." Pagmamakaawa ni Mommy.

"I'm s-sorry, Mom." The last word I said before everything's went black.


-End of chapter-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Love, Real LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon