Chapter 1: New Chapter

232 3 1
                                    

              Ito ang bagay na hindi inaasahan ni Oh Se Hun mangyari, ni hindi niya ito kinusedera na mag-kolehiyo at kumuha ng kursong wala siya kasiguraduhan. Ang gusto lang niya ay makapag-trabaho na, ngunit nandito siya, nakatayo sa harap ng napakalaking paaralan.

      

             Hinanda niya ang sarili niya sa pagpasok. Maganda, komportableng tignan ang paligid. Nong siya’y High School pa lang, hindi siya nakapunta sa mga magagandang lugar kahit anong istitusyon ng katulad sa ngayon, kaya hindi niya mapigilang mamangha.

      

          “Papasok pa nga pala ako!” Sinabi ni Se Hun sa sarili nang matauhan siya masyado siyang natutuwa sa paligid. At ayaw naman niyang mapahiya sa klase gawa ng pagiging huli niya.

-

           Ang batang lalaki na may blonde na buhok na hindi bagay sa kan’yang singkit na mga mata ang nakaharap sa pinto ng silid-aralan, nangangamba. Si Oh Se Hun, na hindi makapah guhit ng bulaklak ng maayso kumuha ng kursong ‘Multimedia Arts’. Napa-isip siyang bigla ba’t ‘di na lang IT or Computer Science ang kinuha niya? Ngayon pa niya naisip… baldog na bata.

          “’Di bale, matututo naman ako, kaya nga nasa paaralan eh.” Kumbinse sa sarili.

 

              Binuksan niya ang pinto unti-unti, nang pagkakita niya napakatahimik. Akala niya noong una siya na lang ang hinihintay, wala pa palang tao. May napansin siyang babae na nakayuko, siguro tulog ‘to.

-

 

              Umupo sa  bandang likuran si Se Hun at nakinig sa kan’yang MP3 player para hindi nakakabagod sa paghintay ng himala. Habang nakikinig tinignan niya ang buong silid, punung-puno ng mga Digital Arts ang buong lugar. “Hindi kaya ako mabaliw sa napili kong course?”

              Unting-unti dumadating ang mga studyante, may nakita pa nga si Se Hun na lalaking parang ayaw sa mundo kung makatingin, mayroon pang babaeng mistulang walang pake sa mundo.

    

             Magiging ayos kaya ako dito?

 

-

          Dumami na sila pero ni isa sakanila walang nakipag-usap sa mga bago nilang makakasama. Biglang may tao na dumating, na nakabistida na umaabot hanggang tuhod. At biglang umupo sa harapan nila. Siguradong ito ang kanilang professor.

        

         Hindi naman mapagkaila na napakaganda niya. Big doe eyes, soft looking strands, and rosy pale complexion… sino ba hindi magagandahan sa kan’ya?

         “Good morning!” Biglang lumaki ang mga bangag na mata ni Se Hun nang marinig niya ang professor nila, at sigurado si Se Hun na pati mga kaklase niya ay nagulat din.

         

          “Ma’am, gan’yan po ba talaga ang boses niyo?” Tanong ng isang lalaki na kakarampot ang mga mata.

        “Ma’am? Lalaki ako, dre.” Sabi ng professor nila.

          Sa simpleng araw na ‘to, nasabi ni Se Hun sa sarili niya na maraming hindi kanais-nais mangyayari.

-----------

Here's the first chapter, first palang naman kaya parang walang kwenta pa. Sana may mag-comment. Thanks!

I'll be a Big Fat Liar if I Say 'I Like You'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon