chapter 3

107 4 1
                                    

White

Hindi ko namalayan yung oras ang haba na pala ng tulog ko. Bumaba ako para kumain naabutan ko dun sila papa na kumakain na. Hindi man lang nag aya.

"Oh anak kain na,himbing ng tulog mo." Sabi ni papa kaya tumabi na lang ako sa tabi ni black

"eh papa napasarap tulog ko eh. hehe" pilit na ngumiti sa kanila

"eh ija parang di kayo nag kikibuan ni black ? may problema ba kayo?" tanong ni tita loren. hays kung alam nyo lang napaka laki para sakin ng problemang yun. ewan ko sa kanya.

"hindi naman po sa ganun. hahaha may problema lang po yata sya"sabi ko.tapos tumingin ako kay black at tumingin sa parents nya.

"ma, ok lang naman po ako.baka sya may problema sakin." seryoso nyang sabi. ako pa talaga sabagay ako naman.

"ahh ako wala akong problema noh, masyado lang pong busy sa school,alam nyo na running top po eh hehe."yung tawa ko pang china fake lang. ikaw ba naman kasi ma bestzone. tapos iisang bahay lang kayo.

"by the way may travel kaming tatlo para sa busness maiwan kayong dalawa dito. ayos lang ba? saka 6 months kami dun" tanong ni tita loren

"bakit po ang tagal?" sagot ko abay 6 months ang tagal nun. tapos kaming dalawa lang maiiwan,pano ko syang makakalimutan?

"ok lang po samin diba white ?" biglang tanong sakin ni lorenz kaya tumango na lang ako. kahit pilit lang. hays pano na ba yan?

"oh mauna na kami.mag ingat kayo anak." sabi sakin ni papa at tinapik yung balikat ko. abat ngayon na pala aalis. bakit ngayon lang sinabi. hays buhay parang life.

"anak,alagaan mo tong best friend mo." sabi ni tito dave tapos umalis na sila, ngayon pala ang travel ngayon lang sinabi. hindi na namin sila hinatid kasi huwag na daw pag ka tapos kong kumain umakyat na ako sa taas mamaya kona lang huhugasan pinag kainan namin.

nahiga agad ako at nakatulala sa kisame. paano na yan kasama ko lang sya sa iisang bahay paano ko syang makakalimutan? ahhh kung mag rent na lang kaya ako ng unit, pwede rin naman yun noh. 

tok

tok

tok

"bukas yan." sabi ko sino pa bang kakatok eh kaming dalawa lang andito.

"are you ok?" biglang tanong sakin ni lorenz na kakapasok lang tapos dumeretso sya sa tabi ko at naupo habang ako ay nakahiga.

"yeah. why not?" sagot ko sa kanya. abay ok lang kahit hindi talaga. abay andito sya eh.

"sorry pala sa nangyare kagabi." sabi nya sakin habang nakatingin sa bintana. hmm. anyare dito?

" ok lang yun sige lumabas kana. kaylangan ko ng mag pahinga." gusto ko lang naman na umalis na sya dahil ayokong masaktan pa sa mga sasabihin nya.

"sorry" sabi nya ulit at humarap na sakin kita sa mata nya na gusto nya talaga na patawarin kona sya pero ang sakit parin ehh.

"ok na yun sige umalis kana" pag tataboy ko sa kanya at tinulak tulak kona sa pinto saka sinara ang pinto ng kwarto ko. bumalik ako sa kama at humiga bigla na lang tumulo ang mga luha ko. bakit ganun ang sakit pa rin? kaylangan ko ng umalis bukas para makilimutan din sya.

bakit ba kasi sa dinami dami ng tao sa mundo black sayo lang ako nagkaganito. dapat hindi ehh kasi alam kong hindi pwede pero minahal pa rin kita? hindi naman kasalanang mag mahal eh pero bakit?

hindi ko na lang namalayan ang oras nakatulog na lang ako sa iyak.

kinabukasan bumangon ako para sana pumasok kaso mag hahanap ako ng appartment para sana lumipat muna, para makalimot. pag labas ko andun nasi black sa sa sofa hinihintay yata ako.

"bakit hindi kapa naka gayak?" tanong nya sakin.hihintayin nya yata ako.

"ahh paki sabi na lang sa mga teachers na masama pakiramdam ko." sagot ko sa kanya kahit hindi naman talaga.

"ahh ano masakit sayo? may lagnat kaba masakit ba ulo mo ano? tara punta tayong hospital!!" natatarantang nyang sagot abay concern pa yata pero halata naman sa kanya na nag alala talaga sya.

" ahh hindi ok lang ako pagod lang yata pumasok kana. wag ka ng mag alala sakin." sabi ko sa kanya.

"are you sure? na ok ka lang?" sabi nya tapos hinaplos pa yung buhok ko sa likod. sweet

"oo sige na baka ma late ka." sabi ko sa kanya

"sige call me pag may kaylangan ka." sabi nya tapos kinisan pako sa noo ang sweet no saka lumabas na at sumakay ng motor nya.

maya maya narinig ko ang motor nya na bumabalik. bakit kaya? baka may naiwan, kaya bumalik ako ng pinto para salubungin sya.

"ohh bakit ka bumalik?" tanong ko sa kanya

"babantayan na lang kaya kita?" sabi nya. naku naman bakit ganito to? hays ano ba yan? pano kong aalis nyan?

"ahh hindi na kaya ko na mag isa" sabi ko sa kanya at nginitian sya.

"babantayan kita" ang kulit nya grabe.
"hindi pumasok kana. baka hinihintay kana ni jana ehh. magalit pa sayo" sabi ko sa kanya halata naman sa muka nya na parang nainis nung binanggit ko pangalan ni jina.

"tsk!!! sige kumain kana lang dyan. nag luto ako" pag kasabi nya nun ay kiniss nya ulit ang noo ko at lumabas na. hays kinikilig naman daw ako.

pumunta akong kusina para kumain na. dahil sabi nya saka luto naman nya eh.

ngayon ko lang na pagtanto,bakit kinikilig ako sa mga kinikilos nya ngayon? hays bahala na umakyat na ako sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko na dadalin para bukas. bakit ang sweet nya kanina ano kayang nakain nun? bigla na lang pumasok sa isip ko. bahala na.

hays natapos din. pag katapos ko nag iwan ako ng note na naka dikit sa ref para hindi na sya mag alala at para hindi na nya ako hanapin. lumabas na ako ng bahay tapos pumara ng taxi.

A/N:::

10 votes po para sa next chapter.
follow Guy's

I FEEL IN LOVE WITH MY BEST FRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon