chapter 1

394 10 0
                                    


white

After 7 year's

nandito pa rin ako para kay black. ang tagal na nang friendship namin mula pagkabata. yun nga lang minahal ko sya kahit alam kong mali at walang pag asa.

"white paano mo malalaman Kung mahal ka niya? " biglang tanong sakin ni black bess friend ko diko alam kung bakit bigla nyang natanong,pero kumirot din ang puso ko na baka para kay jina yung tanong nya .

"Simple lang tumalon ka tapos isigaw mo na mahal mo sya, pero kung dika nya sasaluhin, wag kang mag alala, ano bang silbi ko? Diba taga salo pag wala sya? " sagot ko pero sa isip ko lang yun ayoko kasing sabihin sa kanya baka lalo pa akong masaktan pag sa mismong bibig nya lumabas na kaybigan nya lang ako.

"Ano diko pa din alam eh. eh kasi wala pa kong mahal" sagot ko sa kanya tapos humarap sya sakin. pero sa totoo lang kung alam mo lang ikaw talaga ang minamahal ko.

"sabagay.Tara nagugutom na ako " sabi nya napatingin naman ako sa wrisk clock ko 8:00pm na pala tumayo na ako sa kinauupuan ko at sumunod nasa kanya sa loob. pinag mamasdan ko lang sya habang nag lalakad papunta sa kusina.

Habang kumakain kami yung mga parents namin nag kukuwentuhan at kami nakikinig na lang sa kanila.

"Alam mo ija maganda ka naman kaso naman para kang lalaki kung pumorma "sabi sakin ng mama ni black, si tita loren

"Ahh hahaha" ayun na lang ang nasabi ko tapos parang sumeryoso naman ang muka nila at naka tingin sakin.

"Seryoso to anak . Mag pakababae ka nga . Panong may mag kakagusto sayo? Eh mas lalaki kapa sa kanila " sabi ni papa habang nakatingin lang sila sakin. hays bat ba ako pinag uusapan nila eh sa gusto ko yung ganun eh.

"Pa, tita Tito, hindi ko naman po kaylangan na may magkagusto sakin . Kung ano ako ngayon yun napo yun. kung gusto talaga nila ako hindi nila ako pipilitin mag bago,dapat tanggap nila kung ano ako.  Akyat napo ako"paalam ko tutal dahil tapos naman din na ako kumain.

Pag ka akyat ko sa kwarto ko nahiga agad ako at nakatingin sa kisame nito. Hays wala naman silang magagawa kung ganito ako eh.  May pag ka boyish kung manamit . Pero  babae parin naman ako eh.

Bumangon ako sa pag kakahiga at pumunta sa closet ko at tinignan ko yung mga dresses dun at hills at may maikling short at half blouses  saka mga croptop.

"Hindi naman kayo bagay sakin ehh. Kung ipamigay kona lang kaya kayo? " Hays nababaliw na  yata ako pati tong mga to kinakausap ko.

Pero naisip kona hindi pwedeng ipamigay dahil regalo to sakin ni mama na nasa south Korea ngayon.  Pero hiwalay na sila ni papa. Pero dinadalaw naman din nya ako kahit papano.

Nag punta naman ako sa tabi ng cabinet para tignan yung mga make up dito.  Tinignan ko lang ang mga ito at bumalik nasa kama para mag pahinga na.

Bakit ganun na friend zone yata ako kay best friend . Pero alam ko naman na malabo na mag ka gusto sya sakin. Dahil kaybigan ko ang gusto nya...  Ang sakit lang lalo na pag nag papatulong sya sakin.

Ang manhid lang tang*a.  I hate my damn feelings . Hanggang kaylan ba ako mag papakatanga sayo?  Hanggang kaylan kaba manhid lintik kasi na pag ibig to naimbento pa kasi...

Maya maya may naramdaman na lang ako na may mainit sa pisnge ko umiiyak na pala ako.  Pinunasan kona lang ito at natulog na.

Kinabukasan

I FEEL IN LOVE WITH MY BEST FRIEND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon