~1: 7 Berdugo

36 0 0
                                    

Oh my God! Kakahiya talaga yung ginawa ko.

Pero yaan na nga yun, pasalamat pa nga siya pinag pala ng maganda kong kamay ang kaniyang matipunong dibdib.

Pero, infairness macho talaga si kuya, bwahahaha

“ Oy the, parang may iniisip ka na namang kamanyakan dyan sa tabi..” sabi ni Jovi

“ Ang galing mo talaga friend, I love you na talaga, nababasa mo talaga iniisip ko..” niyakap ko pa siya.

“ Psh, kahit sino naman malalaman yung iniisip mo eh.”sabi n gaming madrasta na si Axcel.

Ewan ko ba sa babaeng to, lagi na lang akong pinagsusungitan.

“Sige nga , anong iniisip ko?”

“ Iniisip mo kung pano mo hahalayin yung  lalaki kanina na na-chansingan mo.”- Axcel

“ Oy friend mali ka po kaya,hinahalay na niya sa utak niya yung kaawa-awang lalaking nakita natin kanina.” – Joziel

 Ay hindi pa pala ako nag papakilala, ako nga po pala si Heart Evangelista, nakatira po sa bahay na may poste , bubong at sahig. But seriously, my real name is Heart dela Vega, 18 years old, pero tulad ng totoong Heart Evangelista ipinanganak din ako nung valentines day kaya Heart ang name ko. Galing ng nanay ko mag-isip ng name noh?

Kung inaaakala nyong manyak ako, pwes  hindi lang ako ang nag- iisang ganon no, itong mga balahura kong mga kaibigan ay mas masahol pa sa akin.

Ang tawag nga sa amin ng mga kaklase naming ay

TENENTENEN!!!

Ang PITONG BERDUGO!!

Ako

Joziel Garcia

Jovi Anne May Amparo

Axcel Rose Ocampo

Juliette San Sebastian

Eunice Soriano

Maria Alexis Trinidad

Walang basagan ng trip kung pare-pareho kaming malulumot an mga utak. Lagi ko ba naman silang kasama kaya hawa-hawa na kami ng mga iniisip. Hahaha

“Oy gusto nyo?” Aya ni Juliette sa kinakain niyang parang cup cake.

“Oy bal! San kayo bumili? Bukas ba yung canteen?” Sabi naman ni Joziel. Bal ang tawagan nila short for kambal . Halos mag kamukha na kasi silang dalawa eh,

“ Dyan lang kami bumili sa tapat ng building ng mga engineering, hoy Heart na baboy ka bumili ka nga ng iyo dun” Saway sa akin ni Alexis habang pilit akong kumukurot sa kinakain niya.

“ Penge lang eh, Ang damot mo talaga.” Reklamo ko habng sinisimot yung daliri ko.

Oy huwag kayong mandiri jan, as if naman na hindi nyo rin gawain yon.

“ Ang hirap kayang bumili doon, ang daming taong nakasiksik.”- Alexis

“ Kelan pa naging patay gutom ang mga estudyante ng University na ito?” tanong naman ni Eunice

 Nasa isa kaming shed na may mesa sa gitna tapos upuan sa paligid nun. Bakasyon na kasi at ngayon yung kuhanan ng mga grades namin, kaya sa malamang sarado yung canteen na pinaka malapit sa amin.

“ Try nyong bumili di ba?”- Juliette

“ Wala nga kaming pera eh.” Ako

“ Parang sampung piso lang eh.”- Alexis

“ Mahal naman nyan.”-Joziel

“ At least gwapo yung tindero.”-Alexis

“ Ano?”- Eunice

“ Oy! Narinig ko yun ah. Tara na ngang bumili Gwapo naman pala yung tindero eh.” Sabi ko na tumayo agad.

Uy minsan lang ako makakita ng gwapo noh, kaya sulitin na.

“ Ansabe ng walang pera?”- Jovi

“ Shunga! Kayo lang pala ang bibili. Busog naman na siguro ako dun sa mga gwapings na yon eh.”

Binilisan na namin ang paglalakad, pero wag ka nauna pa sina Eunice at Jovi na kanina tatahitahimik lang. Sabagay baka nga maubos sila dun , sayang rin yon..

 **** 

Sensya na po, medyo sabog po ang nilulumot ko ng utak. 

0___0V

Heart of AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon