Chapter 14: ''Lying''

389 13 0
                                    

Vice's POV

Nandito parin ako sa kotse umaasa akong babalik siya matapos bitawan niya ang masasakit na salita.Mga ilang oras na din akong nandito matapos ko siyang sabihan na bumaba na siya hindi na siya bumalik ano pa nga magagawa ko eh pinababa ko siya.Ang hirap lang kasi mas naniniwala siya sa christian na yun! syempre mahal niya na ano pa nga bang magagawa ko? isa lang naman akong kaibigan na hindi niya na pinag kakatiwalaan simula ng makasama niya si christian.

Buern is Calling...

Buern: Meme! nasan kana? tumawag sakin si billy kanina bakit hindi mo daw sinasagot yung tawag niya kanina pa daw sila nakauwi.Nasan kaba?

Vice: Pauwi nako.

Buern: Anong oras na ngayon kalang uuwi.

Vice: Anong oras na ba?

Buern: Hindi mo alam kung anong oras na?! ano bang nangyayari sayo! 6:43 na oh!

Vice: Don't mind me buern im ok.

Buern: Siguraduhin mo lang! pumunta ka sa bahay mo ngayon na bigay na samin ng manager mo yung schedul mo meme!

Vice: Sige buern. *toot.toot.toot*

Siguro panahon na para sumuko na talaga ako sa kanya hindi sa hindi ko kayang ipag laban siya kasi wala na talaga akong ipaglalaban pa.Siguro eto na yung panahon na maging masaya na ako para sa kanya at hindi na talaga kami ang para sa isa't isa.mahal ko siya pero kailangan kong mag paraya para sa kanya hindi dahil hindi ko na siya mahal dahil hindi ito yung tamang panahon para saming dalawa.kailangan ko siyang isuko para maging masaya siya,kailangan ko siyang kalimutan para hindi ko na siya masaktan at kailangan kong itigil ang ang pagmamahal ko sa kanya dahil hindi kami ang para sa isa't isa.

----------------------

Buern: Sa wakas naka uwi kana! Ay anong nangyari sa kamay mo meme? napa away ka?

Vice: Hindi ah.

Buern: Eh ano yan? magic?

Vice: Sinungaling ba ko buern?

Buern: Hindi ah! Bakit? Ano bang nangyari?

Vice: Ba't ganon buern lagi nalang ako yung mali? lagi nalang ako yung nasasaktan.Mahal ko naman siya ah ang tagal na naming mag kaibigan ba't wala siyang tiwala.

Buern: Ipahinga mo na lang yan bakla! bukas na pala yung alis natin.

Vice: San tayo pupunta?

Buern: France! -__-

Vice: Ba't di ko ata alam?

Buern: Aba 3x a day kong pinapaalala ko sayo yun bago ka umalis papuntang palawan bakla!

Vice: Anu yan gamot? -__-

Buern: aba bastos to ah! nakuha mo pang mag biro sa kalagayan mo!

Vice: Oo na! Aakyat muna ko sa taas.

Buern: Sige.

-------------------------------------------------------

Christian: Are you ok babe?

K: Yes. 

Christian: San kita ihahatid?

K: Sa condo ko nalang. *lower tone*

Christian: Tell me, did he hurt you again?

K: Again? Oh god. Christian! Ano ba talaga ang totoo? Sabihin mo na hindi yung pinapahirapan mo pa ko!

Christian: Sinabi ko na yung totoo na hindi ka na niya mahal !

K: But christian..

Christian: Shh..

The One ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon