''ahhhhhhhhhhhhhhh..... ayoko na..! tama na..!'' sabay hinagis ang libro palayo sa kanya.
''BLAGABAG....!''
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
***Krriiiing.... Kriinnngg...... Kriinnggg...''
''Anak, gising na , late kna sa work mo..... '' - pilit ginigising ni Aling Marta ang anak nya na si Ysabel pero hirap ito na gisingin ang diwa ng anak, mga ilang minuto ay iniwan nalang nya ito at inisip na baka nakapuyatan nito ang yakap yakap na libro.
mahimbing ang pagkakatulog na parang nabubuhay ang diwa sa kawalan, namulat si Ysabel sa madilim na kwarto, sa di kalayuan mula sa kanyang kinatatayuan ay nakakita sya ng isang babae na nakaupo, may hawak na libro at nakatungo.
tumayo sya at nilapitan ang babaeng naka upo na di malinawagan ang mukha dahil nababalot ng dilim ang kwarto na iyon.
''Ah... miss..? '' - nangiginig na tawag ni Ysabel sa babae.
nilapitan nya pa ito sa paniniguro na marinig sya at sagutin ito.
''ammm... miss... gusto ko sana malaman kung nasaan ako at.......
tumango ang babae na kamukhang kamukha nya, nagulat sya sa kanyang nakita at napasigaw..
'' aahhhhhhhhhhh........! '' - unti unting napapaluhod si Ysabel at nanginginig ang kanyang tuhod.. ang babaeng nakita nya ay siya nung gabi na nawala sya sa katinuan. duguan at naka kadena ang mga paa.. ang mga kamay ay nanginginig na at ang mga mata'y patulo'y ang pag luha ng dugo, kasabay ang pag ngiti sa kanyang binabasa...
- nakatingin sa kanya ang sarili nya, at bakas sa mukha ang hirap na dinanas nang gabing mangyari ang misteryong iyon.
isang bulaklak na nakalutang hawak ng isang lalaking naka pula na walang ulo, at sa mismong kinatatayuan nya ay ang malamig na bangkay ng isang matanda na nakayakap sa kanya...
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
''ano bang nangyayari..? bakit nagkakaganito ako..? dyos' ko.... bakit ako pa..! '' - nanghina si Ysabel at napayuko nalang... ''
humangin ng malakas na hindi nya maipaliwanag kung saan nanggaling ang hangin na iyon, gayung wala naman bintana o ano mang posibleng pag daanan ng hangin na yun. isang pahina ng libro ang nakita nya na nililipad kasabay ng hangin. kinuha nya iyon at binasa.
-Ang Libro ay hindi lamang libro, ito ay nababalot ng kaalaman kasabay ang pagkabalot ng hiwaga at bawat hiwaga ay may misteryo... at ang libro na naka paloob dito ay puno ng misteryo at kababalaghan na walang sino man ang makakapag paliwanag maliban sa may AKDA...-
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
'' Oh... ano.? akala ko wala ka nang balak pumasok... hala sige, tumayo ka na d'yan t ihahatid na kita'' -
muling nagising ang diwa ni Ysabel.. at sa pagkakataong iyon ay kinuha agad nya ang libro at hinanap ang may akda..
'' Antonio Luardo.?'' - si Antonio Luardo ay isang manunulat at iginagalang noong unang panahon, isa sya sa madaming manunulat na nag nanais na magkaroon ng pangalan sa larangan ng industriya at lalong gusto nyang makilala ang mga gawa nya. pero ni isa ay walang nag nais na bumasa ng mga gawa niya. bukod sa ito ay malayo sa katotohanan ay hindi hilig ng mga mambabasa ang tungkol sa mga mystery story.. pero ganun pa man ay nakagawa pa sya ng isang libro. kung saan lahat ng nakapaloob dito ay nangyayari at mangyayari sa taong bumasa. sa pag nanais nya na ang lahat ng mga bumabasa ng kanyang gawa ay mangyayari din sa kanila kinabukasan....
sa school..
''are u serious my friend..? buti nalang at hindi ko nahiram yung libro na yan. cgue friend gorra na ko... ''
umupo si Ysabel, at sa kinauupuan nya ay may nakita syang isang bulaklak na kapareho ang pag kaka pwesto sa nabasa nya. hindi na nya ito pinansin gaya ng nabasa nya, dahil sa nabasa nya ito ay nagdulot ng pagkamatay ng isa sa mahalagang tao sa buhay ng bumabasa- at siya iyon.
pauwi na sya ng nakita nya ang isang lalaking nakapula kausap si Aling marta, biglang lumakas ang kabog ng dibdib ni Ysabel, kumuha agad sya ng kahoy na mahaba at walang awang pinaghahampas sa ulo ng lalaking naka pula.. nagulat ang ina sa pangyayari.. itinago nya ang bangkay sa likod ng abandonadong bahay.
''Anak.. bkit mo ginawa iyon? pumatay ka ng taong wala namang kasalanan..! '' -
''Inay, mas mabuti pa yung ginawa ko, kasi sasaktan kayo ng taong iyon.!'' - nasa mukha ni Ysabel ang Takot at pangamba sa mga susunod pang mangyayari. pero nilakasan nya ang loob nya.
nababalot na ng takot ang katauhan ni Ysabel, kaya't mas nanaisin nalang niya na itama ang mga pangyayaring mangyayari palamang kanya para hindi mapahamak ang mga taong mahalaga sa kanya kahit na makapatay pa s'ya.
habang pauwi ang mag ina ay agad na naghugas ng kamay si Ysabel at agad na kinuha ang libro at muling nagbasa.
''Anak, ano bang nangyayari sayo? bakit ka ba nagkakaganyan ? - lumingon at nanlilisik ang mga mata ni Ysabel sa kanyang Ina.
''D'yosko anak....! - napaurong ang matanda hanggang sa mapasandal sya sa bintana na bukas. sa takot at pangamba na sinasapian ang anak ay napa sigaw nalang sya hanggang mahulog ito. walang nakakita sa pangyayari bukod sa masamang elementong komokontrol sa katawan ni Ysabel. ''
--mga ilang sandali pa ay nagising na sa katinuan si Ysabel, walang naaalala sa mga nangyari.
itutoloy :)
YOU ARE READING
LIBRO NI LOLO
Mystery / Thriller''Paano kung ang iyong kinahiligan na pag babasa ng libro ang syang magpapahamak sayo.? babasahin mo pa ba ang bawat pahina na nakapaloob dito na puno ng kababalaghan.? maglalakas loob ka pa bang basahin ang '' LIBRO NI LOLO''