BESTFRIENDS TO STRANGERS. (ONE SHOT) byHangInTherejanelle
My very first short story. /m\ Pagpasenyahan niyo nalang!
-------------------
***
Si Xavier makakasalubong ko! Teka, maganda na ba ako?
Kinuha ko ang maliit kong salamin sa bag at inayos ang buhok ko. Agad ko din naman itong tinago nang lumapit siya.
Napakagwapo niya talaga! At hindi magbabago iyon sa mga mata ko. Maputi sya, nakawave ang buhok, mapupula ang mga labi. Mayroon din syang hikaw sa isang tainga. Ang cool niya tingnan palagi, kaya naman napakaswerte ko talaga sakanya.
Ako? simple lang ako. Basta yun na yun!
"Hoy! Anong section mo? Hindi na tayo magclassmates noh?" Humalakhak ako.
"4A kaya ang section ko!" Tinaas niya ang enrollment slip.
"What? Nagpalipat ka noh? Last time chineck ko yung section mo 4C ka!"
"Syempre naman. Nandoon ang best friend ko eh." Kinindatan nya ako at naglakad na siya nang nakapamulsa sa pantalon. Siguro pupunta na 'yun sa room namin.
Napangiti naman ako doon. Ang best friend ko talaga!
Sumunod nalang din ako sakanya nang may ngiti sa labi.
I'm Kendralyn Agustin, 15 years old. 4thyear high school sa Bridgette High. And He? He is my bestes bestfriend. Siya lang. Siya lang talaga. He's Xavier Delos Santos.
Elementary at ngayong High school palagi na kaming magkaklase. Nagsimula kami nung grade 3. Transferee siya noon, walang sinuman ang pumapansin o kumakausap sakanya. Grade4, magclassmates pa rin kami pero hindi pa din kami ganoong magclose. Dumating yung time na binubully na sya ng classmates namin. Hindi ko na kinaya iyon tignan, nilapitan ko yung isa kong classmate na lalaki na nambubully sakanya at sinuntok ko sa mukha, umiyak sya. Pinatawag ang mga magulang namin ni Xavier, hindi ko alam kung sino ang dumating sakanya noon, pero sigurado akong hindi mama niya ang dumateng, yaya ko naman ang saakin.
Naaalala ko pa ang sinabi nya saakin paglabas namin ng guidance office. "Salamat ate ha. Ako naman ang magtatanggol at magpapangiti sayo, pag laki ko."
Napangiti ako sa sinabi niya.
***
Pumasok na ako ng classroom at tinabihan siya. Tumingin ako sa paligid.
"Siguro may pinopormahan ka dito noh?" Tanong ko habang lumilinga sa paligid.
"Ha? wala noh. first day pa lang, porma agad? wala akong kakilala dito."
"Ah. I see."
Bell time na, pero dahil wala kaming magawa nagpunta kami sa hallway at ginawa ang dati pa naming ginagawa.
"7 for him" Sabi niya sabay taas nang flash card.
Nakaupo kami sa hagdanan. Iniiskoran namin ang bawat looks ng estudyanteng mapapadaan dito. Madalas, nagtatalo kami sa larong ito. Pero mas madalas na may magalit saamin.
"No! Ang gwapo niya kaya!" Biro ko.
"Mas pogi pa ako dun!" Sabay pogi sign.
"Kapal mo talaga! Mukha ka kayang unggoy!" Tumawa ako ng malakas.
"Ah mukha pala ha!"
Bigla niya akong kiniliti sa tagiliran.
"HAHAHAHAHAH! ANO BA! HAHAHAHA"
BINABASA MO ANG
Bestfriends to Strangers (SHORT STORY)
Short StoryPaano kung sa isang iglap ang taong malapit sa'yo, pinaka-importante at minamahal mo ay mawala sa buhay mo? Pero paano kung bumalik at nagpakita nga ito sa'yo ngunit wala na pala ang bakas ng nakaraan niyo sakanya? Maibabalik pa kaya nito ang ala-al...