Chapter One.

23 2 1
                                    

*Sheera's P.O.V*

*Kriiing! Kriiing!*

"Hello?" Sagot ko sa tawag. Tinignan ko ang orasan sa kwarto ko, 4:30. Ang aga aga may tumatawag -.-

'Hey sheera! Punta ka sa bahay ko dali! Wag ka na magtanong kung bakit. Ge. Bye!' Sabay baba ng telepono. Wow! Lakas ng loob niyang babaan ako!. Siya tong tumawag ng sobrang aga. -.-

Bumangon ako sa kama ko, nagtoothbrush muna ako at naligo bago lumabas ng kwarto ko. Sumilip ako sa baba ng hagdan, wala pang tao. Tumingin ako sa relo ko, 5:30, kaya pala wala pang tao. Ang aga pa rin talaga. 6:30 pa nagigising mga maids namin. Naunahan ko pa sila.   -.-

Nang tuluyan akong makababa sa hagdan, nakita kong lumabas si manang sa kwarto niya sa may kusina.

"Manang" tawag ko sa kanya. Bigla siyang napatalon at tumingin sa akin.

"Grabe ka namang bata ka! Nakakagulat ka!" Sabi niya habang nakahawak sa puso niya at nanlalaki ang mga mata niya.

'O.A naman ni manang' sabi ko sa isip ko.

"Sorry manang!" Sabi ko habang medyo natatawa, "Pwede po ba pakisabi kay mommy, pag gising na siya na nakela alexa lang ako? Pinapapunta po kasi ako eh" dagdag ko. Tinignan niya ako na parang nagtataka,

"Ganito kaaga pinapapunta ka ni Alexa sa kanila?" Tanong ni manang.

"Opo. Di ko nga po alam kung bakit eh." Sagot ko sa tanong ni manang. Tumango naman siya.

"Ah sige, sige. Gusto mo gisingin ko ang driver niyo para ihatid ka kela Alexa?" Tanong sa akin ni manang. Umiling ako, "Ay wag na po! Kaya ko na po to. Salamat na lang po" nakangiti kong sabi at naglakad na patungo sa pintuan.

"Magingat ka ah!" Sabi pa ni manang bago ako makalabas ng pintuan. "Opo manang! Sige po! Bye!" Sabi ko kay manang at dumiretso na sa labas.

Paglabas ko ay nakita kong pataas pa lang ang araw. Hay nako.. ano ba kasing kailangan ni Alexa? -.-

**

Pumasok na ako sa loob ng Village nila. Nilakad ko na lang. Malapit naman eh. Mga 20 minutes galing sa bahay ko, atsaka exercise na rin.

Nakita ko siyang nakaupo sa may waiting shed sa tapat ng bahay niya. Tinawag ko siya.

"Alexa!" Tawag ko sa kanya. Bigla naman siyang tumingin sa akin, "Waaah! Sheera! Namiss kitaa!!" Sigaw niya at bigla ako yinakap ng sobrang higpit.

"Uy! Wag mo higpitan yung yakap mo! Di ako makahinga!" Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkayakap niya sa akin. Tumawa naman siya,

"Suus! Arte mo naman! Minsan lang ako mangyakap eh! Swerte mo at ikaw yun!" Natatawa niyang sabi at tinanggal na ang pagkayakap sa akin. Huminga ako ng sobrang lalim.

"Thank you! Grabe ka naman kasi mangyakap eh! At saka bakit mo ako namiss? Eh magkasama tayo kahapon!" Takang taka kong tanong sa kanya. Totoo naman eh. Kasama ko siya kahapon pumunta kami sa mall. -.-

"Wala lang! Trip ko eh! Ayaw mo yun? May nakamiss sayo!" Ngiting ngiti niyang sabi. Weird ng babaeng 'to -.-

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito ng ganito ka aga? Tara na nga! Ang lamig dito!" Sabi ko sa kanya at naglakad patungo sa bahay niya.

"Mamaya ko na sasabihin kung bakit. Hoy! Hintayin mo ko! Baka bahay ko yan?" Sabi naman niya at inunahan ako sa paglakad. Kahit kailan talaga -.-

Parang di nga bahay yung bahay nila eh! Ay hindi pala talaga bahay kasi mansion yun! Kaso gusto ni Alexa na bahay na lang daw ang itawag dun. Weird diba? Parehas lang naman yun eh! Kinaiba nga lang ay mas malaki yung mansion tapos yung spelling! Atsaka alam niyo ba? Pansin ko. Walang sense pinagsasabi ko -.-

Anyway, my name is Sheera Nyxandria Reyes, 16 years old, half american and half filipino. May dalawa akong kapatid. Saka ko na sila ipapakilala. Tinatamad ako eh.

Tapos yung kasama kong babae ngayon, bestfriend ko, Si Alexa Shannon Lee, 17 years old, half american and half korean. May kapatid din yan! Actually kambal niya, kamukha niya pa! Tapos ang gwapo! Di katulad ni Alexa. Pangit. De joke lang. Maganda si Alexa. Parang yung mommy niya. Atsaka kamukha niya nga diba? -.-

"Mom! Sheera's here!" Sigaw ni Alexa. Grabe sumigaw 'tong babaeng 'to. Talagang nag echo pa sa buong mansion nila -.-

"Wag ka nga sumigaw! Ang aga aga!" Sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako at di pinansin. Suplada -.-

Nakita kong bumaba ang mommy ni Alexa sa hagdan nila, "Shannon! Stop Screaming! It's so early! Your brother is still sleeping!" Sabi ng mommy niya at sinamaan siya ng tingin. Di naman pinansin ni Alexa ang pagsama ng tingin sa kanya ng mommy niya,

"Don't call me Shannon mom! It's gross!" Sabi naman ni Alexa sa mommy niya. Tinawanan siya ng mommy niya, "What's gross in 'Shannon'? It's a beautiful name you know." sabi ng mommy ni Alexa. Umirap naman si Alexa. Tumingin naman sa akin yung mommy ni Alexa, "Oh, Hi Sheera! Goodmorning!" Masiglang bati sa akin nung mommy niya.

Mukhang mapapasabak ako sa english ah, di kasi masyado marunong magtagalog yung mommy ni Alexa kasi Amerikana, pero nakakaintindi naman siya,"Hello po. Goodmorning!" nakangiti kong bati sa kanya. Nginitian niya naman ako pabalik. May sasabihin pa sana siya pero biglang nagsalita si Alexa.

"Ma, we'll just go to my bedroom okay? Bye!" Sabi ni Alexa sa mommy niya at hinila na ako pataas ng hagdan. Grabe tong babaeng to. Kausap ko pa yung mommy niya tapos hihilahin ako? Bastusan lang eh noh?

Pumasok siya sa room niya. Sumunod naman ako. Grabe yung kwarto nitong babaeng 'to. Ang kalat! -.-

"Alam kong nagtataka kung bakit ang kalat ng kwarto ko" sabi niya bigla. Ano to? Mind reader?

"Ah oo nga. Bakit nga ba??" Tanong ko habang nililibot ang paningin ko sa buong kwarto niya.

"Di ko rin alam eh." Sabay higa niya sa kama niya. Umupo naman ako sa upuan malapit sa computer niya.

"May tanong ulit ako" sabi ko sa kanya. Tinignan niya naman ako na parang sinasabing 'ano?'

"Bakit mo ako pinapunta dito!? Ang aga aga!!" Sigaw ko sa kanya. Tumawa naman siya, "Hahaha! Chill!!" Sabi niya habang tumatawa. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumigil naman siya sa pagtawa, "uhmm... Ano... kasi.... ano eh.." paputol putol niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano?" Tanong ko sa kanya.

"Tulungan mo akong linisin 'tong kwarto ko! Please?" Sabi niya habang nakapout. Napanganga naman ako. So pinapunta niya ako dito para tulungan siya linisin tong kwarto niya? Ano ako? Kasambahay?

"Ano?! Pinapunta mo ako dito para lang tulungan kang maglinis!?" Tumango siya, "so talagang ginising mo ako ng sobrang aga para lang tulungan ka!? Ang dami niyong maid! Bakit ako pa!?" Sigaw ko sa kanya. nakakainis kaya! -.-

"Eh sige na! Please!? Grounded ako eh! Di ko pwedeng utusan yung mga maids namin! Para daw hindi na ako magrounded kailangan kong linisin tong room ko! Please!?" Sabi niya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako.

"Hayy.. Alexa Shannon Lee!! Paglinis na lang ng kwarto kailangan mo pa ng katulong!? Pasalamat ka mabait ako at bestfriend mo ako" sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang bumangon mula sa pagkahiga niya at nag tatalon at sumigaw.

"Tutulungan mo na ako!? Thank youu!!" Sabi niya este sigaw niya habang tumatalon.

"Wag kang tumalon diyan! Walang mangyayari dito kung tatalon ka lang. Tara na maglinis" sabi ko at tumayo na. Sumunod naman siya sa akin. Mukhang mapapagod ako ngayon ah. Yes naman! -.-

--

A/N:

Hi guys! First story ko to. Pag tiyagaan niyo na lang. haha! Pero I'll do my best. Woooh. Nosebleed. Thanks nga pala kay @EllaineDL! Co-author ng story ko. Kung di dahil sakanya wala ako dito. JOKE. XD Anw, please enjoy guys. Salamat sa pagbasa! Hart Hart. <3

-BelleDL

Follow Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon