Chapter Two.

17 2 0
                                    

*after 2 hours*

"Wooo!! Kapagod!" Sabi ni Alexa habang nagiinat, "Galing talaga natin! Nalinis natin tong napakalaking kwarto ko!" Dagdag niya at humiga sa kama niya. Humiga rin ako. Kapagod grabe,

"Tulog dapat ako ngayon eh! Ikaw kasi eh! Napagod pa tuloy ako." Reklamo ko sa kanya. Tumawa naman siya,

"Ngayon ka pa talaga nagreklamo eh tapos na tayo maglinis!" Sabi niya sa akin, "Atsaka madalas kasi may inuutusan tayo kaya di tayo sanay diba? Minsan lang to noh!" Dagdag niya. Sabagay tama siya. Ikaw ba namang anak mayaman?

"..sabagay. ta--" naputol ang sasabihin ko dahil biglang nay kumatok sa pintuan, "Pasok" sabi ni Alexa. Pumasok naman yung kumakatok. Ah. Yung maid pala nila -.-

"Ma'am Alexa, kain na daw po" sabi nung maid nila. Tumango si Alexa,"Ah okay. Sige. Susunod kami" sabi ni Alexa sa maid nila. Nagbow yung maid nila tapos lumabas na.

"Kain na daw! Tara! Gutom na ako eh" sabi ni Alexa at bumangon mula sa pagkahiga. Tumango ako at tumayo na rin.

Bumaba kami ni Alexa sa hagdan nila at nagpunta sa dining room. Nakita kong nakaupo na ang mommy ni Alexa at yung kapatid niya, si Alex.

"Bakit ba ang gwapo ni Alex?" Bulong ko kay Alexa. Tumawa naman siya,"Syempre! Mana sa akin eh! Maganda!" Proud na proud niyang sabi.

"Hahaha! Okay lang yan Alexa. Libre mangarap!" Sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya kaya tumawa na rin ako.

"Hey Sheera and Alexa! Come here! Let's eat!" Sabi nung mommy ni Alexa. Sumunod naman kami ni Alexa at umupo na. Tumabi ako kay Alexa, kaharap ko naman si Alex.

Papakilala ko pa pala si Alex, kambal ni Alexa. Si Alex Vonn Lee, 16 years old. Classmate ko yan. Actually classmate namin ni Alexa since magkasing age lang naman kaming tatlo. Atsaka pare parehas kami ng school. Bestfriend ko rin yan eh! Ang bait kasi! Minsan kasama siya sa tropa namin! Apat kami eh. Si Alexa, Alex, ako tapos si Lia. Di niyo pa kilala si Lia eh. Saka ko na siya ipapakilala. Pero minsan lang sumama sa amin si Alex since lalaki siya at nagmumukha daw siyang bakla -.- at saka ako lang naman daw ang bestfriend niya. Ayaw niya daw sumali sa tropa namin. Lalo na't kasama daw ang kambal niya -.-

Nagsimula na kaming kumain ng magtanong sa akin si Alex, "Hi sheera! Bakit ka napadpad dito sa pamamahay namin?" Tanong ni Alex habang nakangiti ng pangasar. Lakas rin nitong mangasar eh. Di pala siya mabait -.-

"Tanong mo sa magaling mong kambal. At saka masama bang pumunta dito?" Tanong ko sa kanya.

"Di naman.. pero pag ikaw...masama" sabi naman ni Alex at tinuloy ang pagkain niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hahaha! Joke lang. Peace tayo!" Sabi ni Alex at ngumiti. Kahit kailan talaga oh. Parehas sila ni Alexa, "pero ano nga bang ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin.

"Pinapunta ako ng kambal mo eh. Kaasar nga. Sarap ng tulog ko eh. Ang aga pa pati." Sabi ko sa kanya at sinamaan ng tingin si Alexa.

Nagpeace sign siya sa akin at nagpatuloy sa pagkain -.-

"Aga naman masyado. Loko talaga yang kambal ko. Minsan nga iniisip ko kung kambal ba talaga kami. Eh gwapo ako, siya di maganda. " Sabi ni Alex sakin sabay tawa. Tumingin naman siya sa kapatid niya na kanina pa siya tinititigan ng masama. Buti di natunaw si Alex. "Joke lang. Bakit mo pinapunta si Sheera dito ng ganito kaaga? Ha?" Sabi ni Alex at sinamaan ng tingin si Alexa,

"Gusto ko eh! Masama ba??" Sagot naman ni Alexa sa kambal niya.

"Di mo man lang naisip na nagising mo siya ng maaga! Kawawa naman si Sheera!" Sabi ni Alex at nagpout. Ang cute talaga nitong lalaking to. Sweet pa ^_^ kaya mahal ko yan eh! Pero syempre as bestfriend lang.

Follow Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon