Chapter Five.

2 0 0
                                    

*Sheera's P.O.V*

"Sheera. Paabot nga nung balloon" sabi ni Kuya Shin sa akin. Tumayo naman ako sa pagupo ko, inabot ko sa kanya. Nagaayos kasi kami o sila kuya shin at luke ngayon para sa welcome party.

"Oorder ba tayo ng pagkain? O yung mga maid na lang ang magluto?" Tanong naman ni Luke.

"Magorder na lang tayo. Ang alam ko maaga sila bukas eh. Baka hindi nila matapos lutuin" sabi naman ni kuya shin.

Gising pa kaming lahat. Busy sila sa pagaayos ng welcome party ng 'mga taong di ko pa rin kilala'. Pero sila Lia at Syrra pinatulog na namin. 11:00 na kasi ng gabi eh. Nagmomovie marathon kami nila Lily dito sa salas nila habang hinihintay namin kung anong iuutos nila sa amin.

"Oy Alexa! Diba marunong ka magbake?" Tanong ni Luke sa kanya, tumango lang si Alexa at kumain ng pop corn. "Pwede magbake ka ng cake?" Tanong ni Luke.

Tumango ulit si Alexa, "Sino ba kasi yung mga pupunta? Hanggang ngayon di ko pa rin kilala kung sino" sabi ni Alexa. "Oo nga!" Vonn, Lily at ako.

"Di niyo sila kilala eh. Hintayin niyo na lang sila dumating!" Sabi ni Kuya Shin.

"Diba pwedeng ngayon?" Tanong ko kela kuya Shin.

"Maghintay na lang kayo bukas!" Sabi ni Luke. "Alexa, Yung cake ah" dagdag ni Luke. Tumango na lang si Alexa at nagpatuloy sa pagnood.

"Bakit ba parang importante sila?"

"Basta. Hintayin niyo na lang sila" sabi ni Luke at nagpunta sa labas, sa may pool. Lumabas din si kuya Shin. Dun kasi gaganapin yung welcome party. Ang laki kaya ng pool nila.

"Oy kuya Luke!" Tawag ni Lily sa kanya. "Oh!?" Sigaw ni Luke. Nasa labas kasi siya. "Sino bang magkasamang matutulog sa guest rooms?" Tanong ni Lily. Oo nga noh. "Kayong bahala! Wag niyo muna kaming kausapin! May ginagawa kami!" Sigaw ni Luke. Tumingin sa amin ni Lily.

"Soo.. sinong magkasama sa rooms? Meron kaming rooms na dalawang kama tapos yung iba isang kama lang. May sarili naman akong kwarto. So kayong bahala kung sinong gusto niyong kasama" sabi ni Lily sa amin. Nagulat ako ng bigla akong higitin ni Alexa.

"Si Sheera kasama ko!" Sabi ni Alexa. Hinigit naman ako ni Vonn, "Eh paano ako? Wala akong kasama!" Sabi ni Vonn. Hinigit naman ako pabalik ni Alexa.

"Ano ba! Masakit!" sumigaw na ko. Di naman nila ako pinansin. -.-

"Anong gagawin ko? Bahala ka diyan!" Sabi ni alexa at binelatan si Alex. Nagpout naman si Alex,"Daya naman oh! Sinong kasama ko?" Tanong ni Vonn.

"Edi wala!" Sabi ni Alexa. "Dun ka sa pangisang tao lang" sabi ni Lily. bumagsak naman yung balikat ni Vonn. "Bleeehhh" belat ni Alexa at hinigit ako papalayo kay Vonn. Pati ako pinagaawayan? OMG! I'm so special! Haha.

"Anong oras na ba? Inaantok na ako" tanong ko sa kanila. Tumingin naman si Alex.. ay Vonn pala sa relo niya.

"12:30" sabi niya. Tumango ako. "Mauna na ako ah. Inaantok na kasi ako."

"Agad agad? Aga pa oh!" Sabi ni Alexa. "Inaantok na ako! Sumunod ka na lang mamaya kung ayaw mo pa matulog" sabi ko.

"Mauna na ako!" Sabi ko sa kanila at nagsimula ng umakyat sa hagdan. Nagulat ang ng bigla akong hinila ni Alexa.

"Dito ka lang!" Sabi ni Alexa at hinigit ako paupo sa tabi niya. Tss. Nu ba yan.

**

*Alexa's P.O.V*

"Ang boring" sabi ko. At humiga sa sofa nilang sobrang haba. Weird ng sofa nila eh.

"Oo nga eh!" Sabi ni Lily. Natahimik naman kami. Ang boring talagaaaa.

"Uy! Spin the bottle tayo!" Sabi ni Sheera. Tinawanan ko siya.

"Spin the bottle? Luma na yan!" Sabi ko sa kanila. "Sus! Edi wag ka sumali!" Epal ni Alex. Tss. May gusto yata talaga to kay sheera... Ahh! Alam ko na *evil smile*

"Sige na nga! May bote kayo?" Tanong ko kay Lily. Binigyan naman ako ni Lily ng bote. Di na to boring dahil sa gagawin ko.

"Oh. Kung sino ang matapatan ng bo--" naputol ang sasabihin ko dahil biglang umepal ang magaling kong kambal, "Oo na. Oo na. Alam na namin yung rules. Kaya start na!" Sabi ni Alex at inikot ba ang bote. Tumawa naman si Lily. "Kailan ba kayo titigil sa pagaaway?" Tanong ni Lily sa amin. Di namin sinagot ni Alex yung tanong niya.

"Nice talking. Psh." Sabi ni Lily. Tinawanan naman siya ni Sheera. Tinignan namin kung saan tatapat yung bote. Ayan na! Tumitigil na!!..

..At sakto! Kay Alex tumapat! *evil smile*

"Alex Vonn Lee! Truth o---" naputol ang sasabihin ko dahil bigla nanamang nagsalita ang magaling kong kambal. "Kailangan Full name?" Tanong sa akin ni Alex. Inirapan ko siya. "Tss.. truth or dare!" Tanong ko. Bwiset rin tong alex na to eh.

"Uhh.. Truth" yun!! Sakto!!

"Uhmm.." habang kunwari akong nagiisip.. "may gusto ka ba kay Sheera?"

Biglang napadiretso ng upo si Alex, "uh.. wala!" Sabi ni Alex at umiwas ng tingin.

"Weh? Di nga?" Sabi ko at tinaasan siya ng kilay. "Wala nga" sabi niya. Lalo ko pang tinaasan ang kilay ko, "weh?"

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo, "wala nga sabi!" Sigaw niya at nag walk out. Hala?

"Uy! Chill! Saan ka pupunta?" Tanong ni Sheera at Lily. Di sila pinansin ni Alex at tumaas na lang ng hagdan.

"Anyare dun?" Tanong nila Lily. Nagshrug ako, "di ko rin alam eh. Bakit naman naging ganun reaksyon nun? Parang tinanong ko lang naman kung may gusto siya kay sheera" sabi ko. Tinignan ni Lily si Sheera. Tumaas naman yung kilay niya.

"Ano?" Tanong niya.

"Sa tingin mo... may gusto sayo si Alex?" Tanong ni Lily.

Nagshrug lang siya, "wala yun!" sabi niya at kinuha ang remote at nagsimulang manood ng t.v.

"Ano ba yan. Nasira yung laro. Psh" sabi ko. Asar lang.

**

*Sheera's P.O.V*

Nang mabore na kami mag spin the bottle ay nagsimula ng matulog. Sila Luke at Kuya Shin naman, iniwan namin sa baba. Dumiretso na si Lily sa kwarto niya. Tapos ako naman stuck dito kay Alexa na tanong ng tanong ng kung ano ano

"Sa tingin ko may gusto sayo kambal ko?" Tanong niya at humiga na sa kama. Dalawa yung kama dito. Humiga din ako sa kama ko.

"Ewan ko. Kambal mo yun. Dapat alam mo" sabi ko sa kanya at tumingala. Pero ang weird talaga ni Vonn. Bigla na lang nagwalk out. -.-

"Aba sorry naman! Porket kambal ko alam ko na agad kung anong nararamdaman niya?" Sabi niya sa akin. "Pero alam mo.. sa tingin ko may gusto nga sayo yun. Grabe makareact eh!" Dagdag niya. Nagshrug lang ako. Bestfriend lang talaga tingin ko sa kanya eh... siguro?

"Ewan ko." Sabi ko na lang. Wala akong masabi eh.

"Alam mo... 'Ewan ko' ka ng 'Ewan ko' matulog na nga lang tayo!" Sabi niya at pinatay ang lampshade. Buti naman! Kanina pa 'ko inaantok eh. Kaso tong babaeng to. Daldal!

**

"Sheera! Sheera! Sheera! Gising na!" Habang tumatalon si Alexa sa kama. Tinignan ko lang siya at tinalikuran.

"Oy! Gising gising!" Sabi niya at hinila ako kaya nahulog ako sa kama. Seriously? Uso ba ang hinihila ngayon? -.-

Tinignan ko ang orasan, 4:30!

"Ang hilig mo talagang mang gising ng maaga! Ano bang meron?" Tanong ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Hahaha. Peace tayo. Tulungan mo ko magbake? Please?" Sabi niya. Inirapan ko siya.

"Bakit kailangan pa kitang tulungan? Eh ikaw tong magaling magbake?" Tanong ko sa kanya at tumayo na.

"Eh sige na! Please?" Sabi niya. Napabuntong hininga ako. Tumango na lang ako. Pasalamat siya bestfriend ko siya.

***

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Follow Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon